Chapter 7

65.8K 2.1K 1.8K
                                    

Venine's POV

Naglalakbay ang isip ko habang nakatingin sa daan, binabalikan ang mga nangyari kanina.

Ang una noong nakatanggap ako ng text mula kay Ate Clarisse na pinapasunod ako sa mall. Ayaw ko sanang pumunta dahil occupied pa rin ang isip ko ng nangyari sa sasakyan ko when I fetched Tami kaso lang ay nahiya naman ako tumanggi dahil si Ate Clarisse 'yon. Kaya pagdating ko sa mall ay napagdesisyunan kong iwasan muna si Tami. I tried to ignore at sungitan para lumayo rin sa akin.

Inasar ko na lang din siya para pangbawi sa katigasan ng ulo niya sa paglalasing. Sumang-ayon ako sa mga damit na pinasukat ni Ate Clarisse kahit totoo naman ang sinabi niya but it was a wrong move, hindi pala maganda ang naging epekto sa kanya. Imagine, sinundan niya pa ako hanggang sa loob ng fitting room!

Kinabahan talaga ako 'ron at hindi ko alam kung bakit. She asked me what's wrong but I lied when I answered na dahil nalate ako sa klase. Hindi naman kasi talaga ako nalate. Alangan naman sabihin ko sa kanya na bothered ako sa nangyari noong sinundo ko siya?

Lalo pang dumagdag ang kaba ko 'nong inutusan niya akong isukat ang dress sa harap niya. Hindi naman kasi ako sanay na may ibang tao kapag nagbibihis ako kahit sabihin pang kapwa ko rin babae. Triple pa ata ang kaba ko dahil siya ang manonood sa akin and I don't know why.

Dahil sobrang bossy niya talaga at alam kong hindi kami matatapos ay tumalikod na lang ako at tinanggal ang suot kong tshirt. Hindi ko pa man tuluyang naaalis ang suot ko ay laking gulat ko nang ibaba niya ulit kaya kunot noo ko siyang nilingon pero nakatalikod na siya at binuksan ang pintuan. She even said 'Ayoko na palang makita. Bahala ka kung bagay o hindi basta bilisan mong magsukat diyan'. 'Di ba abnoy?

"Hoy."

Nawala ako sa malalim na iniisip nang marinig ko ang boses ni Tami. Napatingin ako sa kanya na seryosong nagda-drive.

Kaming dalawa na lang ngayon sa loob ng sasakyan dahil inuna niyang ihatid si Ate Clarisse kaya mahaba-haba ang oras kong nakapag-isip.

"Anong iniisip mo ha? Kanina ka pa tahimik e." Sabi niya pa.

"Iniisip ko kung bakit ba kita naging kaibigan." Inismiran ko siya at ibinalik ang tingin sa labas.

"Oh wow! Ayaw mo pa na naging kaibigan mo ang isang Tamira Sienn Alcantara?" Natatawang sabi niya.

Back to normal na ulit kami. Tuwing nagkakaroon naman kasi kami ng pagtatalo ay maya-maya parang walang nangyari kapag pareho nang nahimasmasan.

"Siguraduhin mo lang na susuotin mo 'yang mga pinamili sa'yo ni Clarisse ah." Sabi niya ulit na may halong pangaasar at pagbabanta.

Napalunok ako. Isa pa pala 'yon. Bakit ko pa ba kasi naisip ang ginawa ko kanina? Sobrang dami ng binili sa akin ni Ate Clarisse na nasa backseat ngayon. Puro daring ang mga dress at blouse na pinili niya na hindi ko alam kung kaya ko bang isuot.

Huminto ang sasakyan at ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay.

Bumaba ako ng sasakyan at kinuha ang mga paperbags sa backseat. Grabe puno ang parehong kamay ko.

"Close na close na talaga kayo ni Clarisse ah."

Napatingin ako kay Tami na nakatayo na sa gilid ko.

"Mas mabait kasi siya kesa sa'yo."

Tumawa lang siya habang ako ay naglakad na palapit ng gate namin. Nilingon ko siya bago pumasok.

"Ingat ah." Sabi ko.

"You too. Beware of dogs." Nakangisi niya namang sagot at nginuso pa ang bahay namin.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon