chapter 38 ( Protocol )

721 25 0
                                    

Dumating na sina Hunter at Liam sa tinutuluyang malaking bahay na provided ng government para sa Royal Family.

Enorient muna sila about sa protocol bilang royal guards.

Rules:
1. isang metro ang dapat na lalo mula sa Prinsesa
2. bawal magsalita kapag hindi hinihingi ang permiso
3. bawal makipag eye to eye contact kapag nakikipag-usap sa Prinsesa.
4. bawal msgdaldalan sa oras ng trabaho.

Yan lang ang naiwan sa isip ni Hunter sa dami ng rules.

Nang makaalis na ang punong naga pamahala ay napa ngisi si Liam.

"Ang daming bawal, nakakahinga pa ba ang mga ito" ani Liam na tinignan ang mga royal guard na tuwid ang tayo at walang kibo.

Hindi niya pinansin si Liam. Iginiya sila ng punong taga pamahala sa kanilang pwesto.

Nagkatingin sila ni Callisto na naunang naka pwesto sa harapan ng malaking pintuan.

Ilang saglit lang silang nakatayo doon ng magbukas ang pinto.

Sa dulo ng kanyang mata ay nakikita niya si Riyah.

Dahan dahan itong naglakad sa kanilang harapan.

Huminto ito sa tapat niya ngunit hindi ito nakatingin. Nag taas siya ng kilay at muling naglakad.

Nauna sina Callisto na naglakad kasunod sila Hunter. Napa lingon siya kay Liam na nakatulala. "Hoy, ang aga aga tulo laway ka diyan, tara na" aniya dito

Napa kurap at pinunasan niya ang kanyang labi. "Shit hindi naman ah!" ani Liam na sumunod sa paglalakad. "Ibang iba ang ganda niya, mas lalo siyang gumanda kapag nakasuot ng korona" dagdag niya

"Manahimik ka kung ayaw mo maparusahan." pag papaalala ni Hunter

Nginisihan niya ito. "Sungit kaya ka walang girlfriend eh." ani Liam

Nagtungo sila sa Harden, nagkita sina Hunter at Jax at Sky, naka tayo lang sila sa tabi at nakayuko.

"Ang hirap naman ng ganito limitado ang kilos, hindi ito ang pinasok kung trabaho" reklamo ni Liam

"akala ko ba excited ka sa trabaho mo bakit ngayon dami mong reklamo" ani Jax

"Hindi kasi ito tama, babantayan natin sila hindi maging tood dito" giit ni Liam

"Tumahimik nga kayo, kapag naparusahan kayo damay kami ni Sky." ani Hunter.

Yumuko si Riyah bilang pagbibigay galang sa Reyna at Hari.

Naupo sila at tyaka pinag saluhan ang tsaa.

"Kung ganoon eh mananatili pa kayo rito para sa kambal mo. Hindi ko kayo mamadaliin sa pag uwi sa Zantania dahil alam kung hindi magiging madali ang inyong pakikipag usap sa anak monh si Annika at ipinagdarasal ko na magkaayos kayo at sumama siya sa inyo sa inyong pag uwi" ani Haring Gunner

Nagkatinginan ang mag-ina. Naka ngiti si Riyah sa ina.

"Totoo ba iyon amang hari, papayag kayong isima namin siya sa palasyo?" tanong ni Riyah

"oo naman, kabilang siya sa Pamilya natin." ani haring Gunner.

Matamang tinitigan ni Devorah si Gunner.

"Labis niyo po ang pinasaya ama. Gagawin po namin ang lahat ni nana para makumbinsi siya na sumama sa amin. " masayang sabi ni Riyah.

Pagkatapos nilang nag-usap ay nagpunta si Riyah sa loob para magbihis. Inimbitahan siya sa isang event.

Maraming camera ang nakatutok sa kanya ng maglakad siya red carpet.

