Chapter 31

67.4K 2.2K 1.6K
                                    

Venine's POV

"Uy, Ven. Okay ka lang?"

Napakurap ako sabay angat ng tingin kay Sam na nasa tapat ko.

"O-Oo naman." Mabilis kong sagot.

Nakakainis naman kasi! Bigla-biglang napasok sa isip ko ang nangyari sa amin ni Tami sa restroom 'nong Sat kaya natutulala ako. Monday na ngayon at kumakain kami ng lunch ni Sam dito sa cafeteria.

"Kanina ka pa tulala diyan e. Kumusta ka naman? Kayo ni Tami?" Bahagya niyang ibinulong ang huling sinabi.

"Okay naman." Tipid kong sagot.

"Ay oo nga pala! Totoo ba? Nag-bid si Tami sa'yo ng ten million sa party ni Ate Clarisse?" Gulat na gulat na sabi niya at nanlalaki pa ang mga mata. Awkward akong napangiti saka tumango.

"Omg! Grabe ka talaga friend ang ganda ganda mo! Imagine ten million? Tapos si Tamira pa? Wow!"

Pinalo ko siya sa braso at sinenyasang tumahimik dahil lumalakas na ang boses niya.

Pero wait, paano niya nalaman? Kumalat ba agad 'yon ng ganon kabilis? Sa bagay mga bigatin ang kasama namin noon sa party kaya pag-uusapan talaga 'yon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"Oh bakit parang hindi ka masaya?" Usisa pa ni Sam.

"Masaya ako 'no. Akala ko nga doon na ako sa lalaking mukhang manyakis mapupunta na nag-bid ng 500k." Nakasimangot na sagot ko.

"Pero biglang sinampal ni Tami ng ten million! Hahaha grabe talaga 'yon. Siguro gulat na gulat ang mga tao 'ron 'no?" Tumatawang sabi niya pa.

"Sinabi mo pa." Natatawa na ring sagot ko.

"Pero grabe e. Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na ni Ta—"

This time ay tinakpan ko na ang bibig niya bago pa siya makapag-namedrop. Mamaya niyan may makarinig pa sa kanya e.

"Sam naman. Pwede bang hinaan mo ang boses mo at huwag kang magsasabi ng ganon kapag maraming tao? Baka mamaya niyan may makarinig sa'yo." Saway ko sa kanya.

Hindi naman sa kinahihiya ko si Tami. 'Yong ganon kagandang babae ikakahiya 'ko? Never!

Pero kahit gusto ko mang ipagsigawan sa mundo kung gaano ko siya kamahal, marami pa ring mga tao na hindi makakaintindi sa amin kaya mas mabuting mag-play safe na lang. Sigurado kasing maraming magugulat niyan lalo na sa family ni Tami. Sa akin naman ay walang problema dahil wala na sina mom and dad kaya siya lang talaga ang iniisip ko.

"Ay, okay. Sorry na. Na-excite lang. Ang cute niyo kasing dalawa e." Sagot niya naman saka nag-peace sign.

Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain hanggang sa magsalita na naman siya.

"Si Wade kaya? Himala hindi sumabay sa atin?"

Natahimik ako. Malamang ay umiiwas muna 'yon dahil sa naging usapan namin last time.

"Alam mo naman 'yong nangyari sa amin e." Mahinang sagot ko.

Biglang nag-vibrate ang phone ko na nakalapag sa phone kaya naputol ang usapan namin.

Sexy Devil:

I miss you so much, baby vixen. Nag-lunch ka na?

Napangiti ako dahil naiimagine ko siyang naka-pout habang binabasa ang text niya.

Me:

Nasa cafeteria kami ni Sam, eating lunch atm. Kumain ka na rin. I miss you too!

"Ganda ng ngiti natin ah. Si Tami 'yan 'no?" Singit ni Sam na may nanunudyong ngiti.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon