Chapter 41 ( Reunite )

810 27 0
                                    

Kinakabahan si Devorah ng makarating sila sa bahay nila Agosto at Sania.

Kita niya agad ang anak na si Annika na nag iigib ng tubig sa poso.

Pagkababa niya sa sasakyan ay masayang sinalubong siya nu Sania.

"Seniora Devorah, masaya ako at napasyal kayo sa aming munting bahay" aniya

"Walang munti kung malaki ang ipinundasyon niyo sa bahay ay puno ng pagmamahal" sagot ni Devorah

"Tuloy ho kayo, Agosto narito si seniora Devorah!" sigaw ni Sania

Lumabas ng kamarin si Agosto at masiglang lumapit ito.

Haharangan sana siya ng mga tauhan pero nagtaas ng kamay si Devorah para pigilan sila.

"Mang Agosto, masaya ako at nagkita ko kayong muli" aniya

"ako rin seniora, tuloy kayo sa aming bahay" anyaya ni Agosto.

Iniwan ni Annika ang kanyang ginagawa at dahan dahan itong lumapit. Pinagmasdan niya ang ina habang nakikipag-usap ito sa mga magulang.

Lumingon si Agosto sa gawi niya. "Oh, Annika andiyan ka na pala, halika at batiin mo ang iyong ina"

Tumango ito at lumapit sa kanila.

"Magandang araw ho" tipid niyang sabi

"magandang araw naman sayo, eja" ani Devorah na malapad ang ngiti sa kanyang labi.

"Halina ho kayo sa loob, naghanda aki ng maiinom" ani Sania

Pumasok na sila sa loob nauna si Annikang naglakad

Nang makapasok ay lumapit ang isang lalaki sa mga baso. Hinarangan siya ni Jax. "Kilala ko ang pamilyang ito, hindi sila masamang tao" aniya sa lalaki.

Lumingon si Devorah sa dalawa. "Tama siya, hindi siya masamang tao, bumalik na kayo sa pwesto ninyo" aniya

Tumango ang dalawa at bumalik nga sila sa kanilang pwesto.

Nakatingin ang mata ni Jax kay Annika na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Sania.

"Kamusta na kayo?" bungad na tanong ni Devorah

"Ha eh ito maayos naman kami" sagot ni Sania

"Balita ko ay isa ka ng ganap na guro" ani Devorah na nakatingin kay Annika

Nahihiyang tumango ito sa ina.

"ah maiwan muna namin kayo, may gagawun pa kami ni Sania sa labas." ani Agosto

"ha anong gagawin?" ani Sania

Tinignan niya ito ng makahulugan. "Huwag ka ng magtanong, nauulyanin ka na siguro ano, tara na sa labas" ani Agosto

"Ha pasensya na seniora may gagawin nga pala kami ni Agosto sa labas. Maiwan na muna namin kayo, Annika ikaw na bahala sa iyong ina" ani Sania.

Nagtaas ng kamay si Devorah, senyales na gusto silang labas.

Tumingin ito sa ina at ngumiti ng bahagya. "Uminom na po kayo ng juice habang malamig pa" alok ni Annika

Tumango si Devorah at kinuha ang baso. Sumimsim ito ng kaunti

"Natutuwa akong makita kita" ani Devorah na mataman na tinitigan si Annika

"nakwento na po sa akin ang lahat ni nanay Sania at tatay Agosto ang totoo."

"Ah ganoon ba" napayuko si Devorah dahil nahihiya ito sa anak. "pasensya ka na kung hindi kita nabalikan sa lugar na iyon at_" hindibna niya naituloy ang sasabihin ng magsalita si Annika.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now