May ilang reporters ang gustong lumapit. Hinawi sila agad nila Hunter bago pa sila maka lapit dito.

Si Callisto at Hunter ang nasa likod niya habang si Liam at iba pa ay nagkalat sa loob. Ang ilan ay nasa tabi ng pintuan.

Nakipag kamay siya sa mga katulad niyang bisita sa naturang event.

"Thank you for inviting me to prestigious event Mr. Tan" ani Riyah

"My pleasure, Princess Zariyah. I am glad you came, I want you to see some of my art works" ani Mr. Tan
na iginiya siya nito

Nang ilagay nito ang kamay sa kanyang baywang ay agad na nakita iyon ni Hunter. Dali dali itong inalis iyon.

Nagulat si Mr. Tan sa ginawa niyo pati si Riyah ay napa lingon at kumunot ang noo nito.

"Sumusunod lang sa utos." ani Hunter na hindi nakatingin kay Riyah

Tumango si Mr. Tan at ngumiti kay Riyah. Naglakad silang muli.

Halata ang pagka dismaya nito sa ginawa ni Hunyer.

"This is my first painting when I was in your age. That's the time I discovered myself of what I truly love and want to do." ani Mr. Tan na sinulyapan si Riyah habang naka tingin sa painting. "Do you like it?"

Bumaling ang tingin ni Riyah kay Mr. Tan. Tumango ito

"Anong ibig sabihin ng painting na ito?" ani Riyah

"Confussion, which represent myself. Naguguluhan pa ako noon kung ano ba talaga ang gusto ko sa buha" paliwanag ni mr. Tan

" eemmm, nice" ani Riyah.

Lumipat naman sila sa isa pang painting. " So much colors" sambit ni Riyah

"Emotions" sagot ni mr. Tan

"Oooh I see" ani Riyah.

Lumapit pa ito kay Riyah. Sabay na iniharang ni Callista at Hunter ang kamay sa pagitan ni mr. Tan at Riyah.

Napa lingon sila sa ginawa ng dalawa

"sumusunod lang kami sa protocol" ani Callisto.

Napa ngisi si mr. Tan at tumingin sa dalawa. " Napaka higpit ng body guards mo or may be you are a Princess that's why " ani mr. Tan na ngumiti kay Riyah

Tinignan niya ang dalawa. Hindi sila naka tingin sa kanya.

"anyways, maaari ba kitang yayain kumain sa labas bukas?" anyaya ni mr. Tan

Sasagot na sana si Riyah ng sumabat si Hunter. "Full ang schedule ng Prinsesa bukas."

Bumaling ang tingin ni Riyah sa kanya. Naiinis na siya dito.

"ah ganoon ba"

"Pasensya ka na mr. Tan, hindi ganoon kadaling humanap ng free sched para sa isang tulad kung public servant." nahihiya niyang sabi dito

"No worries I dont mind. Emm just in case you have time, here's my calling card. I'll be your tour guide" ani mr. Tan

Inabot ni Riyah ang calling card.

" we'll see" aniya kay mr. Tan

"oh mr. Tan!" ani ng isang bisita

Umatras si Riyah at tumingin pa sa iba pang painting. Hindi rin siya nagtagal sa venue.

Nang makapasok siya sa loob ay biglang nag appear si Mr. Tan sa harapan ni Hunter.

"Hindi isang tulad mo ang makakapigil sa akin" ani mr. Tan

Nilabanan niya ito ng tingin.

"Sumusunod lang ako sa protocol, kung nainis dahil doon, msgpaliwag ka sa hari. You better know your position before you demand" ani Hunter.

Pwgdating nila sa bahay ay naka sunod pa rin sila sa kanya.

"Stop, nandito na tayo sa loob ng bahay, siguro naman dito safe na diba, gusto kung mapag-isa" ani Riyah, mabibilis ang hakbang nito papasok sa kanyang kwarto.

Ibinagsak niya sa kanyang kama ang bag sa inis.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now