chapter 40 ( Quarrel )

931 33 0
                                    

Nagpunta siya sa terrace. Nakita niya doon si Hunter, nakita niya sa gilid ang babae na papalalit dito.

Nagsalubong ang kilay niya ng makitang ngumiti si Hunter dito. "Malandi!" sambit.

Agad itong pumasok sa loob ng kwarto at naupo sa gilid ng kama.

Kung anong naisipan ay tumayo ito at nagtungo sa walk-in closet niya. Namili siya ng gown. Dati rati naman ay hindi siya mapili sa mga sinusuot nito. Ngayon lang at tila hindi rin niya maintindihan ang ikinikilos nito.

Kinuha niya sy red gown at yun ang napili niya para isuot. Lumabas siya at nagtungo sa veranda.

Nadatnan niya ang dalawang nagtatawanan. Tumikhim siya at naupo sa bakalbna upuan. Naka side view ang upo at sinadya niyang lumabas ang hita nito sa slit ng kanyang gown.

Nakita niyang doon nakatingin ang mga mata ni Hunter na agad rin nag iwas at bumaling sa iba ang tingin. Napangisi siya sa nakita. ( who's more sexy now) aniya sa isip niya. Sinulyapan niya ang babae. Pasimpleng tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. (lamang ka lang ng kunti laki, but mime is cute, you have a nice curve but mine is perfect. ) aniya na may insecurity siyang naramdaman. Gumuhit sa dulo ng labi niya ang inis. Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay inirapan niya ito. Nang bumaling ang tingin niya kay Hunter ay agad din niyang binawi nang magtama ang mga mata nila. Agad niyang kinuha ang inumin at sumimsim.

"Mahal na Prinsesa"

Lumingin siya sa tumawag.

"Nami!" sambit niya tyaka agad niya itong niyakap. "na miss kita" aniya.

"ako rin" ani nami.

"kamusta ang Zantania, pinahirapan ka ba nila doon?" ani Riyah na may pag-aalala sa tono nito

"Hindi, sa katunayan. Hindi mo lang ako best friend, ako na ang mamamahala sa schedule mo, sa damit mo at sa marami pang iba.in short, personal consultant mo." masayang sambit ni Nami

"talaga,ibig sabihin kasama na kita ulit." masayang wika nito

Tumango si Nami. "mismo!"

"kasalo!" biro ni Riyah

"Na miss mo ang soda?" bulong niya

" hindi naman tyaka tama na sa bawal baka tuluyan ka na nilang ulayo sa akin. Ikaw lang naman ang best friend ko eh" ani Riyah na nagpouty lips ito

"aaayyy, ikaw talaga parang bata. Sige pahabain mo pa yan magiging nguso na iyan ng baboy." pagbibiro ni Nami

"halika maupo ka, samahan mo ako mag tsaa." anyaya niya

umupo rin ito sa katapat na upuan si Riyah.

Nag sulyapan niya ang dalawa ay wala na sila doon. Lumingon siya sa kabila. May paparating na dalawang gwardya at hindi si Hunter ang isa. Napa buntong hininga siya at bumalik ang tingin sa kausap.

"Hinahanap mo siya?" tanong ni Nami na kakaiba ang kislap ng mga mata nito sa kanya.

"huh, nako hindi no, bakit ko siya hahanapin?" ani Riyah tyaka sumimsim ng tsaa.

Nang makalapit ang kasamahan sa trabaho ni Hunter ay agad siyang nagsalita. "nasaan ang kamasa mo?" tanong nito

Huminto si Liam at yumuko, nwgbigay galang ito sa kanya. "Oras na ng shifting schedule kaya ngayon ay nagpapahinga siya, ako ang naka assign sa oras na ito." sagot ni Liam

"shifting, teka. Hanggang anong oras ang shift mo?" tanong ulit ni Riyah

Tumikhim si Nami. Pasimpleng inilagay niya ang buhok sa likod ng tenga na nakatingin kay Riyah.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now