Chapter 17 ( Rain )

830 28 1
                                    

Dapit hapon na nang sila ay bumalik sa bahay. Sa kakahintay sa dalawa ay nakatulog ito sa upuang kahoy.

Nagulat si mang Damien ng makitang doon natutulog si Riyah.

"oh, andiyan na pala kayo, bakit basang basa ang mga suot niyo, puti putik pa ang mga paa niyo at laylayan ng mga pang ibaba. Sandali lang at hajanap ako ng pwedeng isuot ni sir." ani Leylibeth na nagpadaling pumanhik ng hagdan.

Naalimpungatan siya sa mga boses na naririnig niya.

Nang umahon ito sa pagkakahiga ay bigla na lang itong nakaramdam ng pananakit ng likod.

Dahan dahan niyang inangat ang paa na sumasabay sa pagkirot.

"Sumasakit ba ang paa mo?" pamumuna ni Leylibeth nang mapagawi ang tingin niya sa dalaga.

Tumango ito at ngumiti ng bahagya.

nagmadali itong kumuha ng gamot at tumabi sa dalaga. Inilapat niya ang paa nito sa kanyang lap at tyaka pinahiran ng langis. Banayad ang paghagod nito doon.

Biglang nakaramdam ng lungkot si Riyah, naalala ang nana Devorah na ilang linggo na rin niyang hindi nakikita at nakakausap.  Namimiss na niya ito, nakikita niya ang nana kay aling Leylibeth na ganitong ganito rin siya kapag may sugat ito ay agad na nilalapatan ng gamot at hinahagod ang paa nito.

"Nag-iisa niyo po bang anak si Alisha?" biglang tanong ni Hunter habang tahimik na pinagmamasdan ang mag-ina.

"Oo, hindi na kami nabiyayaan pa ng isa pang anak dahil kumplikasyon. High blood si Leylibeth, noong ipinagbubuntis niya si Alisha ay ilang ulit ko siyang dinala sa ospital dahil sa hindi normal na pagtaas ng blood pressure nito.

"emm ganun po ba"

"Okay na ho, salamat." ani Riyah na ngumiti sa ginang

"Sige, nakahanda na ang hapunan, pwede na tayong kumain" ani Leylibeth

"Sige ho" ani Riyah na dahan dahang tumayo at paika ikang naglalakad palapit sa kawayang mesa.

Nasulyapan niya si Hunter sa tapat ng upuan niya. Nginitian niya ito ng bahagya.

Nasabik siya sa mga ulam na nakahain. Sa tinagal tagal niyang nanirahan sa Zantania ay ngayon na ulit siya makaka kain ng lutong Pinoy.

Hindi na niya pinansin ang mga kasama at tuloy tuloy lang ito sa pagkain.

Natawa ng bahagya si Hunter ng makita kung gaano ito katakaw sa pagkain. Jindi pa niya nalulunok ang unang subo ay sumubo ulit ito. Punong puno ang binig nito ng kanin at ulam.

Napahimas si Hunter ng labi habang pasekreto itong ngumisi.

"Aba, eja dahan dahan lang baka mabulunan ka" ani Leylibeth

Tumango ito at tumingin sa ginang. "Ngayon lang kasi ulit ako nakatikim nito" aniya na biglang tumingin kay Hunter. " Wala kasing ganitong kasing sarap sa syudad" dagdag niya tyaka siya nag fake smile sa kanila

Gabi na at delikado ang daan sa ganitong umuulan. Hindi lahat ng daanan ay simentado. Hindi siya pinayagan makaluwas kaya magpapalipas ng gabi si Hunter sa Santorini.

"Doon ka na lang sa kwarto matulog, kami ni Leylibeth sa sala. " ani Damien

"Naku, hindi na ho, malaking abala na ang ginagawa ko sa inyo, kaya ko hong matulog sa sala." ani Riyah

"Hindi naman kami papayag, doon ka na sa kwarto. Sanay kami ni Leylibeth,kung minsan sa sala kami natutulog na dalawa." pahayag ni mang Damien

Dahil malilit ang mag-asawa ay wala itong nagawa.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now