chapter 39 ( Personal Body Guard)

787 26 0
                                    


Naalimpungatan siya sa ingay sa labas. Nagbihis ito agad at lumabas ng kanyang kwarto.

Bigla siyang nahinto ng makita si Hunter. Tinignan niya ito sa gilid ng kanyang mga mata.

Gumuhot siya ng malalim na hininga at inirapan ito.

Pagdating niya sa sala ay naroon ang ama at si nana kasama si Killian.

"Narito ang Prinsesa"

Napalingon sila sa kanya.

Nagbigay galang ito sa kanila.

"Tama tama ang dating mo, halika na eja at sabayan mo kami kumain. " ani Devorah

"Kamusta na ang aming Prinsesa?" tanong ni Killian

"bakit namiss mo ba ako ha kuya?" biro ni Riyah

"Parang ganoon na nga, hindi na kasi nababasak ang tenga ko sa matinis mong boses" biro ni Killian

"Eeemp aminin mo na kasi na namiss mo ako"

"kayong dalawa, tama na muna yan. Kumain na muna tayo" ani Devorah

"Hayaan mo na sila, ngayon lang ulit tayo nagkasama samang kumain simula ng tumakas itong si Riyah" ani Gunner

Napa yuko si Riyah, guilty ito sa kanyang ginawa.

"ama patawarin niyo po ako?" ani Riyah na lumungkot ang mukha nito at yumuko.

"Naintindihan kita kaso mali ang pamamaraan na nagawa mo. Hindi dapat ipairal ang galit sa pagdedesesyon dahil ano't anuman pa man ang kasalanan ng tao sa iyo hindi mo dapat pangunahan ang batas." ani Haring Gunner

"Pero ama itinago nila sa batas ang kanilang kasalanan" giit pa rin ni Riyah

"Kahit na, dapat humingi ka ng tulong sa awtoridad" ani Ama

"Mayaman sila, nagawa nilang itaga ng maraming taon dahil sa pera. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan? Ang tagal na nang panahon_" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng hawakan ni Devorah ang kamay nito at pinisil. Mataman siyang tinitigan ni Devorah.

Nakakuyom ang mga kamay ni Hunter habang nakikinig sa usapan nila.

Nakakunot ang noo nitong tumingin sa ina. Nagpahid ito ng luha at bumaling ng tingin sa amang hari.

"Pasensya na po" aniya at tyaka siya yumuko

Tumayo si haring Gunner. Sinundan nila siya ng tingin.

Lumapit siya kay Riyah at lumuhod. Hinawakan nito ang mga kamay niya.

"Riyah anak, nakilala ko kayong mag-ina na may malaking puso, may malawak na pang-unawa at pagmamahal. Huwag mong hayaang balutin ka ng galit at lungkot dahil sa nakaraan,sana ay mahanap mo ang pagpapatawad diyan sa puso mo. . Kung narito man ang tunay mong ama natitiyak kung malulungkot siya kapag nakita ka niyang nagkaka ganito, Riyah anak, hindi man kita tunay na anak sa puso at isipan ko ikaw ay anak ko." ani amang hari na nakatingin ng mataman sa kanya.

Tumulo ang luha nito sa mga binitawang salita ng hari.

"Patawarin niyo ako ama" aniya tyaka niyakap niya ang hari.

"Ang tunay na pagmamahal ay nasa pagpapatawad at pagpapalaya sa iyong sarili." ani haring Gunner

Tumayo ang hari at inayos ang damit. "siya nga pala, sasamahan ako ni Killian para sa pagpapalawak ng ating negosyo at pagpapatatag ng dalawang bansa. Isasama ko si Callisto, may papalit sa kanya kaya huwag kang mag-alala aking Reyna.

Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babaeng naka tuxido.

"Sila ang mga napili at dalawang nakapasa sa pagsasanay. Sila ang kapalit ni Callisto sa pagbabantay sa iyo prinsesa Zariyah at reyna Devorah. " ani haring Gunner.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now