Chapter 27

68.6K 2.1K 1.4K
                                    

Tamira's POV

Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko at kahit kakalabas lang ni Ven ay gustong-gusto ko na siyang habulin. Bakit kasi biglang dumating 'tong Gab na 'to?

"What do you need, Gab? I still have a lot of works to do." Kunot noo kong sabi.

Ang alam ko ay bumalik siya ng US pagkatapos naming mag-break pero bakit nandito siya ngayon?

"I want to see you that's why I'm here." May maamong ngiti siya sa mga labi at kung makatingin sa akin ay parang miss na miss ako. Well sorry pero hindi ko siya miss.

"Akala ko nasa US ka?"

"Hindi ko kayang magtagal 'don. I'm missing you... I'm missing us." Malungkot na sabi niya at hahawakan sana ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas.

"Gab we're done, right? There's no us anymore." Gustong-gusto kong ngumiwi dahil sa pinagsasabi niya but I keep my straight face. Ayoko naman kasing ma-offend siya.

"I know, Tami. But I can't forget you. I still love you, so much. I hope we can still fix this. I want you ba—"

"No." Mabilis na putol ko sa kanya.

Wala akong balak bumalik at hindi ko ugaling makipagbalikan. Once we're done, we're done. Get a new life and move on.

"Tami please..."

Ayaw ko siyang tingnan dahil alam kong nakakaawa lang ang mukha niya at lalo lang akong maiinis.

"Gab please din. Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan." Nakaiwas ang tinging sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Alright. Aalis ako ngayon pero babalik ako. Hindi ako susuko hangga't hindi kita nakukuha ulit." Determinadong sabi niya na nagpasalubong lang lalo ng mga kilay ko.

As if naman na papayag ako. Ano siya sinuswerte? And besides si Venine lang ang gusto ko.

Nilagpasan ko siya para ibaba ang binigay niyang bouquet sa glass table. Narinig ko naman bumukas ang pintuan at siguradong umalis na siya. Buti naman.

Sandali pa akong natulala at humugot nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.

Gab is out of his mind. Hindi ko in-expect na babalik siya at sasabihin ang lahat ng iyon sa akin dahil maayos naman kaming naghiwalay.

Nang maalala ko si Venine ay nagmamadali akong lumabas. Hinanap agad siya ng mga mata ko pero si Zoey lang ang nakita ko.

"Where's Venine?"

"Lumabas po, Ma'am. Hindi po nabanggit kung saan siya pupunta." Sagot ni Zoey.

Dumiretso ako palabas at agad siyang tinawagan. Nakailang ring pa bago sagutin na kinainis ko.

"Hello?" Sagot niya sa matamlay na boses.

"Where are you?" Inis kong tanong.

"Dito sa cafeteria."

"Don't go anywhere. Hintayin mo 'ko diyan." In-end ko na ang call at sumakay agad ng elevator.

Pagdating ko sa cafeteria ay nakita ko agad si Venine mag-isa sa isang table habang nakapangalumbaba at malayo ang tingin.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?" Tanong ko pagkatapos umupo sa tapat niya. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin habang nakasimangot.

"Tapos na ba kayo mag-usap?" Walang ganang tanong niya.

"Kung hindi pa kami tapos mag-usap, wala ako rito ngayon." Sagot ko sabay irap.

"Magbabalikan na ba kayo?" Tanong na naman niya habang seryoso nang nakatingin sa akin. Kumunot tuloy lalo ang noo ko.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon