Chapter 35 (Stay)

766 20 0
                                    

"oh bakit andito pa itong sasakyan ni Hunter?" ani Leylibeth. Nilapitan niya iyon at tinignan ang bintana. "Walang tao sa loob" aniya ng walang makitang tao.

"ano, eh saan naman kaya nagpunta yun?" ani Damien

"mang Damien, may natutulog po sa kamarin" ani Ben

Kasama nila si Riyah na nagpunta sa kamarin

"aba, si Hunter ito ah, bakit hindi na lang siya tumuloy sa bahay. Malamok pa naman dito at tyaka malamig" ani Leylibeth

"Bumalik ka sa bahay, kumuha ka makakain niya, kapag nagising siya tyak na gutom na siya" utos ni Damien sa asawa

Nagmadaling bunalik sa bahay si Leylibeth.

"Tulungan ko na kayo"ani Riyah

"ah sige. Paki dala na lang ito para hindi na bumalik balik dito para dalhin iyan" ani Leylibeth

Inilapag nila mga pagkain sa lamesita bago sila nagtungo sa bukid.

Sumama si Riyah sa bukid para mamitas ng mga kalamansi.

Naalimpungatan si Hunter sa huni ng mga ibon sa tabi niya.

"Asan ba ako?" aniya na minulat ang mata. "shit ang sakit ng likod ah" dahan dahang minasahe ang balikat nito. Namumula sa parting iyon sa posisyon niyang humiga habang tulog.

Nahinto siya sa ginagawa ng makita ang ibabaw ng lamesita

Sinilip niya ang laman niyon.

Nagningning ang mata niya ng makita ang paborito nitong ulam.

"Hulog ng langit ang nagluto nito" aniya, masaya niyang sabi tapos malalakinh subo ang ginawa niya.

"wow, ang sarap talaga!" aniya ulit

"Sarap na sarap ka diyan ah, sabagay katulad mo yang ampalaya, ang bitter!" ani Riyah ng ilapag niya ang hawag na lalagyang gawa sa rattan. Puning puno iyon ng kalamansi.

"nagsalita ang hindi mapakla ang buhay, oh kalamansi ba yan? Kaya pala pagtingin ko sa itshura mo ang asim" ani Hunter na tumawa ng nakakaloko.

"tse! Mas maasim ang mukha mo!" aniya sabay walk out

"Tignan mo 'to siya ang naunang nang asar tapos siya ang mapipikon. Ibang klase ka rin!" sigaw niya as if narinig iyon ni Riyah

"oh bakit nakabusangot yang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Leylibeth ng makita ang itshura ni Riyah. Nagkasalubong ang mga kilay niya

"Yung Hunter na iyon nakakainis, humanda siya talaga!" aniya sabay padyak ng paa niya

"Mang Damien!" sigaw ni Hunter

"oh, Hunter ejo gising ka na pala!" ani Damien na nasa gitna ng bukid

Inalis ni Hunter ang sapatos at medyas. Tinupe niya ang laylayan ng kanyang pantalon pataas.

Naglakad na ito papunta sa kinaroroonan ni mang damien. Lumusong ito sa may tubig na lupa. Putik putik na ang mga paa nito.

"Naku, naputikan ka na. Hinintay mo na lang sana ako doon" ani Damien

"huwag ho kayong mag-alala. Sing lakas ng baka ito" ani Hunter at nagpakita ng muscle sa braso

Natawa ang matanda sa ginawa niya.
"Akala ko ay tuluyan ka ng umalis kagabi, nag-alala kami sayo" ani mang Damien

"Ayaw po mag start yung makina ng sasakyan kaya nagpasya akong matulog sa kamarin nagpasya po akong mag stay" paliwanag niya

"sana ay tumuloy ka na sa bahay, malamok at malamig sa labas lalo na ngayon malapit na ang pasko" ani Damien

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang