Chapter 44 ( Goodbye kiss)

868 35 0
                                    

Pag gising niya ay bumungad agad sa kanya ang teddy bear na bigay sa kanya ni Hunter. Abot langit ang ngiti niya.

"Good morning Mr. Cuddles!" bati niya sa tesdy bear bago ito umahon sa higaan.

Pagkatapos nitong maligo ay kumuha agad siya ng maiinom na tubig. Sa mini Fridge ay nakita niya agad ang ibinigay ni Hunter na box of chocolates. Kinuha niya iyon at tyaka isinara ang pintuan ng fridge.

Napangiti na lang siya ng maalala si Hunter.

"Ehem" tumikhim si Nami.

Hindi niya iyon narinig, tuloy lang siya sa pagtitig sa chocolates.

Lumapit si Nami at umupo sa tabi ni Riyah.

"Ang aga ng ngiti natin ah, akala ko ba hindi ka mahilig sa matamis. Aba may ribbon pa, kanino galing?" usisa nito

"Oh andiyan ka pala" ani Riyah

"oooh hindi mo napansin ang pagpasok ko at pag tikhim ko dahil sa chocolates na iyan, parang alam ko na kung kanino galing. Tama ba ako?" panunukso nito na may pagkurot ito sa tagiliran ni Riyah

"Aaah Nami ano ba, alam mo naman may kiliti ako diyan" ani Riyah

"Ikaw ha, mayroon ba akong dapat malaman?" tanong ni Nami

"Wala no, ibinigay lang niya ito for thanking me" paliwanag ni Riyah

"Yun nga lang ba?"tanong ni Nami na makahulugan ang ngiti nito.

"Oo yun lang" ani Riyah na nag-iwas ito ng tingin.

"Oo na kahit kumikislap iyang mga mata mo, emmmp mukhang yan ata ang pinakamatamis na chocolates sa buong mundo, pwede ko ba tikman?" ani Namina nagbibiro

"No way, ipapabili na lang kita kahit ilan huwag lang to!" pagtataray ni Riyah

"Parang chocolates lang eh, kahit maliit lang, feel like craving" ani Nami

"Ayoko, doon ka na nga, mag iimpake pa ako" ani Riyah

"As if ikaw ang mag-aayos ng gamit mo sa maleta mo mahal na Prinsesa" pagbibiro nito pagkatapos ay agad din siyang tumayo at lumabas.

Hindi nga siya ang mag aayos ng gamit niya, palusot lang niya iyon para huminto si Nami sa panunukso sa kanya.

Nagpunta siya sa may harden. Nakita niya ang namumulaklak ng mga halaman. Iba't ibang kulay ng mga bagong usbong nito na nagpaganda sa paligid.

"Ang gaganda naman ninyo, teka hindi pwedeng hindi nila makita ito" aniya tyaka naglabas ng camera. Isa isa niyang  kinuhanan ng larawan ang mga ito.

"Ayan, pwede ko na kayong ipost, tyak matutuwa sila sa ganda ninyo" aniya habang tinitignan isa isa ang mga kuha. Hindi niya napansin na malapit na siya sa gilid ng lagoon.

"Tigil!"

Napapitlag siya ng may sumigaw. Muntik na niyang nabitawan ang hawak na camera. Nag-angat ito ng ulo, nakita niya si Hunter na ilang dipa lang ang layo nito sa kanya.

Hindi siya agad naka kilos. Nakatingin lang siya kay Hunter.

Walang kibong lumapit si Hunter. Nagkatitigan ang dalawa, mga tingin na marami ang gustong sabihing hindi masabi ng kanilang mga labi.

Tila walang planong huminto ito sa paglapit, napaatras si Riyah, sa paghakbang niya pabalik ay hindi niya inaasahan na nasa dulo na siya ng lupa. Nahulog ito sa tubig.

Agad na tumalon si Hunter para sagipin ito sa tubig.

Kumakampay ito sa tubig, halatang hindi ito marunong lumangoy.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now