Chapter 10 ( Province )

838 30 0
                                    

Papunta ngayon si Sky sa Probinsya sa Santorini.

"Balitaan mo ako agad kung anong meron diyan sa Santorini" ani Hunter sa kabilang linya.

Napalingon siya sa may pintuan, may napansin itong nagsara ng pinto.

Papasok pa lang si Riyah ng marinig ang huling binanggit ni Hunter. Halos lumuwa ang mata  nito, nagmadali niyang sinara ang pinto at nagpunta sa coffee maker area. Inilabas niya ang phone nito at nag dial.

"Hello, Nami may problema tayo. May papunta sa Santorini ngayon, kung hindi ako nagkakamali sa iniisip ko ay gustong makita ni Hunter kung saan ako nakatira. Magdali kayo roon at abisuhan ang mag asawa. " utos ni Riyah

Pagkatapos ibalik sa bulsa ang cellphone nito ay nagtimpla siya ng kape. Bubuksan na sana niya ang pinto ng nigla itong bumukas.

Nagulat siya at naaptras ng makita si Hunter.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Hunter

Itinaas niya ang hawak na tasa ng kape. "Nagtimola ako ng kape para sa inyo sir" aniya.

"Hindi naman ako nagsabi" ani Hunter

"Naka lagay na kasi sa schedule ko ang pqgtimpla ng kape tuwing 1:30am sa motepad ko" paliwanag niya.

Napakunot noo si Hunter.

"ilalapag ko pa ba sa mesa niyo o kukunin niyo na po?" ani Riyah

"Akin na, bumalik ka na sa pwesto mo" ani Hunter.

Nauna nang naglakad si Riyah dito. Nang makaupo sa kanyang upuan ay sinilip niya muna ito. Nang wala pa ay huminga ito ng maluwag. (narinig kaya miya ang sinabi ko sa phone?) biglang naisip niya.

"Callisto, bilisan mo para maunahan pa natim yung spy ni Hunter." ani Nami

Nag dial ito... "Hello, may paparating diyan, mag uusisa tungkol kay Riyah. Hanggat maaari po sana ay limitahan ninyo ang sasabihin, papunta na kami diyan" aniya sa kausap

Nagtanong tanong si Sky sa mga dumaraan mula sa bukid.

"Kilala niyo po ba ang mag-asawang Damien ag Leylibeth?" tanong nito sa dalawang lalaking may dala dalang buko.

"Ah sina Mang Damien, doon po sa coprahan." ani ng isa at itinuro ang direksyon.

Tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Maraming buko ang nadatnan niya. Ilang tao ang nandoon.

"ah, excuse me, Magandang araw po." bati ni Sky sa kanila

Natigil ang lahat sa ginagawa at lumingon sa kanya.

"Magandang araw naman sayo, ejo" ani Leon isa sa mga kasama nila Damien sa coprahan

"Itatanong ko lang po sana kung kilala nyo si Mang Damien?" aniya kay mang Leon

"Ako nga, ano ang sadyo mo ejo" sabat ni Damien na nasa likuran niya

Humarap ito kay mang Damien at ngumiti. "Magandang araw mang Damien. Maaari ko ba kayo makausap, kahit sandali lang?" pakiusap niya sa matanda.

"Mang Damien pinapatawag kayo sa loob may sasabihin si boss" sabat ng isang trabahador na nakatakip ang mukha. Tanging mata lang ang nakalabas.

Tumango ito at bumaling ng tingin sa lalaki. "Pasensya ka na ejo, sa ibang araw na lang siguro meron pa akong gagawin. Wrong timing ang pagparito mo" ani Damien

"Ah, gnun po ba. Sige po, sa ibang araw na lang siguro. Salamat" aniya

Hinintay niya muna makaalis ang matanda bago siya naglakad.

Napahimas ito sa kanyang baba at naka maybang ang isang kamay.

Naglibot libot pa siya sa paligid. Kumuha siya ng ilang litro bago siya nagpasyang umalis.

Pagpasok ni mang Damien ay nakita niya si Nami.

"Magandang araw mang Damien, pasensya na po kung naabala kayo"

"ano ba ang sadyaa ng lalaking iyon sa akin, baka mapahamak kami ni Leylibeth dahil dito?" aniAng Damien na may pag aalala sa boses nito

"Huwag po kayong mag-alala, wala pong mangyauaring kahit ano sa pamilya ninyo, sinisigurado po ni Riyah. Ang tanging pakiusap namin, kung sakaling magbalik dito ang lalaki na iyon, limiTeahan na lang ang sasabihin para hindi siya maghinala o makakuha ng impormasyon. (may kinija siya sa bag) siya nga pala, ito po yung address at telephone number ni Alisha sa Singapore. May trabaho ma siya doon. Pweso niyo na siya tawagan" ani Nami

"talaga, tyak matutuwa si Leylibeth sa balita. Sige maiwan na muna kita at ibabalita ko lang ito sa kanya" ani Mang Damien na hindi maikukubli ang galak at tuwa sa magandang balita.

"hello"

"Nakausap ko na pre kaso mukhang mailap. Parang may kakaiba sa paligid" ani Sky(napanuntong hininga ito. "batian lang ang nangyari, may biglang tumawag sa kanya. Teka, may ipapadala ako sayong mga picture. Tignan mo na lang" dagdag niya

"Ganun ba, sige kita na lang tayo pagbalik mo" ani Hunter sa kabilang linya.

Pagbaba niya ng phone ay biglang tumunog ulit. Galing kay Jax.

"Bae, busy ka ba?"

Tinignan niya ang oras sa palapulsuhan nito. "may meeting after 30 minutes pagkatapos wala na ako masyado gagawin" ani Hunter

"Good, pwede ka bang pumunta mamayang hapon sa retaurant na ipapasa ko address. Nanalo kasi sila Annika sa regional kaya magtetreat siya." ani Jax

"ah, ganun ba bae, sige punta ako"
At tyaka na niya binaba ang phone nito.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