Chapter 23

65.1K 2.2K 1.5K
                                    

Venine's POV

Pagkarating namin sa bahay niya ay dumiretso agad si Tami sa kwarto sabay higa sa kama at tinapik ang space sa kanyang tabi. Sumunod naman ako agad dahil kinakabahan pa rin ako kung galit ba siya.

"Tami are you mad?" Mahinang tanong ko nang makahiga.

Tumagilid siya paharap sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

"What do you think?" Balik tanong niya sa akin habang nakataas pa ang isang kilay.

"Wala naman akong maisip na ginawa ko para magalit ka." Kunot noo kong sagot.

Bigla siyang yumakap sa akin at sumiksik sa leeg ko kaya hindi na naman ako nakagalaw.

"I'm sorry. I'm just tired. Nakakapagod kaya 'yong game tapos ang tagal mo pa bumalik kanina then that Nix is getting into my nerves." Alam kong naka-pout na siya ngayon kaya napangiti ako. Once in a blue moon mo lang kasi maririnig na mag-sorry ang isang Tamira.

"I think she likes you." Patungkol ko kay Nix.

"I don't care. Ikaw lang ang gusto ko." Mabilis niyang sagot. Para na naman tuloy may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.

Ipinatong ko ang kamay ko sa braso niyang nakayakap sa akin. "Hindi ko alam na magaling ka pa lang mag-volleyball. Sobrang galing mo kanina."

"Of course. I wanna impress my baby vixen."

"E kaso hindi lang ako ang na-impress mo, lahat sila lalo na si Nix." Nakasimangot na sagot ko.

"So what? Wala naman akong pakialam sa kanila." Mataray niyang sabi kaya natawa ako. Ang attitude talaga.

"Ano 'yong the only exception kanina? Feel na feel mo pa talaga ang pagkanta ah. In fairness ang ganda pala ng boses mo." May halong pang-aasar na sabi niya kaya hindi ko na napigilang hampasin siya sa braso.

"Ouch!" Maarteng daing niya na napalayo pa sa akin. Akala mo naman talaga malakas.

"'Wag ka nga! Nang-aasar ka na naman e." Inis na sagot ko.

Bigla siyang tumawa at hinigit na naman ako sa bewang habang pinagmamasdan ako sa mga mata.

"But darling, you are the only exception."

Kanta niya habang natatawang nakatingin sa akin.

"Saan ako excepted?" Panunudyo pa niya pagkatapos.

"Tumigil ka nga!" Singhal ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Namumula na naman ata ang mukha ko.

"Hay Ven-Ven... kailan mo kaya ako magugustohan? That Wade guy pa rin ba?" May lungkot sa tono ng boses niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit kahit gusto kong sumagot ay hindi ako makapagsalita. Parang may nakabara sa lalamunan ko at ang bigat din ng dibdib ko.

"Never mind. Don't stress yourself, okay?" Malambing na sabi niya at hinaplos pa ang pisngi ko kaya napatingin na ulit ako sa kanya.

Paano ko ba sasabihin na gusto ko rin siya?

Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit natatakot ako at hindi makapagsalita.

"Tami..." Mahinang tawag ko. Sa wakas ay nagawa ring bumuka ng bibig ko.

"Hush." Pigil naman niya agad sa akin at inilapat pa ang index finger sa labi ko.

Titig na titig siya sa mga labi ko at ramdam ko ang tensyong unti-unting namumuo sa paligid.

Lumipat ang kamay niya pabalik sa pisngi ko. Masuyo niyang hinaplos ito at napapikit ako nang humaplos pa ang thumb niya sa lower lip ko.

Didilat na sana ako ulit pero hindi na natuloy nang maramdaman ko siyang lumapit at mabilis na inangkin ang mga labi ko.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon