Chapter 20

71.1K 2.1K 1.1K
                                    

Venine's POV

Tinulugan ko si Tami after ng makapigil hiningang nangyari sa kitchen. Kumakabog tuloy nang mabilis ang puso ko sa tuwing naaalala 'yon. Napakalandi niya kasi!

Bago ako lumabas ng kwarto ay na-check ko pa ang oras. Pasado 7pm na at nagugutom na ako.

Sumilip ako sa living room at baka nandon si Tami pero wala. Wala rin siya sa kwarto kanina. Nasaan ang babaeng 'yon?

Pagdating ko sa kitchen ay halos malaglag ang panga ko nang makita si Tamira na nakatalikod at busy sa tapat ng stove. Flawless at sobrang puti talaga ng legs niya. Gusto ko pumikit pero hindi maalis ang tingin ko sa sexy butt niya. Paano ba naman nakasuot lang siya ng black panty na may nakasulat pang 'PINK' at white top na spaghetti strap.

"Tami." Kunot noong tawag ko. Mabilis naman siyang lumingon at ngiting-ngiti pa.

"Hmm?"

"Wala ka na bang masuot na shorts ha?" Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin.

"I have." Natatawa niyang sagot.

"E bakit ganyan ang suot mo?"

Dumiretso ako sa fridge para kumuha ng tubig na maiinom.

"Mainit e." Dinig kong sagot niya.

Hindi na lang ako nagsalita dahil naiinis ako. Mainit e centralized naman ang aircon dito sa bahay nila.

"Just enjoy the show, okay?"

Tumalikod ako at pumunta sa tapat ng kitchen counter saka naupo. Just enjoy the show? Abnoy talaga 'to e.

"Nasaan si Nanay Ada?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Kakaalis lang kanina, umuwi sa kanila may emergency daw."

Ah kaya naman pala pabanjing banjing siya diyan na ganyan ang suot.

"Let's eat na baby vixen." Sabi pa niya na nasa tapat ko na pala at nakalapag na rin ang niluto niya.

Tumingin ako sa plate at napalunok ako nang makita ang creamy pepper steak, ang bango at umuusok pa.

"Marunong ka na magluto?" Gulat kong tanong.

Sa pagkakaalam ko kasi ay kahit itlog hindi niya kayang lutuin. Kawawa lang ang itlog sa kanya na matutupok sa pan.

"Pinainit ko lang 'yan. Nagluto na si Nanay Ada bago umalis." Pigil ang tawang sagot niya.

Akala ko pa naman marunong na siya. Maglalakad na sana akong nakaluhod habang nagdadasal dahil sa isang himala.

Tatayo sana ako para kumuha ng plate at magsandok ng kanin para sa aming dalawa pero pinigilan niya ako.

"Ako na. Pinagsilbihan mo na ako kanina kaya ako naman ngayon." Nakangiti pa ring sabi niya.

Natulala lang ako habang pinapanood siya. Masyado naman atang maganda ang mood ng isang 'to?

Pagkatapos niyang kumuha ng plate at magsandok ng kanin ay umupo na siya sa tabi ko. Hinila pa niya ang right leg ko saka idinantay ang binti niya.

"Ano ba? Kakain tayo nang nakaganyan?" Angal ko.

"Why not?"

Nag-tsk lang ako at nagsimula ng kumain. Gusto ata talaga akong patayin ng babaeng 'to dahil sa atake sa puso. Nababaliw na talaga siya at malala na!

Relax, Venine. Mag-focus ka na lang sa pagkain at huwag sa legs niya! Huwag kang bumigay dahil inaakit ka lang niya! It's a trap!

"Dito ka na matulog ah." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon