P▪R▪O▪L▪O▪G▪U▪E▪

5.8K 55 1
                                    


"Welcome back, Agent Hunter Mariano" bati ng kanilang Senior at Head ng ahensya.

Dahil sa pagbabalik ni Hunter at dalawa pa nitong kasama mula sa gyera. Nabuong muli ang kasamahan at ngayon ay may kunting salu- salo.

Kasama nila ang mga girlfriends ng mga kasamahan niya maliban kay Hunter.

"bae! Girlfriend ko, si Annika" pagpapakilala ni Jax Puma. Ang best friend ni Hunter mula sa simula ng training noong College.

Inilahad ni Annika ang kamay nito pero kinawayan lang siya ni Hunter. Hindi niya ugali makipag kamay sa mga babae, kung lapitin siya ng bala ay mailap naman ito sa mga babae. Wala siyang interest, at wala pa sa isip niya na magka girlfriend uto. Naka focus siya sa kanyang tungkulin bilang secret top Agent. Ito ang bokasyon niya at dito siya masaya.

Nagkaroon din ng salu salo sa kanilang mansion, dahil dumating na rin si Ofelia galing ibang bansa.

Nagtanggal ito ng damit at Diretso banyo ito. Naka tungkod ang mga palad nito sa pader habang hinahayaan niyang bumuhos ang tubig mula sa shower sa kanyang katawan.

Ngayon na lang ulit siya nakapagligo ng hindi iniisip ang oras at pangamba na baka may biglang maglanding na bomba sa kisame ng kanilang head quarters.

Ninanamnam niya ang bawat patak ng tubig sa nuo niyang katawan.

Binigyan siya ng isang linggong bakasyon. Hindi biro ang pinagdaanan nila sa gyera, bago sila umuwi ay sumailalim sila sa mental and emotional treatment. Sa mga ganitong aktibididas marami sa mga nakaligtas sa gyera ang nagkakaroon ng depressions, traumatic memories and social factors. Mabuti na lang at nakarecover sila at nakapasa sa mga test na ginawa sa kanila.

Papunta siya ngayon  sa mall para bumili ng personal hygiene dahil naubusan na ito ng stocks. Hindi niya ugaling ang umasa sa iba, siya na mismo personal na bumibili ng mga necessities nito kahit marami silang maids na pwedeng utusan.

Naglalakad siya ngayon papasok sa main door ng mall ng mahagip ng kanyang paningin ang Pamilyar na babae na palabas ng pintuan sa kabila, may kasama itong lalaki.

Huminto siya at nag isip kung saan niya nakita ang babae. Lumingon siya sa dinaanan ng babae at nagpasyang sundan ito.

Mula sa malayo ay nakita niyang muli ang itshura ng babae ng lumingon ito bago sumakay sa sasakyan.

Nakakunot noo ang mukha nito nang matandaan niya kung saan niya nakita ito.

"Sino yung kasama niya?" bulong niya sa sarili. Tumingin muna ito sa paligid at muling bumalik sa loob.

Mabilis lang ang pagbili niya ng personal stuff  at umalis agad.

Nasa Terrece siya ng kanyang kwarto at nagbabasa ng report na ibinigay sa kanya kanina, kahit on vacation siya ay updated ito sa mga nangyayari sa ahensya ng biglang tumunog ang phone nito.

"oh Bae, napatawag ka?"

"Oo bae birthday kasi ng girlfriend ko bukas pwede mo ba ako samahan bumili ng regalo?"

"Bilhan mo siya ng bag, karamihan sa mga babae mahilig sa branded na bag" ani Hunter

"hindi ako nagtatanong kung ano ereregalo ko, alam ko naman  wala kang alam sa mga ganitong bagay, magpapasama ako dahil nakakahiyang bumili" ani Jax

"Takti, ano ba yan at baka ipasubo mo ako, deldo yan no?" Ani Hunter

"Huta ka Bae, walang ganyan sa isip ko. Ibibili ko siya ng set of make up, makakailang bumili ng mag-isa kaya sasamahan mo ako whether you like it or not you must like it" ani Jax.

"Sino ba superior sa atin at maka command ka, gusto mo one hundred push ups?" pagbibiro ni Hunter

"Wala namang ganyanan, bae. Parang hindi tayo magkaibigan" reklamo ni Mavs.

"Oo na sasamahan kita baka umiyak ka pa eh." panunukso niya dito.

Nang ibaba na niya ang phone ay napangisi ito ng malala ang babae kanina sa mall.

"Princess Zariyah Armani secretly visiting the country"

Wala itong Picture na magpapakilanlan sa naturang Prinsesa.

Nagbasa pa ito ng  ilang reports bago natulog.

Kinabukasan ay sinundo siya ni Jax para sa napag-usapan kagabi na sasamahan siyang bumili ng regalo para sa gf niya.

Nasa isang store sila ng make up. Mga customer na babae ay pinagtitinginan sila, yung iba nagbubulungan na rinig na rinig din naman dahil sa lakas ng mga boses nila.

"Bae, bilisan na natin parang iba kutob ko rito" ani Jax

"Love, gusto noon." ani Hunter na umakting na larang barbie at inakbayan niya si Jax.

"uy uy bae anong ginagawa mo?" nagtatakang inalis ang kamay ni Hunter sa balikat niya.

"Akala kasi niya, magsyota tayo, bumulong siya dito sa naka res na damit" ani Hunter na itinuro yung babaeng mahaba ang buhok

Napakurap naman ang babae at nag iwas ng tingin ang dalawang kasama nito

"Oh sila rin, nagbubulungan pero rinig hanggang dito, kala mo ngayon lang makakita ng lalaki sa make up section." pamumuna niya sa kumpulan ng mga baae sa banda roon.

Ang kaninang kumpulan ay biglang nagsi alisan.

"Iba ka bae, ikaw talaga.. Paano ka magkaka girlfriend niyan kung tinatakot mo sila" ani Jax na napapailing ito at ngiti.

Habang nasa counter sila ay napalingon sa labas si Hunter.

Nakita niya muli ang babae na ipinakilala ni Jax na girlfriend.

"Bae girlfriend mo nasa labas" aniya kay Jax na nagbabayad na sa counter.

"Huh, baka kamukha lang, abala yun ngayon sa bahay nila naghahanda." ani Jax na lumingon na dito matapos magbayad

Nang makalabas sila  ay sinundan ng tingin ang dinaanan ng babae.

"ah Jax, mauna ka na sa sasakyan may bibilhin lang saglit. " pagpapaalam niya

"Bilisan mo bae baka malate tayo nakakahiya sa mga magulang niya" ani Jax

Tumango lang ito at mabilis na tinungo kung saan niya nakita ang babae.

Bumaba ito ng escalator at nagpagala gala ang maa mata sa mga tao roon.

Malapit na siya sa may pintuan ng makita niya ito.

Nakipag beso beso ito sa isang lalaki at sabay sumakay sa sasakyan.

Ngayong nakompirma na niya na hindi lang namalikmata kundi tama ang hinala na ito yung girlfriend ni Jax. Pero ang sabi ni Jax na nasa bahay ito at naghahanda. Malaking palaisipan ito ngayon sa kanya. Sino yung lalaking kasama? Niloloko ba niya ang best friend nito?

Dahil kapatid na ang turing ni Hunter kay Jax, hindi niya tinantanan ang babae.

Minsan na rin niya itong nakita sa loob ng Empire Jewelry land. Ang sister Company ng Monarch Media Mind na kanila ring pagmamay-aari.

Sa kanyang pag iimbestiga, ano kaya ang  matutuklasan niya na magpapabago ng lahat?

Paano niya masasabi sa kanyang mafalik na kainigan ang pangloloko ng girlfriend nito?

Sino ba talaga ang babaeng ito na tila ay ibang iba sa ipinapakita kay Jax at ang babae na kanyamg iniimbestigahan. Napaka mesteryoso ng pagkatao niya na parang may split personality ito, dalawang pagkato ang nakikita ni Hunter na darating sa punto na tatanggapin niya ang posisyon bilang Assistant Director at magiging secretary niya ito.

What if ito ang maging dahilan nang kanyang pagbabago at matrap sa sariling emosyon?

Ipaglalaban o susuko?

Maninindigan o tungkulin?

Sarili o bayan muna?

Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa Pamilya, tungkulin at sariling kaligayan?







 

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now