Chapter 12 ( Consultant Specialist )

819 32 0
                                    

Dahil sa nangyaring pagsunod sunod ni Hunter sa kanya ay kailangan na nilang madaliin ang lahat.

Napag alaman niya kay Elaine na naghahanap ng Consultant specialist ang Kumpanya. Ito na ang oras para  pumasok si Nami bilang consultant Specialist.

Lahat ng requirements na hinahanap ay nasa kanyang resume.  Pinaghandaan nila iyon na walang ibang kukunin kung hindi siya.

Tumango tango si MS. Gail ang head ng HR. Sa expression ng mukha niya ay tila pasado ito.

"you are hired, the company needs you. Your work effectively immediate tomorrow. Congratulation Ms. Naomi Sie"

Nakipag kamay siya kay Ms. Gail at tyaka ngumiti. Ngiting tagumpay na tyak magugustuhan ni Riyah ang balitang ito.

Sa unang araw niya sa trabaho ay ipinakilala siya sa mga big bosses. Naroon si Riyah na tahimik na pinagmamasdan ito.

Nagpunta ito sa washroom. Nakita niyang nqghuhugas ng kamay si Riyah.

Magsasalita sana siya ng unahan siya ni Riyah

"Congratulation ma'am" bati niya, tinignan niya ito ng makahulugan mula sa salamin.

Nahulaan naman agad iyon ni Nami, sinulyapan niya ang dulong pintuan, may tao.

"Thank you" aniya at tyaka naglapat ng lipstick sa labi.

Nauna na itong lumabas at bumalik sa kanyang mesa.

Sa kanyang pagtitipa ay nasulyapan ng kanyang mata si Hunter at Sky na paparating. Tila abala ang dalawa na nag-usap. Hindi siya pinansin ng mga ito.

Dinampot niya ang cellphone. Sa ilalim ng kanyang mesa ay nag tipa ito ng mensahe.

"Hintayin mong makalabas si Sky yung nagpinta sa Santorini kamakailan lang. Sundan mo siya kahit saan, mukhang may binabalak ang dalawa"

Pagkatapos madelivered ng message ay denelete na nito ang outbox nito.

"Oo pare, huwag kang mag-aalala, so paano aalis na ako" pamamaalam ni Sky

Yan lang ang narinig niya ng makalabas ang dalawa.

Nag iwas ito ng tingin ng masulyapan siya ni Hunter.

Bumalik ito sa pagtitipa. Nilapitan siya ni Hunter at itinungkod ang mga palad sa mesa niya.

"Gusto mo ba malaman lahat ng napag-usapan namin?" ani Hunter na tinapunan niya ito ng tingin

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin sir, kung wala kayong iuutos babalik na ako sa akin computer." ani Riyah na nilabanan niya ng tingin ito

"What are you doing?" biglang sabat ni Jayleen

Umayos ng tayo si Hunter at tumingin kay Jayleen.

"Hi Hunter, nagdala ako ng favorite dish mo" itinaas ang dala nito. Sinulyapan niya si Riyah. "Here, prepare this" utos niya kay Riyah na inilapag iyon sa mesa niya.

"Thanks for the food but we have a meeting to attend.  " ani Hunter

Tumayo si Riyah at kinuhu ang notebook at ballpen nito. Tinapunan niya muna ito ng tingin, Nauna na itong naglakad papunta sa conference room.

Napa padyak ito sa inis. "This girl again. Nakakainis ka!!"

Nakita ni Callisto na pumasok si Sky sa isang stablishment. Pumasok siya para tignan kung anong meron sa loob.

Bigla itong nawala sa paningin niya. Agad siyang umalis dahil kinutuban siya na baka trap lang ito.

Sa may labasan ay sinunggaban siya agad ng suntok ni Sky.

Nailagan niya iyon at napaatras.

Nakapukot noo si Sky. Ang mga mata ng lalaki ay parang pamilyar.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong nito

"Dahil dito" ani Callisto at itinaas ang hawak na sobre. Mang umiwas ito ay agad niyang dinukot ang sobre sa bulsa ni Sky ng hindi niya namamalayan.

"Paano napunta sayo iyon?" tanong niya.

"nahulog mo sa daan habang naglalakad ako kaya kita sinundan" paliwanag ni Callisto.

Umiba ang awra ng mukha nito sa narinig. "ah ganun, pasensya kung napagkamalan kita. (inabot niya ang sobre) salamat dito." aniya

"Aalis na ako" pagpapaalam ni Callisto

"Sandali, anong pangan-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nakalayo na ito.

Nang makalayo ito ay nag dial ito sa kanuang cellphone.

"Hello, ma'am napansin niyang sumusunod ako nuti na lang at nagawan ko ng paraan para ipalabas na hindi ako sumusunod sa kanya"

"Sige, pumarito ka na muna, baka maghinala pa yun kapag nakita ka niya ulit" ani Nami

"Excuse me, isa ka ba sa mga employee dito, paki tapon naman to?" utos ni Jayleen

Tumingin sa likuran si Nami. Wala tao kaya nagtaka siya.

"Yeah, it's you. Will you get this and throw it" ani Jayleen na tinaasan niya ng iaang kilay

"one metter away ang trash bin sa likuran niyo, you can throw it yourself. " pqgtataray ni Jayleen

"What did you say?" tanong nito na may pagkairita na sa tono nito

"Hindi naman po yata kayo bingi. Tagalogin ko na lang para maintindihan nyo. Ang trash bin sa likuran niyo ay isang dipa lang ang layo." ani Nami

"Who the hell are talking to me like that?" tinaasan niya ito ng boses at tyaka itinapon iyon sa mukha ni Nami

"Jayleen!"

Napalingon si Jayleen sa likuran.

"What are you doing?" tanong ni Peter

Nasa likuran niya si Hunter, si Riyah at si Sky.

"Dad sinagot sagot niya ako kaya bagay lang sa kanya iyan" sagot ni Jayleen

"kung ganito rin lang ang magiging trato sa akin, I will resign immediately. Some companies are waiting for my answer. " ani Nami

"aah eh Please don't make a decision abruptly, ako na humihingi ng despensa sa inasal ng anak ko" paghingi ng paumanhin ni Peter

"Dad!" napasinghap ito na hindi makapaniwala

"Jayleen, go home and we will talk" ani Peter

Humarap ito kay Nami at tinignan niya ito na para bang kakainin niya ito ng buhay. Nag flip siya ng hair sa harapan niya at padabog na naglakad.

Sa likuran ni Peter ay nakangisi si Riyah sa pagkainis ng hambog na si Jayleen.

Nang makaalis si Peteray naiwan ang apat.

Iginiya ni Hunter si Nami sa opisina kasama siLa Sky at Riyah.

"Riyah meet Naomi the new Consultant specialist ng Kumpanya

"Nagkakilala na kami" sagot ni Riyah na nakangiti kay Nami

Nagkatinginan ang dalawang lalaki.

"Oo nagkakilala kami sa banyo" hirit ni Nami

Tumango si Hunter na naupo sa shivel chair.







The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now