Chapter 34

70.6K 2.1K 2.8K
                                    

Venine's POV

Nakangiti kong binuksan ang bintana at sinalubong ang pag-ihip ng hangin. Nasa byahe na kami ngayon patungo sa rest house nila Tami at aliw na aliw ako sa mga tanawing nadadaanan namin. Idagdag niyo pa ang magandang kanta sa loob ng sasakyan na Passenger Seat by Stephen Speaks.

"And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me..."

Sabay pa ni Tami sa kanta habang nakangiti at nakahawak sa isang kamay ko. Napangiti rin ako at pinisil ang kamay niya.

Napatitig ako sa mukha niya. Kahit naka-sideview ay angat pa rin talaga ang ganda niya lalo na ang matangos niyang ilong. Kahit palagi ko naman siyang nakikita ay namamangha pa rin talaga ako sa taglay niyang ganda.

"I'm very lucky." Hindi ko na napigilang isambit. Saglit naman siyang napatingin sa akin habang nakangisi.

"Yes you are but I'm luckier." Sagot niya na may kasama pang kindat bago ibalik ang tingin sa daan.

Nagpigil ako ng kilig at tumingin na lang ulit sa labas. Grabe 'yong puso ko parang sasabog na sa sobrang saya.

Bigla kong naisip na first time pala namin ngayon ni Tami na magbakasyon na kaming dalawa lang kaya lalo akong na-excite.

"Are you enjoying?" Biglang tanong ni Tami.

"Yes, super." Nakangiti namang sagot ko.

"Mas mag-e-enjoy ka sa rest house. Prepare yourself." Makahulugang sabi niya habang may ngisi pa rin sa mga labi.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Oo nga. Siguro mas maganda 'ron 'no kaya mas mag-e-enjoy kami. Wala naman kaming ibang gagawin 'don kahit kaming dalawa lang 'di ba?

Pilit ko pang kinumbinsi ang sarili ko kahit may ibang idea na gustong pumapasok sa isip ko. My ghad! Walang magaganap na SPG. WALA!

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa rest house nila Tami na beach house pala dahil nasa tabi lang ng dagat. Magkahalong native at modern ang design nito na kulay white at sobrang ganda.

Hinawakan ni Tami ang kamay ko at inilabas ang susi nang makarating kami sa tapat ng pintuan.

Nang buksan niya ito ay lalo pa akong namangha. Gawa sa kahoy ang interior maging ang sahig at sobrang gaan sa pakiramdam ng ambiance pagpasok mo.

"Namiss ko 'to." Nakangiting sabi ni Tami.

Hinila niya ulit ako paakyat sa taas at pumasok kami sa isang kwarto. Unang nakita ko ay ang balcony na sobrang ganda kaya napatakbo na agad ako 'ron dahil sa sobrang excitement.

Tanaw mula rito ang dagat na parang ganon sa Bohol pero mas malapit ang view dito. Ang sarap din ng simoy ng hangin, fresh na fresh.

Lalo pa akong napangiti ng may pares ng mga braso na pumulupot sa bewang ko mula sa likod.

"You like it here?" Tanong ni Tami na nakapatong ang baba sa balikat ko.

"Sobra." Sagot ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi na may tunog pa at parang nanggigigil kaya natawa ako.

Natahimik kami ulit habang nakayakap pa rin siya sa akin. Alam kong parehas kaming nakatanaw sa dagat at sa mga oras na 'to ay ramdam na ramdam kong kumpleto na ako at wala nang mahihiling pa. Selfish man pakinggan pero gusto ko na ganito na lang kami habang buhay. Masaya lang at nasa magandang lugar na tulad nito.

Habang nagmumuni-muni ay may bigla akong naalala kaya dinukot ko ang box mula sa bulsan ko.

"Tami dito ka sa harap ko dali." Utos ko sa kanya na sinunod niya naman agad. Bahagya siyang sumandal sa railings habang nakataas ang kilay.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon