Chapter 26 (My Reflection)

746 28 1
                                    

"Donya Felomina!" sigaw ni Agosto ng makapasok ito sa loob ng mansion kasama niya si Sania.

Napalingon si Devorah sa pamilyar na boses. Laking gulat niya ng makita ang dating kanang kamay ng asawa.

"Agosto?" sambit niya

Galit na galit ang mukha nito pero nang makita ang ginang na nasa kanyang harapan ay biglang nag iba ang timplada.

Si Sania ay napa awang ang mga labi na parang nakakita ng multo.

"Seniora Devorah?" sambit ni Agosto

"Buhay kayo seniora" ani Sania na namuo ang tubig sa kanyang mga mata.

"Ang akala namin ay nasundan kayo ng mga tauhan ni Don Felipe." ani Agosto

"Nakapag tago kami ni Riyah sa may kakahoyan ng gabing iyon. Muntik na kaming makita ni Varon pero sa kapal ng ulan ay sumuko sila sa paghahanap sa amin."Pagkukwento ni Devorah

"Salamat naman at buhay kayo, magandang balita iyan para kay Annika" ani Sania

"Buhay ang kakambal ni Riyah?" laking gulat na tanong ni Devorah sa kanyang narinig.

Napatingin si Nami sa mag-asawa at lumipay ang tingin kay Devorah na hindi makapaniwala.

"Oo seniora, nailigtas namin siya sa mga tauhan ni Don Felipe" ani Agosto

"nasaan ang anak ko?" tanong niya ulit na may kasabikan sa kanyang tinig

"Iyan ang dahilan kung bakit kami naparito. Hindi pa umuuwi simula kahaon si Annika, isa lang ang alam kung gagawa nito." ani Agosto

"Ilabas ninyo si Donya Felomina, ibalik niya si Annika sa amin. Tama na, maawa kayo sa kanya" naiiyak na sambit ni Sania

"Anong ibig ninyong sabihin?" ani Lucas

"Natitiyak kung kayo lang ang may motibo na saktan o gawan ng masama si Annika kaya ilabas na ninyo siya" matigas na sabi ni Agosto

"Teka lang ho, hindi namin alam kung sino si Annika at ang pinaparatang ninyo sa amin." ani Sage

"Kung ganoon bakit hindi pa nagpapakita sa amin si Annika?" ani Sania

"Mahal na reyna, sa tingin ko kailangan na nating ipagbigay alam sa hari ang nangyari. Habang tumatagal ay mas lalong delikado ang buhay ni Riyah" sabat ni Nami na hindi mapakali ang itshura nito.

"Sa tingin ko ay tama ka, ipagbigay alam mo agad sa mahal na hari ang sitwasyon natin dito." sinang ayunan ni Devorah ang suhisyon ni Nami.

Sinundo sina Devorah at Nami ng Embahada ng Zantania sa Pililinas upang escort-tan sa kanilang ahensya at isecure sila. Iyan ay utos ng hari ng Zantania na si Gunner.

Hiniling ni Devorah na isama ang mag-asawa sa kanila.

"Mama, patawarin ninyo ako kung naging pabaya ako sa Prinsesa, ako ang nakakatandang kapatid pero ako ang nagkulang ng pagbabantay sa kanya" bungad ni Prinsepe Killian.

Hinawakan ni Devorah ang mga kamay ni P'Killian

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, naging mabuti kqng kapatid kay Riyah nakita ko iyon. " ani Devorah

"Ano pong ibig sabihin nito seniora Devorah?" nagtatakang tanong ni Sania

"Wala kang karapatan para sumabat sa usapn ng Reyna at Prinsepe, kalapastanganan ang iyong nqging aksyon, lumuhod ka at humingi ng tawad" ani ng pinuno royal guard.

"huwag na, hindi nila alam na ako ay isang reyna."ani Devorah

Tumayo si Nami " Mang Agosto at aling Sania, ang kinikilala niyong amo noon ay isa nang ganap na reyna ng bansang Zantania, napang-asawa nila si Haring Gunner na may anak ma si Prinsepe Killian at kinakapatid ni Prinsesa Zariyah.

