Chapter 14 (Double-Confused)

800 31 0
                                    

Naglalakad si Annika sa daan, ginabi siya ng out sa school dahil sa tambak na trabaho.

Dumaan muna ito sa isang baked shop at bumili ng tinapay na ipapasalubong sa magulang.

"Thank you" aniya sa cashier

Sa pintuan may nakasalubong siya. "Oh Alisha, ang bilis mo namang umalis, kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala. So ano sasama ka na ba ngayon sa night out, tutal walang bukas, pwede tayong mag walwal" ani stevan.

"Oo nga, mag enjoy ka naman paminsan minsan" ani Camil

Nagtataka ito sa mga sinasabi nila. "Aalis na ako" ang tanging nasambit niya at tyaka nilagpasan sila

Sinundan nila ng tingin ang inaakalang si Alisha. Nagtataka ang mga itshura nila na nagkatinginan sa isa't isa.

"anyari dun?" tanong ni Elaine.

"Ewan, siguro pagod lang siya kaya gnun, hayaan na natin. Gorabels na tayo mga gals!" ani Stevan na naunang naglalakad na kumikimbot kimbot pa.

Tinawanan siya ng dalawa sa ginawa niyang pag rampa.

Nang makalayo ay lumingon ulit sa mga iyon.

(Parang kilalang kila ako ng mga iyon. Imposible naman na hindi nila ako mamukhaan eh ang liwanag ng ilaw ng convience store. ) aniya sa hangin at nagkibit balikat na lang.

"Mano po nay, tay"  pagkarating niya sa kanilang simpleng tahanan.

"Oh bakit ka ginabi ng uwi" ani Sania

"Marami pa pong tinapos sa school" Sagot ni Annika

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo anak, kung maaari ay umuwi ka ng may araw pa dahil delikado sa daan, lalo na ngayon malapit na mag pasko, marami diyang gusto kumita sa maling paraan"ani Agosto

"Opo tay, sya nga pala may nabili akong tinapay para sa almusal natin bukas. Biruin niyo may bagong bukas sa sweet bites malapit dito sa atin" pagkukwento ni Annika

"Yun ba yung may cooking show sa tv yung may-ari?" tanong ni Sania

"Opo nay, idol na idol ko yun si Chef Arriette Mariano" natutuwang sambit niya

Nagkatinginan ang dalawa ng marining ang huling sinabi nito

"Alam niyo kanina, palabas na ako ng shop ng may napagkamalan akong ka office mate nila. Baka siguro nakainom na ang mga iyon kaya akala nila ako yung friend nila" pagkukwento niya

Nagkatinginan ulit ang dalawa.

"Sige ho, magbinihis lang po ako ng damit. " pagpapaalam niya

"Agosto, narinig mo ba ang sabi ni Annika?" tanong ni Sania

"Oo hindi ako bingi" ani Agosto

"Eh bakit ganyan ka, wala ka man lang kibo diyan" ani Sania

"hindi sa wala akong kibo, nag-iisip ako, di gaya mo talak ng talak diyan, baka mamaya marinig ka ng anak natin" ani Agosto

"Ah eh sa bagay tama ka" napabuntong hininga siya sa huling sabi

"Hello best, napatawag ka?"

"Ipapaalala ko lang, yung birthday ng anak ko sa makalawa ha, dapat andun ka. Ikaw pa naman ang favorite ninang niya."

"Oo best, luluwas ako ko bukas para makarating ako diyan ng maaga aga pa"

"Sige sige, magpeprepare na kami, excite masyado tong kumpare mo,dinaig pa niya ako"

"o sige, ikumusta mo na lang ako sa inaanak ko"

"Oh Annika, si Rosi ba ang tumawag?" tanong ni Sania

"opo nay, mag bi-birthday na ang inaanak kung si Jun Jin kaya kailangan kung lumuwas bukas pagkatapos ng klase." Paliwanag ni Annika

"ah ganun ba, naku kailangan kung magluto ng latik, paborito iyon ni Jun Jun." ani Sania

"Sige ho nay, dadaanan ko na lang bukas pagkatalos ng klase bago ako lumuwas ng Probinsiya. " aniya

Si Sania na ang  maghahatid ng isang bilao ng latik sa school.

"Oh my gosh, bakit ngayon pa" Iritang sambit ni Riyah na tumirik ang sasakyang minamaniho niya.

Bumaba siya at tinignan ang makina. Umuusok ito ng buksan niya. Wala naman itong alam sa pag aayos ng sasakyan kaya wala siyang choice kung hindi mag commute.

Nqglakad siya ng kunti at naghihintay ng masasakyan.

Habang naghihintay ay may nakita siyang ginang na nahihirapan sa bitbit nito. Lumalit siya dito at nag offer ng help.

"Kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong niya agad nang makalapit ito

Nang mag angat ng ulo si Sania at tumingin sa  nagsalita.

"Oh Annika, buti andiyan ka, heto na pala yung latik na dadalhin mo sa probinsiya" aniya

"Ho, ah baka nagkakamali po kayo, Alisha po ang pangalan ko. Saan po ba kayo pupunta at tutulungan ko na po kayo magbitbit niyan" ani Riyah

Pinamulaan si Sania ng pisngi. Nakatulala ito sa dalagang nasa harap niya.

"Nahihilo po ba kayo?" tanong ni Riyah

"aah eh ano ah ee hindi, okay lang ako eja, salamat sa offer mo, nagmamadali ako. Salamat ulit" nauutal niyang sabi at tyaka itong mabilis na naglakad.

Nagtaka si Riyah sa ikinilos ng ginang sa kanya, para siyang nakakita ng multa.

Nagkibit balikat na lang ito sabay para sa taxi ng may paparating.

Nang makalayo ito ay agad na humito at sumandal sa pader. Naiiyak ito sa nalaman, naka sapo ito sa kanyang dibdib. "Kailangan ko nang magmadali, kailangan malaman ni Agosto ang nakita ko"

Nagpatuloy ito sa paglalakad papunta sa school.

"Oh nay, bakit ganyan ang itshura niyo, para kayong nakakita ng multo" pamumina niya kay Sania na nakasalubong niya sa may gate.

"mainit lang kaya ganito. Heto na yung latik, eja hindi na kita maihahatid, kailangan ko ng umuwi dahil marami pa akong gagawin sa bahay. Mag-ingat ka byahe, tumawag ka pagsakay mo at kapag dumating ka na para alam namin ma safe ang pagdating mo roon" bilim ni Sania sa anak

"opo nay" tumango si Annika at niyakap ang nanay bago ito umalis.



The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now