Chapter 43 ( Speak with truth )

740 22 0
                                    


Maaga siya nagising, tinignan niya agad ang bintana. Wala siyang makitang Hunter. Nagtataka siya kung bakit wala pa ito simula kahapon. Hindi naman ito nagpa palit ng shift kaya hindi niya alam kung bakit wala pa ito. Agad siyang naglagay ng topper sa suot at bumaba. Sa bungad pa lang ay nakita na niya doon ang babae kaya pumanatag ang loob niya. Bumalil siya sa loob at tumuloy siya sa sala.

"Oh Riyah, ang aga aga parang buhol buhol yang nasa isip mo." ani Nami

"Kahapon pa kasing wala si Hunter" ani Riyah

"hindi mo ba alam, nagpatawag ang mga Mariano ng Prescon, ang sabi ng source ko ai Hunter daw ang pasimuno" ani Nami

Biglang naalala niya ang kahapong narinig niyang sabi ni Jayleen. "Baka may kinalaman ito doon" aniya

"huh, anong kinalaman?" tanong ni Nami

Hindi niya ito sinagot. Nagmadali itong pumanhik at nag ayos.

Pagbaba niya ay ipinahanda niya ang sasakyan.

"Teka, saan ka pupunta Riyah?" tanong ni Nami.

"may kailangan akong tulungan." aniya at tyaka magmadaling sumakay ng sasakyan.

Malakas ang pintig ng puso niya habang binabaybay nila ang daan. "Paki bilisan, may hinahabol akong event." aniya sa driver

Maraming press ang inimbetahan sa mansion ng mga Mariano. Abala ang lahat sa pag aayos ng kanilang mga camera, yung mga reporters ay naghihintay sa pagbaba ng Pamilya.

"Ito na ang tamang panahon para malaman ng publiko ang katotohanan, kapag hinayaan natin na maunahan tayo ni Jayleen ay mas lalong gugulo ang sitwasyon at marami ang hindi makakaunawa. Sa paraang ito, maaga pa lang ay aapulain na ang baga bago pa ito tuluyan maging apoy at kumalat."ani Hunter.

"Nakaalala kami sayo" ani Sage

"Kung ito lang ang tanging paraan upang matigil na ang pambabatikos sa ating pamilya, andito lang ako." ani Apollo

"Sama sama tayo sa labang ito, hindi tao o ano pa man ang magpapabagsak sa isang Mariano" ani Lucas.

Nagkatinginan ang mga babae.

"Kami rin" sabat ni Arriette.

Tumango si Hunter. Bago ito lumabas ay hinawakan ni Ofelia ang kamay niya. "Anak, sasamahan kita, namin humarap sa kanila" aniya na matamang tumitig sa anak

Humawak ito sa braso ni Hunter. Naintindihan agad ang gustong gawin ng ina kaya tumango ito at sabay silang lumabas ng kwarto kasunod ang mga kapatid at mga asawa nila.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay nakakasilaw na mga flash ng camera ang sumalubong sa kanilang mag-anak.

Hinarang sila ng mga body guards na umakyak ng hagdan. Kung saan sila naka pwesto ay doon lamang sila pwede manatili.

Tahimik sila sa pagbaba ng hagdan. Lahat sila ay walang kibo.

Iginiya sila ng floor manager na nag organisa ng naturang prescon.

Lahat sila ay may kanya kanyang upuan sa harapan na may malaking mesa. Nanatiling nakahawak sa braso ni Hunter si Ofelia hanggang sila ay maupo.

"Maaari lamang pong sumunod sa patakaran upang maidaos ng maayos ang event na ito. Isa isa lamang ang dapat na tanong at walang halong pambabastos" sabi ng emcee "Sino ang unang magtatanong?" pagsisimula niya

Nagtaas ng kamay ang babae na nasa mid 20 ang edad. "Totoo ba ang usap usapan na itinago ni Donya Felomina ang katotohanan na ang anak niyang si Miguel Luna na kilalang may-ari ng Empire Jewelry Land ay nakapatay noong taong 2000 at ang napatay di umano ay ang matalik nitong kaibigan na si Boris Trinidad na ama ni Princess Zariyah Armani Trinidad Maximilliano na narito sa bansa."

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now