Chapter 19 ( leaked )

789 30 0
                                    

"You mean may kakambal ka?" gluat na sambit ni Nami

"Oo, kaya pala may mga talong napagkakamalan ako. Pakiramdam ko malapit lang sa akin ang kambal ko. Gusto ko siyang makita." ani Riyah na naluluha ito

Nagkaroon nang dahilan upang manatili pa ito. Ang kasabikan na makita ang kapatid ang sa ngayong nagpapatibay ng lakas ng loob niyang tuparin ang mga plano.

Nag umpisa na sila sa kanilang pasabog.

Natataranta ang lahat sa company. Lahat nang uusisa sa nagkalat na news online. Madaling nagpatawag ng board meeting ang mga shareholders.

May ngiti sa sulok ng labi nito sa nakikitang commotion sa buong building.

(umpisa pa lang ito) aniya sa isip at taas noong naglalakd ito papunta sa conference room. Nasulyapan miya si Nami na naglalakad at iisa lang ang tinatahak nilang daan.

Paaimpleng nagkangitian ang dalawa. Nauna si Nami na pumasok habang si Riyah ay hinihintay si Hunter.

Nang bumaling ang tingin niya sa paseo ay biglang nag slow motion ang paglalakad nito sa kanyang paningin. Tila parang niglang umihip ang malakas na hangin.

Iwinaksi ang ulo at nag focus ito sa nangyayari.

ano ba itong nararamdaan ko, bakit biglang numilis ang tibok ng puso ko?) nagtatakang tanong niya sa sarili

Nang makalampas ito sa kanya ay nag iwas ito ng tingin at yumuko. Sumunod itong naglakad sa likuran.

Nasa tabing upuan siya ni Junter habamg si Nami ay nasa tapat niya.

Pumasok si Miguel Luna Mariano. First time niya makita ito.

"Bakit niglaan ang pagtawag ninyo ng meeting" tanong nito. Nakakatakot ang boses nito na parang leon sa tapang niyon sa pandinig.

"Hindi niyo ba alam Mr. President ang nangyayari, nagkalat na sa online ang malaking utang ng Kompanya." ani Mr. Peter Tang

"Gaano ito katotoo na pati kami ay gulat na gulat. Hindi biro ang  amoint na sinasabing utang ng Kompanya" ani Mr. Henry

"kung tumataas ang sales ng jewelry natin sa bansa bakit may ganitong malaking utang, samantalang nangunguna ang kompanya sa sales?" tanong ni Mrs. Cynthia Ong.

"Ikaw ang namumuno dapat ikaw ang unang makaalam, hindi biro ang ininvest kung pera sa kompanyang ito" ani Mr. Henry na may galit na sa kanyang boses

"Paano ito nangyari at bakit ngayon pa lumabas lagkatapos ng auction?" ani Mrs. Juriza William.

"Kaysa magsisihan tayo, bakit hindi natin hanapan ng solusyon ang problema" suhesyon ni Hunter.

"Ikaw, Ms. Naomi ano ang maimumungkahi mo para sa problemang ito?" tanong ni Peter

" Bakit hindi tayo kumuha ng foriegn investors na pwedeng tumulong" aniya

"Sa tingin mo ba sa ganitong kinahaharap ng kompanya may mag iinvest kung alam niyang malaki ang pagkakautang ng kompanya?" Tanong ni Mrs. Juriza

"nangalap ako ng mga dati ng impormasyon ng kompanya, may mga foreign investors na gustong mag invest sa Kompanya ngunit hindi pinag-usapan. Bakit hindi natin sila pagbigyan ngayon? Kung bubuksan natin ang Company sa foreign, malaki ang maitutulong nito sa kompanya" ani Nami

Nagkatinginan ang mga shareholders at tumango tango.

"Magandang suhesyon iyan" sumang ayon si Mr. Peter Tang sa kanya

"Sino sino ang mga mga investor na nasa listahan mo?" tanong ni Miguel

" Apat na investors ang nasa listahan.

1. Denya
2. Furima
3. Ghania
4. Zantania

Tahimik na nakamasid si Riyah kay Miguel. Habang nagpipigil ito ng emosyon.  Nakayukom ang palad nito sa ilalim ng mesa.

"Hunter sayo ko ipagkakatiwala ang apat na bansang iyan. We need to rush everything that we could para matahimik ang mga media sa patuloy na pag uusisa nila" aniya at siyaka bumuntong hininga.

Pagkatapos ng meeting ay ngiting tagumpay ang nasa mga mukha nila Nami at Riyah. They parted ways happily.

"Alisha, you will go with me. Umuwi ka na at mag imapeke, kailangan nqting makarating bukas ng umaga sa Denya." ani Hunter ng makalabas ito ng conference room.

"Yes, sir!" aniya at tyaka tumango

Lihim na nagkita ang dalawa sa labas ng building

"You did a great job, Nami" bati ni Riyah at tyaka niya ito niyakap

"honestly, natakot ako sa Miguel Luna na yon, yung boses niya parang soul catcher ang dating" pahayag ni Nami

"Ngayon nakita na natin siya at malapit na natin makamit ang tagumpay. A drink for celebration, I guess" ani Riyah

"sa palagay ko magandang ideya nga yan. Shall we?" ani Nami

Tumango si Riyah at sabay silang naglakad pasakay ng sasakyan na nag aabang sa kanila.

Sa di kalayuan ay nakita sila ni Sky na magkasama.

"bakit sila magkasama, ganoon na ba sila ka close sa isa't isa?" bulong niya sa sarili

May narinig aiyang mahabang busina ng kotse. Paglingon niya ay may matandang patawid na malapit nang mahagip ng matulin na sasakyan.

Nagmadali itong tumakbo at inabot ang matanda. Sa bilis ay nag pagulong guling ang dalawa hanggang sa kabilang kalsada.

Bigla siyang nag angat ng ulo at tinignan ang matanda. Masakit ang kanyang katawan sa mga gasgas nito ngunit inuna pa niyang asikasuhin ang matanda. Nilapitan niya agad ito at tinignan kung humihinga pa. May mga galos rin ito sa braso at sa noo nito.

Pinasan niya ito sa likuran at doon mismo sa sasakyang nakabangga ang sinakyan nila.
"Police ako, idaan mo ito sa ospital. Susundan ko kayo gamit ang motor ko" aniya sa driver

"Bakit hindi ka diyan mapakali?" paninita ni Nami

"Hindi ko kasi makontak si tatang, baka mamaya may nangyari na doon" aniya

"baka may ginagawa lang o kaya natutulog na." ani Nami

"kailangan na nating umuwi, mag iimpake pa ako. Mamayang hating gabi ang flight namin papuntang Denya eh" pahayag ni Riyah

Tumango si Nami at kinuha ang bag sa couch.



The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum