chapter 3 (Application)

1.2K 29 0
                                    

"Perfect!" ani Nami at pumalakpak pa siya ng makita ang suot ni Riyah

"Hindi na ako makapag hintay na makita ang mga taong yun."ani Riyah

"Simula sa araw na ito ikaw si Alisha Finley, anak ng magsasaka sa bayan ng Santorini. Nag iisa kang anak ng mga Finley. Si Damien at Leylibeth." ani Nami

"sinaulo ko ang mga yan, salamat sa pagpapaalala,, Nami" ani Riyah na hinawakan ang kamay ni Nami at pinisil

"Para sayo lahat gagawin ko, kainigan kita." ani Nami at inabit ang folder

Ngumiti si Riyah kay Nami sa sinabi nito. "Kaya nga best friend diba?" aniya

Sinamahan niya si Riyah hanggang sa labas ng pintuan.

Ngayon ay isa siyang odinaryong tao. Sumakay siya ng taxi papunta sa EJL.

Hawak hawak niya ng folder. Nakatingin siya sa harapan ng building.

(hindi ko hahayaang maging masaya kayo ng ganoon na lang) may galit sa kanyang mga mata.

"Tara na dali, ang bagal bagal mo talagang maglakad"

Napalingon siya sa dalawang naglalakas papasok sa building.

Inayos niya ang sarili at sinundan ang dalawa sa loob.

Huminto siya sa tapat ng reception area hanang ang mga mata ay napangko sa dalawang pumasok sa elevator. Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay siyang paglingon niya sa receptionist.

"Good morning, ah Ms. Saan ang hr ng EJL? mag aapply sana ako" tanong niya dito

"Good morning ma'am, sa 3rd floor po sa ikalawang pinto sa kanan." sagot ng receptionist sa kanya.

Tumqngo ito at ngumiti "Salamat Ms." naglakad na siya papasok sa may elevator. Sa loob ay mqy mga nakasabayan siyang naka ID ng EJL. Sinulyapan niya isa isa ang mga mukha nila sa pintuan ng Elevator na makikita ang reflection dahil sa salamin na nakalagay.

Naglalakad siya sa paseo, madaraanan niya ang ilang cubicle bago siya makarating sa HR sa ikalawang pinto sa kanan, yun ang sabi ng receptionist.

Tatlong katok sa pinto

Pagbukas niya ng pinto, nagpagala gala ito ng tingin sa kabuuan ng opisina. Sinadya niyang dumiretso sa managing director's office.

"Elaine sabi ko ng busy ako ngayon eh" ani ng nasa upuan na nakatalikod iyon. Nang humarap ay natamimi ito ng hindi ang inaakalang secretary ang nandoon

"Good morning ,director!" bati niya

"Mukha yatang naliligaw ka eja?" nagtatakang tanong nito sa kanya na tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Mag aapply po sana akong sekretarya, nabasa ko sa anunsyo ninyo sa diaryo ang paghahanap ninyo ng immediate secretary.

"Nangangailangan nga ang executive director ng sekretarya hindi ako. Sa kabilang pintuan lang ang kanyang opisina. " pahayag nito

"Aah ganoon po ba, pasensya na po sa pagpasok at naistorbo ko pa kayo" ani Riyah

"Ang pagkakaalam ko ay wala si Director Hunter Mariano ngayon, baka gusto mong ipakita sa akin ang iyong resume nang hindi naman masayang ang pqgpunta mo. "

Ibinigay niya ang folder na hawak nito sa matandang panot.

"Alisha Finley" binabasa pa niya ang ilang sa datos nito.

Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang lalaki.

"Sa palagay ko ay tatreeanggapin ka niya. Your skills meet the requirements that company are looking for. Sasabihan ko amg sekretarya ko na i-guide ka niya sa opisina ni Mr. Mariano at turuan ng mga gagawin. You are hired"

Wala pa siyang sinasabi, wala man lang interview na naganap. Napangisi sa sinabi ng matanda.

"Maraming salamat po sir Victor" aniya

May pinindot siya sa telephone pad.

"Elaine, pumasok ka rito."

Nang makapasok ay nakita niya ang babaeng matangkad at firm na firm ang katawan.

"Sir pinapatawag niyo ako?"

"Ituro mo qng opisina ni Mr. Mariano, turuan mo na rin siya ng kanyang gagawin bilang new secretary nito. "

Tumango si Elaine. " Tayo na" anyaya nito

Ngumiti muna ito sa matanda bago sumunod sa labas.

"Ako nga pala si Elaine" pagpapakilala nito sa kanya

"R-Alisha" muntik na niyang nasabi ang totoong pangalan nito kay Elaine

Kung ano anong sinasabi nito sa kanya tungkol sa mga gagawin habang nasa loob sila ng opisina ng kanyang magiging boss. Lumilibot ang mata niya sa kabuuan ng opisina habang pinapakinggan si Elaine.

"Nakiha mo ba ang mga simabi ko?" tanong ni Elaine ng matapos ito sa pagsasalita

"emm oo salamat ha" ani Riyah

Ipinakilala siya ni Elaine sa mga kasama nila sa trabaho.

Binati siya ng dalawa na nakita niya kanina sa labas.

Nag umpisa na siya sa unang araw niya sa trabaho. Lahat ng folder at documents ay inayos niya. Sumakit ang kamay at batok nito pagkatapos niyang ayusin ang mga iyon.

Paglabas niya ng companya ay nakangiti ito. Isang ngiting tagumpay ang kumawala sa kanyang mukha.

Nakapasok na siya sa Companya ng kalaban. Madali ma lang para sa kanya isakatuparan ang kanyang binabalak.


The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now