"Mahabang istorya, sa tingin ko ay tyaka na natin pag-usapan pa ito. Nanganganib ang kambal ko sa mga masasamang tao na iyon" ani Devorah na alalng ala sa nangyayari

"Ano ba sabi ng pakawalan niyo ako, hindi ako ang babaeng hinahanap ninyo, hindi ako Prinsesa, isa lang kaming mahirap. Wala silang pangtubis sa akin" nagmamakaawang samnit ni Annika sa mga naka black jacket.

Nakatali ang mga kamay at paa nito.

Dumating ang isa pang grupo na may banaeng hawak hawak ng dalawa. Sabay tulak sa kanya sa sahig sa tabi ni Annika.

Paglingon niya ay tila napatingin siya sa salamin. 

Pareho silang nagulat ng magkatitigan sila.

Hindi sila nakakibo. Nakatitig lang sila sa isa't isa.

"Sino ka?" nakakunot ang noong tanong ni Annika

"Ikaw ba si Annika?" balik tanong ni Riyah

"Bakit magkamukha tayong dalawa?" naluluhang tanong ni Annika

"Hindi ko rin alam" tipid na sagot ni Riyah

"Bakit dalawa ang hostage!" sigaw ng matangkad na lalaki na may edad na

Nagulay sila sa sigaw nito

"Boss, magkamukha kasi sila kaya hindi namin alam kung alin sa kanila si Prinsesa Zariyah" ani ng isang tauhan

"Sige, okay na yan para siguro na isa sa kanila si Prinsesa Zariyah, bantayan ninyong maiigi ang mga iyan" aniya ng tila kanilang pinuno at tyaka umalis

"Prinsesa ka?" tanong ni Annika ng marinig ang lalaki

Bumalik ang tingin nito kay Annika, para talaga siyang nakatingin sa salamin.

Pagtango lang ang tanging naging sagot niya.

"kung ganoon target ka talaga nila" sambit niya

"hoy kayong dalawa tama na ang daldalan. Huwag kayong magtatangkang tumakas, malilintikan kayo sa akin" ani ng kalbo sa kanilang dalawa

Binusalan sila sa kanilang bibig upang hindi sila makasigaw

Nagpagala gala ang tingin ni Riyah sa paligid. Natatakot ang mga mata nila na nagmamasid sa mga goons.

Lumilas ang dalawang oras ay wala pa ring tumatawag sa kanila. Nag aalala na sila baka napano na ang kambal.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hunter.

Napatayo si Nami ng makita si Hunter. Kakausapin niya sana ito ng hindi siya pinansin.

Nagbigay galang ito sa mahap na reyna at sa prinsepe.

Bwgo ito makabalik mula sa paghahabol ay ipinaalam na ni Sky ang totoong pagkatao ni Riyah sa  usapan nila sa cellphone. Ngayon ay malinaw na ang lahat kung anong dahilan ng pagpasok ni Riyah sa kompanya.

"Oh Hunter, kanina ka pa hinahanap ni chief" ani Jax

Paglingon niya sa kaliwa ay nagbigay galang sa reyna at sa prinsepe, ganoon din sa mga magulang ni Annika. Wala pa itong kaalam alam sa nangyayari.

Sinulyapan niya ang mag-asawa bago ito lumabas.

"Ipinatawag kita dahil ikaw ang magaling sa buong ahensya. Tumawag ang hari ng bansang Zantania at kailangan nila ng tulong natin sa pagdukot sa prinsesa. Ito ay secret mission na wala dapat makaalam sa mga tao kaya mag-iingat ka. Ayaw ng hari na lumikha ito ng kaguluhan sa dalawang vansa kaya isagawa ang search and rescue iperation ng tahimik. Kasama mo sa iyong team si Sky Liam at Jax. Limakad na kayo at ibalik ninyo ng buhay at ligtas ang Prinsesa.

Sa labas ay naghihintay na ang tatlo sa kanya. "Ang tagal mo muntik na akong nakatulog" ani Liam na nakangisi

"Tyaka na kita papatulan pagkatapos ng mission" ani Hunter na nag dirty finger siya sa harap ni Liam

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now