Chapter 34 (Changes)

798 28 0
                                    

Ang bigat bigat ng pakiramdam ni Hunter, siya pa mismo ang humuli at naglagay sa dalawang sa likod ng rehas lalo na si mamita. Tinitiis niyang huwag magpakita ng emosyon dahil kapag nangyari iyon ay baka hindi na niya mapigilan pa ang umiyak.

May biglang dumating, tinignan niya iyon ng dahan dahang paglingon.

Nakita niya si Riyah, ang dahilan ng lahat.

Naglakad ito papalapit kay mamita pero hinarangan niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Riyah na pumapalag sa pagkakahawak niya.

Lumapit si Callisto para pahalalahanan si Hunter

"Wala kang galang sa Prinsesa, alisin mo iyan bago pa magkaroon ng komosyon dito" ani Callisto

Ngumisi si Hunter at tinignan si Callisto ng mata sa mata. "Nakatungtong kayo sa lupang pag-aari ng Mariano, wala kayo sa bansa ninyo para sabihan ako ng ganyan. Dito, ako ang batas!" galit na sabi ni Hunter

"Callisto, bumalik ka sa pwesto mo" ani Riyah. Tinignan niya ito sa dulo ng kanyang mata.

Tumango si Callisto kahit labag sa kalooban niya ay sumunod ito kay Riyah

Bumaling ang tingin ni Hunter kay Riyah. "kunting respeto naman, nakuha niyo na ang gusto niyo, umalis na kayo" galit na sabi ni Hunter, marahas niyang binitawan ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ni Riyah.

Hindi naka imik si Riyah sa ginawa ni Hunter.

Lumapit siya kay mamita. "aalis na kami" aniya sa dalawa

Kumalas ng pagkakayakap si Devorah kay Felomina. "Dadalaw ako, dadalasan ko ang pagdalaw" aniya

Tumango lang si mamiya sa kanya.

Pagsakay niya sa patrol car ay sumunod na rin silang sumakay. Si Sky ang nasa driver seat habang nasa tabi niya si Hunter.

Nakatingin siya sa bintana habang paalis sila ng mansion. Sa side mirror ay kitang kita niya ang pag iyak ng kanyang ina.

Pagdating nila sa presento ay may ilang press ang naroon.

Pagbaba ni mamita ay agad silang dinumog ng mga ito.

"Ma'am Felomina, maaari po ba namin kayo mainterview?" ani ng mga media

"Jax ikaw na ang bahala dito. Ako na hahawi sa mga iyan" ani Hunter

Humarap siya sa mga ito. "Pauunlakan namin kayong mag interview sa mga susunod na araw. Sa ngayon, maaari po bang umalis na muna kayo" pakiusap ni Hunter sa mga ito

Tumango sila at isa isang nagbitbit ng mga gamit.

Dahil sa pag amin ni Miguel at pagkwento ni mamita. Guilty beyin unreasonable doubt ang hatol sa mga iti.

Makukulong ng dalawampong taon si Miguel at magbabayad ng  danyos at not payable, samantalang si mamita, sa edad nito ay binabaan ang sentensya sa isang taong pagkakakulong.

Ipinatawag si Hunter sa opisina

"Congratulation, successful ang mission mo" ani ng hepe

Sa sumunod na araw ay ginawaran siya ng award at promotiin. Ito na yata ang promotion na hindi siya masaya.

"Bae, Congrats!" ani Jax

Hindi niya magawang ngumiti man lang. Tumango siya at walang sabi sabi ay umalis na ito.

nag request ito ng dalawang araw na vacation leave.

Umuwi muna ito para kumuha ng ilang damit. Pagpasok niya sa mansion ay ramdam na ramdam niya ang lungkot.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt