Chapter 23 ( Mamita's secret)

836 31 0
                                    

Nag punta siya ng mansion. Nakita niyang masaya ang lahat habang nasa hapag.

"Anong meron sa pamilyang ito. Bukod sa si Lolo ay isang Gangster at may mga negosyong labag sa batas, na si Apollo ay nakulong ng sekreto sa parehong dahilan" aniya sa sarili habang pinagmamasdan niya sila

"Oh Hunter bakit andiyan ka, hali ka na at sumabay ka na sa amin" ani Ofelia

Tumango ito at lumapit ma sa kanila.

Mag isa ito sa garden pagkatapos kumain. Nakaupo siya sa metal na upuan habang sumisimsim ng alak.

May tumikhim sa likuran niya, umayos ito ng upo at lumingon kay mamita. Alam niya na si mamita iyon.

"May problema ba apo?"tanong ni mamita na naupo sa tapat na upuan ni Hunter.

Tumingin ito ng diretso kay mamita. Gusto niya magtanong pero may pumipigil sa kanya.

Umiling ito at yumuko. "Wala ho" aniya

"alam kung may problema, kilala kita apo" ani Mamita

Tumingin ulit siya kay mamita at biglang bumaling sa langit ang tingin. Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"bukod sa naging trabaho ni lolo noon, may nakaaway ba si lolo?" tanong niya.

Lumihis ang tingin ni mamita sa kanya. Tumingala ito sa langit at bumuntong hininga siya. "Iyan ba ang gumulo sa iyong isipan kaya ka balisa nitong mga nakaraang araw?"  tanong ni mamita

"Kilala niyo po ba si Mang Agosto De Bojo?" tanong niya ulit

Napakumot noong tumingin siya kay Hunter. "Paano mo nakikilala si Agosto?"

"So kilala niyo ho siya, kilala niyo rin si Annika, sino ho sila ,anong koneksyon niya sa Pamilya natin?" sunod sunod na tanong nito

"bakit mo tinatanong iyan, matagal nang ibanaon yan sa limot ng Pamilya" ani mamita na may iritasyon sa boses

"Ibinaon bakit ho, may atraso ba tayo sa kanila kaya ganoon na lang ang galit kanina ni mang Agosto nang tanungin ko siya tungkol kay Annika?" tanong nito. Naguhuluhan na siya masyado sa mga natutuklasan.

"Kalimutan mo na yun dahil tapos na at matagal na iyon at tyaka umiwas ka sa taong iyon" ani Mamita. Tumayo siya at tumalikod

"paano ko kakalimutan kung ang karaanan mismo ang humahabol sa akin. Kung hindi ninyo sasabihin sa akin. Ako mismo ang maghahanap ng paraan para malaman ko iyon. Kung kilala ninyo ako mamita. Alam niyo ma hindi lang ako basta tatahimik sa isang tabi kahit alam kung may mali" aniya tyaka humarap kay mamita at tinignan niya ito ng diretso. Nakipagtitigan siya kay mamita.

"Gusto mo bang ipadala kita sa Santuary Island kapag nagmatigas ka!!" pagalit na sabi ni mamita na mahiglit na hinawakan ang kanyang baston.

"Ganyan naman kayo eh, wala akong ginagawang masama. Bakit parang natatakot kayong malaman ko, bakit palaisipan pa rin ang pagkamatay ni lolo? Ano bang sekreto ng mga Mariano?" matamang tinignan niya si mamita.

Sa kanilang apat siya lang ang matapang na sumagot kay mamita.

"Tumigil ka!" pag angat ni mamita ng baston para sana ay ihahampas kay hunter. Nasugatan na pala siya kamay ng masagi ito.

Sa dulo ng baston ni mamita ay may nakatagong parang kutsilyo sa dulo.

Napa awang ang mga labi ni mamita ng makita ang sugat sa palad ni Hunter.

"Hindi ko sinasadya apo" aniya na may halong pag alala

"Hindi ko alam kung anong klaseng Pamilya ito at pinapangako ko na hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang buong katotohanan. Hindi kayo at ng kapangyarihan ninyo ang makakapigil sa akin." ani Hunter na may galit sa kanyang mga mata. Tinitigan niya ng sandali si mamaita bago ito umalis.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now