Chapter 22 ( Guilt-Connection )

763 29 1
                                    

Naglalakad siya sa papasok sa mansion. Wala ito sa sariling pumanhik sa kanyang kwarto.

Naghubad ito ng damit at dumiretso sa banyo.

Nagbabad ito sa tubig habang nakatingin sa kawalan.

Pagkatapos niyang naligo ay naglagay lang ito ng tuwalya at naupo sa single sofa.

"Paano ko sasabihin sa kanya, ang laki ng kasalanang nagawa ko" aniya sa sarili na napailing

"may problema ba?" tanong ni Lucas na nasa pintuan nakasandal sa may hamba.

Tamad na lumingon ito sa direksyon ni Lucas.

Naglakad si Lucas at naupo sa gilid ng kama.

"nasubukan mo na bang makasira ng relasyon na ang intensyon mo lang ay mabuti pero sa bandang huli ikaw ang gumawa ng ikasisira nila? Biglang tanong nito

"intensyon mo ay mabuti pero ikaw ang dahilan kaya nasira sila, mukhang magulo yan pero kung ako ang tatanungin, lahat naman ng problema may solusyon, nasa sa iyo lang kung paano mo hahanapan ng paraan para masolusyunan. Huwag ka lwng padalos dalos sa gagawin mo dahil baka sa tingin mo ay tama pero mali pala sa tingin ng iba. Iba't iba ang pananaw ng tao kaya may Pro at anti" ani Lucas

"Mas lalo mo lwng pinagulo ang isip ko" ani Hunter na napailing

"mukha yatang naiinlove na ang bunso namin ah" ani Lucas.

"sus, matagal pa yan. Ang daming problema sa kompanya ni tito Miguel" ani Hunter

"Kung magkasundo lang sila ni mamita baka nasolusyunan na yan agad pero mukhang malabo, simula ng mamatay si lolo hindi na sila nag usap, hindi ko nakikitang bumibisita dito si tito simula noon" ani Lucas

"Ano kayang nangyari, bakit ganoon na lang ang alitan ng dalawa?" ani Hunter

"tyaka mo na isipin, sa dami ng problema ng Kompanya ni tito, yan muna ang harapin mo, basta kapag kailangan mo ng tulong, andito lang kami" ani Lucas. Kinuha niya ang unan sa kama at itinapon sa mukha ni Hunter.

"Badtrip oh, alam mong basa ako" ani Hunter na napailing na lang.

"magsuot ka ng damit, kakain na" ani Lucas bago ito lumabas.

Tahimik na pinagmamasdan ni Hunter si mamita.

"Uy, ang lalim ng iniisip mo ah" pamumuno ni Apollo

"Kumain ka na lang o pasasabugin ko ulo mo" bulong nito

"Ang hot mo dude" panunuya ni Apollo

"Naman, gwapo ako eh" ani Hunter na nginisihan niya si Apollo

"hindi ba kayo tatahimik na dalawa?" ani Ofelia

Pinandilatan niya si Apollo at ngumiti ng nakakaloko

Pagdating sa pang aalaska sg walang makakatalo kay Hunter.  Sa kanilang apat si Sage ang pikon, sunod si Apollo.

Pagdating niya sa ahensya ay nakasalubong niya si Jax.

"Oh bae, tagal kang di nagawi dito ah" ani Jax na nakipag fist bump.

"Marami lang ginagawa sa opisina, sige bae may aasikasuhin pa ako sa loob" aniya

Napakamot ng ulo si Jax. Sinundan muna niya ito ng tingin bago umalis.

Sa tanghalian ay hindi sumabay si Hunter kay Jax. Si Sky ang kasama nitong kumain at sa labas pa.

Nakita sila ni Jax na umalis ng ahensya ng magkasama. (Lagi silang magkasama, meron kaya silang iniimbestigahan pero bakit di nila ako sinama?) nagtatakang tanong nito sa sarili

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt