Chapter 36 (I hate that I love you)

957 23 1
                                    

"Ito na po yung ilinangako ko sa inyo" ani Riyah ng magkasarilinan sila ni aling Leylibeth sa sala

"Ha pero hindi namin nakumoleto ang trabaho namin" ani Leylibeth

"Sapat na ang naitulong niyo sa akin at tyaka hindi na rin kayo naiba. Para ko na rin kayong pangalawang magulang." paliwanag ni Riyah

Inabot ni Leylibeth ang brown envelop. Nag aalinlangan pa ito na kunin pero sa expression ng mukha ni Riyah ay seryoso ito sa kanyang sinabi.

Unti unti niyang binuksan at inilabas ang papel na laman niyon.

Napa sapo siya sa kanuang dibdib at namumuo ang luha sa mga mata nito. Nag angag siya ng tingin pagkatapos niya basahin ang nakasulat doon.

"Totoo ba ito, kami na ang nagmamay-ari ng lupa?" hindi siya makapaniwala sa nabasa na kailangan pa niya ito itanong.

Tumango si Riyah at ngumiti. "Matagal na ninyong pinagtataniman ang bukurin at nararapat na mapasa inyo na iyon ngayon. Sa kunting panahon ko kayong nakilala, nakita ko kung gaano kayo kasipag sa pagtatanim at ani ng mga prutas at gulay at ang didikasyon ninyo sa inyong hanapbuhay na kailangan ninyong gumising ng madaling araw para magtungo na sa bukid ay isang inspirasyon para sa akin at sa ilan na sa gitnan ng kahirapan ay hindi kayo sumusuko sa pataniman." napayuko ito saglit ng maalala kung paano sila nabuhay ni Devorah noong wala pa sila sa palasyo. Tulad ng mag asawa ay nagsumikap silang mag-ina na kailangan pa nila ng sideline makaraos lang sa araw araw.

Napatakip ito sa bibig sa biglang pag iyak nito.

"Oh bakit po kayo umiiyak?" lumapit siya at niyakap si Leylibeth

"Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa napaka butibng puso mo para sa amin. Kaya ka pinagpala at naging Prinsesa ay dahil sa napaka buti ng puso mo sa mga mahihirap." ani Leylibeth

"Bago po ako naging Prinsesa, tulad niyo rin mo ako. Nagtrabaho na po ako sa murang edad kaya alam ko at naiintindihan ko ang sitwasyon ninyo." ani Riyah

"Oh bakit nag iiyakan kayo?" ani Damien na dumating kasama si Hunter mula sa bukid.

"Damien hindi na tayo magbibigay kay madam ng upa. Sa atin na ang lupa" masayang balita ni Leylibeth

"totoo ba yan?" hindi makapaniwalang sabi ni Damien sa asawa

"Tignan mo ito, nakapangalan ang titulo ng lupa sa atin. Katibayan na sa atin na ang lupa, hindi na tayo mahihirapan sa pag renta" ani Leylibeth

"Paano ito nangyari?" ani Damien na tumingin sa asawa

"Sa tulong ni Riyah" ani Leylibeth na lumingon kay Riyah at ngumiti ng malapad

"Riyah" ang tanging nasambit ni Damien

Nilapitan niya ito at niyakap

"Maraming salamat" aniya tyaka suminghot dahil sa pag iyak nito

Si Hunter ay tahimik na lumabas ng bahay. Nagpunta siya sa kamarin.

Napansin ni Riyah ang pag-alis nito.
"Matutuwa si Alisha pagbalik niya. Hindi na rin kayo mahihirapan mag kwenta kung ilang ang kikitain ninyo dahil wala na kayong babayaranng renta" masayang sabi ni Riyah

Naghanda na ng hapunan si aling Leylibeth sa mesa, hindi pa rin bumabalik si Hunter.

"Tatawagin ko lang si Hunter" ani Damien

"Ako na ho" presenta ni Riyah

Hihirit pa sana si Damien ng dilatan siya ni Leylibeth

"ah eh sige" ani Damien

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now