Chapter 32

65.1K 2.1K 1.6K
                                    

Tamira's POV

"Tami!"

Kumunot agad ang noo ko ng umalingaw-ngaw ang matinis na boses ni Clarisse.

"Tami!" Tawag niya ulit na akala mong sobrang excited at siniksik pa ako rito sa sofa.

"What?" Sagot ko habang diretso ang tingin sa laptop. Can't she see I'm working here?

"Ano ba 'yan?! Kahit nasa bahay trabaho pa rin?" Sita niya naman pero hindi ko siya pinansin.

Iritable rin ako ngayon dahil ilang araw na naman kaming hindi nagkikita ng baby vixen ko dahil busy siya sa school at sa thesis niya. I miss her so bad!

"Ano bang pinunta mo rito?" Inis kong tanong nang hindi pa rin siya tinitingnan.

"Ay, bakit ang init ng ulo mo?"

Nag-tss lang ako pero hindi pa rin niya ako tinantanan.

"Tama na 'yan! Let's go to the club! Nagyayaya si Gene. Our other cousins are there already. Selene is also coming kaya dapat kumpleto tayo."

"I'm not coming." Walang ganang sagot ko.

If my baby vixen is coming then I will come but if not, thanks but no thanks.

"KJ mo talaga kahit kailan! Dali na kasi!" Pagpupumilit niya pa habang niyuyugyog ang braso ko kaya lalo akong nairita.

"Clarisse, stop. I'm not in the mood to go to the club. Madami pa rin akong trabaho. Kayo na lang."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kasama." Pagmamatigas pa niya.

"Edi manigas ka diyan." Mataray na sagot ko at nagpaka-busy ulit sa pagta-type.

Himalang nanahimik siya pero maya-maya ay parang may kausap sa phone.

"Ven!"

At dahil sa narinig ay mabilis pa sa alas kwarto akong napatingin sa kanya. Nakangisi si gaga habang nakatapat sa tenga ang phone.

"Are you busy?" Tanong niya pa.

"Don't disturb her, Clarisse. Gumagawa ng thesis 'yan!" Saway ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Yah. We're going to the club kasi. Sama ka!"

Nagsalubong ang mga kilay ko at parang gusto kong hilahin ang buhok niya!

"Clarisse!" May pagbabantang tawag ko.

"Sama ka ah. Si Tami kasi hindi sasama e. I'll text you the name of the club and address. You can't say no to me, ngayon lang tayo magkakasama sa club. Bye!" Mabilis niyang ibinaba ang phone at ramdam kong pumipintig na ang ugat ko sa sentido.

"Ven is coming." Nakangiti pang anunsyo niya. "Kung ayaw mo sumama edi fine. Aalis na ako."

Akmang tatayo na siya kaya mabilis ko siyang hinablot sa braso. Gustong-gusto ko siyang ingudngod ngayon!

"I'm coming, okay? I'm coming! Wait for me here, magbibihis lang ako!" Nanggagalaiting sabi ko at ang bwisit na si Clarisse ay ngiting panalong umupo ulit sa sofa.

Padabog akong tumayo at inirapan pa siya bago ako tuluyang umakyat sa kwarto.

Bwisit na Clarisse 'yan! Alam na alam talaga kung paano ako mapapapayag. Argh!

Pero habang namimili ako ng damit ay doon ko lang na-realize ang lahat. Ven is also coming! My baby vixen! Dahil doon ay mabilis na nawala ang inis ko at napalitan ng excitement.

I wore a black spaghetti strap paired with white shorts na nasa gilid ang zipper. Isinuot ko rin ang black thigh high mesh boots ko kaya kita pa rin ang skin ko.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon