Chapter 5 (Meet the secretary)

983 28 0
                                    

Sa pagpasok ni Hunter sa office ay nakita nigang malinis ang mesa niya. Noong iniwan niya ito ay alam niyang disarrange ang mga folder at ilang papel sa ibabaw ng kanyang desk.

"Good morning sir" 

Nag angat ito ng ulo. Napaawang ang mga labi nito ng makita ang babae sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito, diba dapat sa oras na ito nagtuturo ka?" aniya sa babaeng kaharap

Nagugulujan sa isip niya kung anong linagsasabi ni Hunter. "Ano pong ibig ibig niyong sabihin Sir?" tanong niya dito

Ngumisi si Hunter. "ako ba ay pinagloloko mo o baka gusto mo tawagan natin si Jax para malaman niyang pinaprank mo ako"ani Hunter

"Prank po? Hindi ko po kayo maintindihan, nasa ibabaw ang resume ko maaari niyo pong basahin" ani Riyah

Sarkastikong tinignan niya si Riyah at lumingon sa mesa. Kinuha niya ang folder at ninuklat niya iyon.

Habang binabasa niya ang detalye ng pagkatao ng nasa harap ay mataman ponagmasdan namam siya ni Riyah.

Marahas na isonara niya ang hawak na folder. "Ano to joke? Sa tingin mo maniniwala ako dito, ha Annika?" ani Hunter

"Ang akala ko po hired na ako kahapon, kung kinukwesyon niyo ang detalye na nabasa ninyo, may mga docents na naka attached sa likod ng resume ko na magpapatunay na ako yang nabanggit diyan. " paliwanag nito.

Natahimil si Hunter sa sinabi nito. Tama ito, kung nagsiainunggalimg siya ay dapat wala itong mga dokumento na magpapatunay na siya nga iyong nasa papel.

Naguluhan siya bigla. Bakit iba ang pangalan niya dito at iba ito makipag usap.

"Kung wala po kayong iuutos ay babalik na ako sa aking mesa." ani Riyah

"ha, ano sige makakaalis ka na" ani Hunter na tumango dito

Nakakunot noo ito habang nakatingin sa pendulum clock. Hawak hawak ang ballpen na pinapaikot sa daliri.

"ang galing mong umarte, napaka husay mo. Ibang iba ka sa Annika at sa ngaying pinakita mo. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mong makipaglaro" aniya sa hangin.

Nag simula na siyang magbasa ng mga papel sa harapan niya, sa buong buhay niya wala siyang inerest  na maupo sa apat na sulok ng kwartong ito at nagbabasa ng sandamakmak na papel. Ang nais niya ay humawak ng baril.

Pinindot niya ang intercom. "Gusto ko ng kape"

Agad na nagtimola si Riyah ng kape, dinamihan niya ang paglalagay dito at kaunti ang asukal.

"Heto na po yung kape niyo, sir" aniya at inilapag iyon sa gilid ng mesa

"Medyo mainit yung aircom lakasan mo ng kunti." utos ni Hunter

Kinuha niya ang  remote at pinindot ang maximum.

Pag higop niya ng kape ay nasamid ito, sa init at sa pait ng lasa.

Natawa ito sa isip niya ng makita ang reaction ng mukga ni Hunter. 

Kakaupo lang niya sa kanyang upuan ay tinawag nanaman niya ito.

"Paki bigyan ako ng kopya ng Financial report last year, per month ang arrangement 12 folders." utos niya ulit kay Riyah

Pasimpleng inikutan niya ito ng tingin at tumango.

Nang makalabas ay napangisi si Hunter.

"Annika, ubos ko na yung kape magtimpla ka ulit, less coffee more sugar"

"Alisha po, opo noted"

"Matigas ka ha. Tignan lang natin" Bulong ni Hunter

Kaunti ang kape at dinamihan niya ang asukal.

"Heto na lo ang kape, Sir"

"Ilapag mo na lang niyan Annika, pwede ka ng umalis" ani Hunter na abala sa harap ng  screen ng computer.

"Alisha po, sige po sir"

Sinulyapan niya ang pinto ng makalabas na ito.

"eeeerggg nakakagigil  talaga!" ani Riyah

"Uy girl, bakit ganyan ang awra mo?" ani ng barbie na si Stevan

"Ganyan ba talaga siya, maraming inuutos na hindi naman kailangan?" ani Riyah

"Masanay ka na girl, ganyan talaga ang boss lajat inuutos kaya kunting tyaga lang" ani Stevan

"oo nga fight fight fight sis, huwag masyong ma stress sayang ang ganda natin" ani Reveka.

Natuwa siya sa dalawa, kahit papano ay nabawasan ang inis niya sa Hunter na iyon.

"Kayo talaga, bigla ma lang kayong nawawala sa pwesto niyo, ano bang cheka?" ani Camil.

"Wala, ito naman makasita kala mo hindi rin umamalis sa pwesto" pagtataray ni Stevan

"hindi kasi kayo nag aaya tuwing umaalis kayo, anong chika ba iyan, uy Ikaw pala yung bagong secretary ni sir cute" ani Camil ng magawi ang tingin kay Riyah

"Hi, Camil nga pala, ang pinaka maganda sa mga empleyado" pagpapakilala niya

"Hi, Alisha" nag kamay silang dalawa pero saglit lang iyon dahil bumukas ang pinto ng opiaina ni Hunter. Natahimik sila ng lumabas ito

"Anong meron? " naka angat ang dalawang kilay nito na nagtataka kunwari sa mga tsismosang emplayado.

"Ah wala ho,  naalala ko may inuutos pala sa akin si Sir, mauna na ako" pagpapaalam ni Stevan

Nataranta na rin ang dalawa na sinundan si Stevan.

Naiwang nakatayo si Riyah. Lumingon si Hunter sa kanya, yumuko ito para maiwasan ang tingin nito.

"Ayoko sa lahat, yung nasasayang ang oras sa mga walang kwentang bagay, may pupuntahan ako. Cancel my meeeting at 3pm. Bukas na ako babalik" aniya at tyaka na ito naglakad.

Papunta siya ngayon sa Ahensya para mag report.

May bagong kaso, nagpunta sila sa conference room para talakayin ang nga ito at kung sino ang aatasan na humawak ng mga kasong iyon. Dahil wala pang isang buwan ang pananatili ni Hunter at mga nakasa sa gtera ay exempted sila pansamantala.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now