chapter 32 ( sneaking )

758 31 0
                                    

"Anong oras tayo pupunta ng basement?" ani Apollo

"Masyadong galata kung sabay tayo or at least isa sa atin ang mag aliw sa kanila habang ang isa lumalakad na. " ani Sage

"akala ko ba si Lucas ang gagawa niyan, dapat dalawa tayo para may look out ka" giit ni Apollo

Tumingin si Sage kay Apollo. "Oo na, nakalimutan ko gags ka pala, mas kabisado mo ang mga ganitong delikadong pamamaraan" ani Sage

"Kung gags ako gago ka naman, gago sa pag-ibig" ani Apollo na nginisihan siya

"Hoy kayong dalawa, mabubuking kayo sa gagawin niyo sa dami ng cam dito pa talaga kayo mag-uusap?" ani Lucas.

"Ito kasi" ani Sage na nginisihan si Apollo

"Anong ako, gwapo lang naman ang kasalanan ko ah" ani Apollo na pinandilatan niya ito

"Gwapong kwago nga" ani Sage na ngumiti ng malapad

"Sinong kwago ha, hindi ka na nakakatuwa" aniya

Biglang pumunta sa likod ni Lucas si Sage

"kahit magtago ka, hahuntingin kita" ani Apollo na biglang tumakbo oalapit. Naghabulan ang dalawa hanggang sa loob ng mansion

"Uy Apollo seryoso ka talaga ha?" ani Sage habang tumatakbo.

"Ano sa tingin mo ha!" sigaw ni Apollo

Kung saan saan silang sulok ng mansion napupunta. Sa pagtakbo nila ay pinandilatan ni Apollo si Sage.

"Bilisan mo pa, mahahabol na kita, humanda ka!" ani Apollo

"Anong nangyayari sa dalawang yan?" pamumuna ni Arriette

"Naghahabolan parang bata" ani Ava na naka ngiting pinagmamasdan sila

"Apollo ikaw ba talaga yan, nakikipaghabolan?" tanong ni Val na hindi makapaniwala na nakikipaghabolan si Apollo, it her first time to see him playing like a kiddo. Natawa ito na naka kamot sa ulo.

"Uy kayong dalawa, hindi playground dito sa loob, doon kayo sa labas" saway sa kanila ni Ofelia

Nagkatingin ang dalawa ng pasekreto at tumango sa isa't isa.

Nang makalabas sila sa likod ng mansion ay huminto si Apollo sa pagtakbo. "Teka nga muna, nakakapagod" aniya na humawak sa dalawang tuhod

Lumapit si Sage sa kanyan. "Ayos ka lang?" tanong ni Sage na humawak pa sa balikat nito pero ang mata nagpapagala gala sa paligid. "Ayos lang ba acting natin, wala bang nakapuna? Isa lang ang nakalagay na camera" tanong niya ulit sa mahinang tono sabay sabi sa nakita niyang hidden cam.

"Okay na sana bakit kailangan mo pa akong tawaging kwago!" pinaningkitan niya ito habang hingal na hingal. "Tara na habang andun si Lucas sa loob." aniya sabay tapik sa kamay ni Sage na nasa balikat niya.

Nauna si Apollo na naglakad. Maingat ang mga hakvang nila. Sa kanilang paglalakad sa likod ay may mga matataas na halaman na nakahilira sa pader.

"Ito na yon" ani Apollo

"Mga matataas na halaman nga, tara" ani Sage

"Ako na ba papasok" ani Apollo

Tumango lang si Sage. Nasa labas siya habang nagmamasid

Hawak hawak ni Apollo ang susi na ibinigay ni Hunter. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya tuluyang buksan ang mga malalaking padlocks.

Nang mabuksan lahat at dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang madilim at masangsang na amoy.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now