Chapter 44

49.4K 1.6K 2.3K
                                    

Tamira's POV

"I'm sorry." Ven said while crying.

Binitawan niya ang kamay ko saka tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.

"No! Venine!" Sigaw ko habang umiiyak at hinahabol siya.

Nang maabutan ko siya ay niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likod.

"No, please... don't leave me." Pagmamakaawa ko pa.

"I'm sorry, Tami." Iyon lang ang huli niyang sinabi at bigla na lang siyang nawalang parang bula. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero dilim na lang ang nakikita ko.

"Ven!" Sigaw ko.

Napabangon ako habang nakahawak sa aking dibdib. Naghahabol din ako ng hininga at may mainit na luhang dumadaloy sa aking pisngi.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Ven. Kumunot ang noo niya saka patakbo akong nilapitan. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"What happened? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya habang hinahaplos ang likod ko.

"I had a bad dream. Iniwan mo na raw ako." Sagot ko kaya muli akong naiyak.

"Hey, calm down. Panaginip lang 'yon. Nandito ako oh." Pagpapakalma niya sa akin habang patuloy sa paghaplos sa likod at buhok ko.

Sandali ko pa siyang niyakap nang mahigpit hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan naman ni Ven ang magkabila kong pisngi habang pinupunasan ang mga luha ko.

"'Wag ka na kasing magpapakapagod para hindi ka managinip ng ganon." Nakakunot ang noo niya at halatang nag-aalala pa rin.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin alam ang sasabihin. I'm aware na napapabayaan ko na ang sarili ko lately dahil sa sobrang stress at pagod. Sobrang dami ng mga issues na lumalabas at palala nang palala.

"Ready na ang dinner sa baba kaya umakyat ako para gisingin ka." Sabi niya ulit habang nilalagay sa likod ng ear ko ang ilang hibla ng buhok ko. "Gutom ka na?"

Umiling ako. Hindi pa naman ako gutom dahil marami-rami rin ang nakain ko kanina pag-uwi.

"Anong gusto mong gawin?" Tanong niya ulit na nakahawak na sa mga kamay ko at masuyo akong pinagmamasdan. Napangisi naman ako.

"Sexy time." Sagot ko sabay kindat.

Bigla niya akong kinurot sa tagiliran na nagpakunot na rin ng noo ko.

"Nakatulog ka na't lahat 'di mo pa rin nakakalimutan 'yan?" Sermon niya na salubong na salubong ang mga kilay kaya natawa ako.

"Ang pakipot mo talaga kahit kailan."

Hihilahin ko sana siya para ihiga sa kama kaso biglang tumunog ang phone ko. Tsk. Istorbo.

Tumayo si Ven at siya ang kumuha ng phone sa bedside table pero nagsalubong ulit ang kilay niya pagkatapos tingnan ang screen.

"Gab?" Baling niya sa akin.

"Turn off my phone." Seryosong sagot ko dahil biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng lalaking 'yon.

Mukhang sinunod niya naman ang sinabi ko at umupo ulit sa tabi ko.

"Kino-contact ka pa rin niya?"

"Yeah. Ayaw pa rin tumigil." Sagot ko at kusang umikot ang mata ko dahil sa bwisit.

Nalaman ko na kung sino ang nagsulat ng mga articles pero ayaw namang sabihin kung sino ang source. Si Gab naman ay panay ang punta sa office pero mahigpit kong inutos kay Zoey na huwag na huwag niya itong papapasukin sa office ko kahit ano mang dahilan niya.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon