Chapter 29

64.9K 2.3K 2K
                                    

Venine's POV

Hindi ko maalis ang tingin ko sa nakalitaw na hita ni Tami na napakakinis. Paano ba naman e ang haba ng slit ng suot niyang dress kaya kitang-kita ang buong right leg niya. Nakakaloka!

"Are you enjoying the view?"

Napatingin tuloy ako kay Tami dahil bigla siyang nagsalita. Nakangisi siya sa akin at ako naman ay mabilis na nag-iwas ng tingin. Palagi niya na lang ako nahuhuling tinititigan ang katawan niya. Gosh!

Nasa backseat kaming dalawa ngayon at papunta na sa five star hotel kung saan gaganapin ang party ni Ate Clarisse.

"Grabe naman ang slit niyan. Wala ng itinago sa legs mo." Kunot noo kong sabi habang nakatingin sa labas.

"Don't worry, baby vixen. It's all yours." Natatawang sagot niya sabay kuha sa kamay ko at inilapat sa right leg niya.

Mabilis ko tuloy binawi ang kamay ko dahil parang bigla akong nakuryente. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Stop teasing me." Madiin kong bulong. Baka nakikita kami ng driver niya!

"Hot headed." Sabi niya lang saka pinagapang ang kamay sa likod ko.

Napakislot ako na akala mo'y nakuryente na naman nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay, tracing my bare back. Walang hiya talaga ang babaeng 'to kahit kailan!

Napapikit na lang ako nang madiin at huminga nang napakalalim. Calm down, Venine.

"Nandito na po tayo." Sabi ng driver kaya halos talunin ko na palabas ang sasakyan makalayo lang sa malanding si Tamira.

Dumikit agad sa akin si Tami habang papasok na kami sa loob. Naramdaman ko pa ngang gumapang ang kamay niya papunta sa bewang ko pero mabilis ko iyong inalis.

"Not here, Tami. Madaming tao." Inis na bulong ko.

"Fine. But I want you to know that you look so stunning tonight." Malanding bulong niya rin.

Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko dahil sa papuring natanggap mula sa kanya.

"And you are exquisite." Sagot ko naman at nagkatitigan kami.

As in sobrang ganda niya talaga ngayon. Bagay na bagay ang make up niya na lalong nagpatingkad sa maganda niyang mukha. Naka-curl ang dulo ng buhok at super sexy sa suot na dress.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko kaya nag-iwas na ako bago pa kung anong mangyari.

Walang maglalandian, Venine. Huwag kang magpapalandi kay Tami!

"Tami! Ven!" Nakangiting tawag ni Ate Clarisse na kumakaway pa.

Sobrang ganda niya rin sa suot na dress na kulay silver dahil sa nagkikinangan nitong mga bato sa upper part ng suot niya. Sleeveless at plunging neckline kaya kitang-kita ang malalim niyang cleavage.

"Happy birthday, cuz." Sabi ni Tami at bumeso kay Ate Clarisse.

"Happy birthday, Ate Clarisse." Bati ko naman at bumeso rin.

"Wow, Venine! You look so fab!" Puri sa akin ni Ate Clarisse habang pinagmamasdan ako.

"'Yang si Tami hindi na kailangan purihin dahil baka lalo lang magmalaki." Natatawang sabi niya pa.

"Super ganda mo rin ngayon, Ate Clarisse. Bagay na bagay sa'yo ang dress mo." Nakangiting puri ko dahil totoo naman. May slit din ang suot niyang dress pero mas mahaba ang kay Tami.

"Thank you!" Masayang sagot ni Ate Clarisse na super ganda rin ng ngiti.

"Tama na 'yang bolahan niyo." Singit naman ni Tami na nakakunot na pala ang noo.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon