Chapter 28 ( Blood )

807 26 0
                                    

Agad na dinala nila si Princess Zariyah sa ospital.

Hindi na sila pinapasok sa loob ng ER.

Dumating ang Reyna, ang Prinsepe si Nami at mga royal Guards. Pumuwesto sila sa gilid ng pintuan ang ilan habang ang iba ay nagkalat sa buong ospital, nagmamasid baka may makapasok na armado.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Devorah kina Sky.

Tahimik si Junter na sumandal sa pafer, duguan ang damit habang wala sa sarili

Nasulyapan ni Devorah si Hunter, puno ng stain ng dugo ang dalit nito. Lumapit siya habang nakatingin sa damit nito. "Galing ba kay Zariyah ang dugong mantsa ng damit mo?" hirap na hirap na tanong niya kay Hunter

Tumango lang ito at saglit na tumingin sa ginang. Yumuko ito at napasinghot.

Napasapo si Devorah sa kanyang dibdib habang nasa tabi niya si Nami. Inaalalayan siya.

"Maupo muna kayo,Ma" ani P'Killian

"Kamusta na siya?" bungad ni Annika

Nakatingin lang si Jax kay Annika, gusto niya kausapin ito kaso hindi niya alam kung paano uumpisahan.

Nag-angat ng tingin si Devorah. Nakatingin siya kay Annika. "Anak?" sambit niya na hindi makapaniwalang makikita niyang muli ito pagkatapos ng maraming taon.

"Anak" ani Sania na biglang dumating kasama si Agosto.

"Nay" sambit ni Annika sabay yakap sa mga ito

"mabuti at ligtas ka, alam mo bang alalang ala kami ni tatay mo sa kaligtasan mo" ani Sania

"Huwag na kayo mag-alala, okay lang na po ako" ngumiti ito kay Sania

"Tayo na sa kwarto mo, kailangan mo pa magpahinga" ani Sania

Tumango ito at inalalayan na siya si Sania at Agisti sa kanyang room.

"Agosto ikaw na muna ang bahala dito, may nakalimutan akong bilhin" paalam ni Sania

Bumalik ito sa kinaroroonan ni Devorah

"Mahal na reyna pwede ko po ba kayong makausap kahit sandali lang?" pakiusap ni Sania.

Tumingin si Devorah kay Killian at ngumiti.

Tumango ito at tumayo. Sa chapel ng hospital sila nagtungo.

Naupo sila sa loob.

"wala ho akong karapatan mag demand dahil alam kung sa umpisa pa lang ay alam ko na kung saan ako lulugar." ani Sania

Hinawakan ni Devorah ang mga kamay ni Sania at tignan ito. "Kung tungkol ito kay Annika, napakalaki ng utang na loob ko sa inyo ni Agosto, hindi matatawaran ang katapatan ninyo sa pamilya ko." ani Devorah na namumuo na ang luha sa kanyang mga mata.

"Dahil wala kayong ibang ipinakita king hindi puro kabutihan, hindi ninyo ipinaramdam sa amin na mga kasambahay lang kami, lubos ang pasasalamat namin sa inyong mag-asawa na hinding hindi namin makakalutan ni Agosto kailanman. Sana ho bigyan ninyo kami ng kunting panahon para ipagtapat kay Annika ang buong katotohanan, napamahal na sa amin ang bata kaya mahirap para sa akin na malamang babalik na siya sa totoo nitong nanay at yun ay hindi ako" tuluyan nang pumatak ang luha nito

"Sino bang nagsabing babawiin ko ma siya sayo? Isa pa, alam kung kailangan ninyo pa ng panahon, hindi ka mawawala sa buhay niya, Ikaw pa rin ang kikilalanin niyang nanay at ako naman ang mama. Ani Devorah na nakangiti

Nagpunas ito ng luha na napatingin ng diretso sa dating amo. " Talaga ho?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Devorah

"Kayo ni Agosto ang pumunan ng pagkawala ni Boris at ang paglisan ko. Kayo ang nandiyan sa kanya sa mga panahon na kailangan niya ng magulang. Anak ko siya oo sabik akong makasama siya, pero hindi ko pwedeng alisin ang isang bagay na alam kung mahalaga sa buhay niya, yun ay kayo ni Agosto. Naiintindihan ko wng sitwasyon, nauunawaan ko ang nais mo. Huwag ka ng mag-alala, isipin mo na lang madaragdagan ng isa pang mama ang anak natin" ani Devorah na nakangiti

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant