Chapter 29 (Agigated)

738 23 0
                                    

Malakas na sunod sunod na katok.

Napabalikwat ng bangon si Hunter mula sa pagkakahiga sa sofa. Tinignan niya muna sa peephole bago niya binuksan.

Tamad na tamad niya itong binuksan ng makita na si Apollo lang pala.

"anong kailangan mo Mr. Gangster?" sarkastikong tanong niya

"bwesit ka, akala ko ba cool man ka bakit andito ka at nagmomokmok!" ani Apollo na hinawakan niya ito sa damit.

"Alisin mo nga yang madumi mong kamay sa damit ko!" tinabing niya iyon at niluwagan ang pagbukas sa pinto. "Pumasok ka na" aniya

"Bakit ka nandito, hindi mo ba alam nanwgkakagulo sa EJL ngayon at si mamita nasa kwarto lang niya?" ani Apollo

"So bakit ako? Andyan naman kayong tatlo" ani Hunter

"sa tingin mo ba ganito na lang matatapos ito, ikaw ang higit na nakakaalam sa lahat ng nangyayari. You've better finish this, ang maipapangako ko lang, nasa likod mo lang ako" ani Apollo

Napatingin si Hunter ng diretso kay Apollo habang naka pamulsa ang dalawang kamay at nakasandal ito pader.

"Tama ba, tama bang inalam ko pa ang katotohanan, siguro kung hinayaan ko na lang hindi magkakaganito si mamita pero kung hinayaan ko baka kung maulit ulit ang nangyari sa pamilya ni Riyah. Hindi ko lubos na kilala si tito Miguel pero sa ikli ng pagsasama namin sa EJL nakitaan ko siya ng katigasan ng puso, ang paghihiganti ni Riyah ay tyak na hindi palalampasin." ani Hunter

"You know what is best for all of us. Minsan kailangan mo isakrepisyo ang isa para maitama ang lahat kaya" hindi na naituloy ang sasabihin ni Apollo

"Kaya si tito Miguel ang malalagay sa alanganin" si Hunter na ang nagtapos ng gustong sabihin ni Apollo

"Kadugo laman natin si tito, we have no choice but to choose what is right. Kung hindi ngayon kailan pa?" makahulugan ang tanong ni Apollo na nakatingin ng diretso kay Hunter.

"Pero ayaw ni mamita na makulong si tito, ayokong saktan si mamita" ani Hunter

"Ngayon pa ba Hunter? Isip mo na lang ako, kung hindi mo iyon ginawa siguradong nasa maling organisasyon pa ako nakikipag laban kay kamatayan" ani Apollo

"kaya ka ba nandito dahil diyan?" ani Hunter na naglakad palapit sa sofa at umupo

"Hindi, nagpunta ako rito para ibalik ka sa tamang landas, ang Hunter na kilala ko. Ang hindi babaliin ang batas sa kahit anong sitwasyon. Nagkamali ka na noon sa pagtakip mo sa akin kaya huwag mo ng ulitin. Ituloy mo lang at susuportahan kita. Sa tingin ko, hindi lang iyon ang kasalanan ni Tito. Bakit matagal na panahong hindi siya kinausap ni mamita. Bakit hindi man lwng siya nabanggit ni mamita mula pagkabata tayo, wala tayonh kaalam alam tungkol sa kanya kung hindi pangalan at itshura lang niya. Hindi ka ba nagtataka?" ani Apollo

Matapos silang mag-usap ni Apollo ay napaisip ito sa mga sinabi sa kanya nito.

(Bakit kaya?) tanong niya sa sarili.

Mabilis niyang kinuha ang susi ng motor niya at mabilis na bumaba ng ground floor diretso sa psrking area.

Mabilis ang patakbo nito. Determinado na itong alamin ang buong katotohanan sa tulong ni Apollo

Dalawang linggo na rin wng nakakaraan

"Hindi ko siya makontak" ani Nami

"Siguro ay galit na galit na ito sa akin sa pagsisinungaling ko at sa paghihiganti ko" ani Riyah

"Maiintindihan niya iyon kung saan nanghgagaling ang galit mo, sa ikli ng panahon, sa pagkilala ko sa kanya siya ang taong hindi babali ng kanyang sinumpaang tungkulin" ani Nami

"Tama ka diyan" sabat ni Sky

Napatingin sila sa kanya.

Yumuko si Sky bilang pwgbibigay galang sa Prinsesa.

"Si Hunter ang taong walang inaatrasan kung alam niyang nasa tama siya, kahit sino pa yan kung nakagawa ng labag sa batas ay hinuhuli niya. Kaya ngayong involve ang tito niya sa krimen noong  taong 2000 sa ambush ay naniniwala ang ahensya na tutuparin niya ang ipinangako niya na maging tapat sa serbisyo kaya siya ang inatasan ng itaas na asikasuhin ang kasong ito." Pahayag ni Sky sa kanila

Nag aalalang tumingin si Riyah kay Sky. "Kamusta na siya?" tanong nito

"Huwag kang mag-alala msy na Prinsesa okay lang si Hunter, sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang matapang na tao" ani Sky

"Siya pa talaga ang humahawak sa kaso, siguradong babanggain niya ang sarili niyang pamilya" ani Nami

"Masakit yun oo pero tawag ng tungkulin kaya wala siya magagawa at tanggap niya iyon. Si Hunter pa, nagawa nga niyang ipakulong wng kapatid noon dahil sa maling nagawa nito, ang tito pa kaya niya?" May sarkastiko nitong swgot kay Nami

Nahihiyang tumingin si Nami kay Sky ng maalala ang pagsisinungaling nila ni Riyah.

"Naparito ako para ibalita na nahuli na ang master mind ng pagdukop sa inyo ni Ms Annika" sambit ni Sky

"Talaga, so wala ng panganib sa buhay ng mahal na Prinsesa" masayang sabi ni Nami

May biglang kumatok sa pintuan.

Nang lingunin nila ay si Prince Killian. Pumasok ito sa loob.

Yumuko silang talo sa pagpasok nito.

"Mauna na ako" pagpapalam ni Sky

Tumango si Riyah.

"Handa ka na ba, naayos ko na ang lahat. Sabihin mo lang kung kailan ka mag aappear sa kompanya." ani Killian

"Ngayon na, Nami ipaalam mo sa Kompanya ang pqgdating ng bagong CEO, kailangan nandoon ang buong board, ipapamukha ko kay Miguel Luna kung ang paniningil ko sa pagtatraydor nito sa akin ama, ibabalik ko lahat sa kanya ang naranasan ng pamilya sa kasakiman niya sa pera." galit na sambit ni Riyah.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now