Chapter 33 (Surrender)

842 28 0
                                    

"Alam ko kung anong mga pinag gagawa ninyo" ani mamita at dahan dahang tumingin sa diteksyon ng apat. "Hindi ko na kayo pinigilan dahil alam kung darating ang puntong ito." dagdag pa niya.

"Nagkamali ako nang pagtatago ng kasalanan ng dalawang taong mahal ko, natakot ako at nangamba na baka masura ang pamilya ko na pilit kung inaayos. " ani mamita na bumuntong hininga.

"Mama" ang tanging nasambit ni Ofelia na lumapit at umupo sa tabi ng mama

"hindi kasalanan ang maging ina at magpaka ina sa mga anak ko, naging madamot lang ako na ibigay sa kanila ang tamang parusa sa mga kasalanan nila, bagkus ay hinayaan ko ang bagay na dapat sana noon ko pa ginawa. I failed myself to be a good mother" ani mamita

"Hindi mamita, you didn't failed us. Tignan mo kami ngayon, kung wala ka, marahil ay isa pa rin akong gangster"ani Apollo na lumapit at lumuhod sa harapan ni mamita. "Ipinaintindi mo sa akin ang pagkakamaling nagawa ko, lalo na sa sarili ko" dagdag pa niya.

"I've been cheating my own brother but you fix my own problem, you fix me too as a person still cintinue the life with a right path, siguro hindi ko nakilala ni Ava, ang asawa ko kung nanatili ako sa pagkakalugmok at patuloy na sinisisi ang sarili"ani Sage

"How about you as my cupid who found the love that fits me?" ani Lucas na naka ngiti

Lumapit ito at lumuhod din tulad ng dalawa. "I am a biggest fan of yours mamita, you lead me the way to find my true self, to find my real happiness and that is Arriette" dagdag pa niya

Nakatayo lang si Hunter tahimik na nakikinig sa dramahang nagaganap.

" maraming salamat mga apo" ani mamita na tuluyan na ngang umiyak.

Ngayin lang nila siya umiyak.

Yumuko si Hunter, ayaw niyang tignan ang nakaka awang itshura ni mamita.

Nang mahimasmasan si mamita ay umupo sila sa sofa habang nakatayo pa rin sa kinaroroonan niya si Hunter.

"dahil sa pag-ibig kaya nagawa itong lahat ni Miguel. Magkaibigang matalik si Boris at Miguel simula ng high school pa lang sila. Ganoon din si Devorah at si Ofelia. Nabuo ang samahan ng apat nang maging iisa ang eskwelan nila. Hindi sila mapaghiwalay, kahit week ends narito silang apat sa mansion, kung hindi gumagawa ng homework, gitara ang bonding nila. " pag sisimula ng kwento ni mamita.

"Nakita ko kung paano tignan ni Miguel si Devorah, yung mga bawat pagtitig niya noon ay nagpapahuwatig na siya ay umiibig." bumuntong hininga si mamita. "Dahil sa katorpehan niya at wala siyang lakas ng loob sabihin ang nararamdaman niya kay Devorah, si Boris ang naging tulay sa pagitan nila. Lingid sa kaalaman ni Miguel na si Devorah ay may lihim na pag tingin kay Boris. Ang kislap sa mga mata niya tuwing napupunta ang atensyon ni Boris sa kanya, doon pa lang ay nabasa ko na ang ibig sabihin noon. Naawa ako pata kay Miguel na umaasang tumbasan ni Devorah ang mga ipinupukol nitong oras para lang makasama siya. Tuwing rehersal si Devorah, kahit magabihan si Miguel at alam niyang may nag-aabang sa kanya ang sermon ko ay sige pa rin siya sa pagsama dito para lang safe makauwi si Devorah sa kanilang bahay. Ganoon magmahal si Miguel. " dagdag pa ni mamita

"Pag-ibig nga naman" sambit ni Apollo

"Ganyan ka rin naman ah, diba noong kinidnap mo si Val. Over possessive kahit pa kayo, you made her yours before other's will do" ani Sage

"Ako nanaman nakita mo, bakit hindi mo sabihin because of your lust you cheated Lucas to make Jessica yours?" sarkastikong sagot ni Apollo

Tinignan ng masama ni Pfelia ang dalawa.

Naintindihan nila ang tingin ng ina sa kanila kaya tumahimik sila.

"So paanong humantong na napatay ni tito Miguel si lolo?" buglang tanong ni Lucas

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now