Chapter 15 ( Attempt )

788 29 0
                                    

Naka abang ito sa terminal ng bus. Dahil siksikan ang mga tao  mabilis mapuno ang mga bus at kailangan maghintay pa ng ilang minuto sa pagdating ng mga ibang bus.

Inilapag niya ang gamit sa upuan at tyaka nagpunta ng banyo.

Paglabas niya ay may biglang nagtakip ng kanyang bibig.

Nagpupumiglas ito sa lalaking na nakahawak sa kanya. Hinawakan niya ito sa may gitnan ng mga hita niya sabay lapinit.

Sa ginawa niya ay nabitawan siya nito. Namimilipit ito sa sakit na nakahawak sa kanyang hinaharap.

Nakatakbo ito ng mabilis papunta sa kanyang upuan.

Nag dial ito agad sa kanyang cellphone. Sa  kaba at takot ay hindi niya nakita kung sino ang tinatawagan. Nang maring ay agad itong nagsalita.

"Please tulungan niyo ako, may lalaking muntik na akong dikutin, nandito ako sa may terminal ng bus."

Sa ilang minuto ay nakita niya si Jax.

Nagulat siya ng makita niya ito doon.

"Annika?" sambit ni Jax ng makita ito, balisa at namumula ang pisngi

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nito

"Tumawag ka kaya ako nandito: sagot mi Jax

Naalala ang pagtawag niya kanina, hindi niya akalain na si Jax ang natawagan niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Jax

Ilang pa rin sila sa isa't isa dahil sa nangyari sa restaurant kamakailan lang. Isinantabi muna nila iyon ngayon.

"Paglabas ko ng banyo may biglang nagtakip mg panyo sa bibig ko, may amoy ang panyo na nakakahilo. Inano ko yung ano miya para makatakbo ako" nahihiyang paliwanag niya.

"May nakaaway ka ba o kaalitan?" tanong ni Jax

"Wala naman bukod sayo. Ikaw lang naman yung nakaalitan ko sa pag aakusa ng isang bagay na hindi ko naman ginawa." Sarkastikong sagot ni Annika.

Napangisi si Jax sa sinabi nito. "Kailangan ba natin isama yan. Annika muntik ng nanganib ang buhay mo" sermon ni Jax

"Fine, eh di hindi. Nagtanong ka kasi, sinagot ko lang!" pabalang niyang sagot

"Ewan ko sayo" tumayo ito at maglalakad na sana ng hawakan siya ni Annika ng makita ang lalaki.

"Jax, ayun yung lalaki" bilong niya

Napaupo si Jax sa tabi niya.

"Yung naka sombrero yun yung lalaki" aniya

Tatayo sana ito ng ligilan ni Annika. "Anong gagawin mo?" takang tanong nito

"Syempre huhuliin" sagot ni Jax

"Sandali, baka makawala. Picruran kaya muna natin: suhesyon ni Annika

May point ito, pang ebidensya. Pinincturan niya ang lalaki tyaka ito tumayo.

Nang magkatitigan sila ay nahalata ng lalaki na parak ito, mabilis na tumakbo ito palayo.

Hindi na hinabol ni Jax ang lalaki. Bumalik siya sa upuan.

"Saan ka ba pupunta, samahan na kita baka balikan ka pa niya" aniya dito

"Naku huwag na, natakot na siguro yun" tanggi ni Annika

"Ikaw tigas rin ng ulo mo, kapag may nangyari sayo, isipin mo mag aalala sayo si aling Sania. May sakit pa naman iyon sa puso" ani Jax

"Mapilit ka rin eh, sige kung iyan ang gusto mo. Ihatid mo ako ngayon sa Santorini" Pagtataray ni Annika. Tumayo ito at ibinigau ang bitbit nitong bilao.

Napakamot ng ulo si Jax ng oabot sa kanya ang bilao.

Nasa byahe na sila wala pa rin kibuan ang dalawa. Nakatingin lang sa bintana si Annika.

"Oh, may forwarded picture si Jax." ani Sky

Nang tignan niya ang picture ay medyo malabo.

"Medyo malabo" aniya. Iniharap niya ang screen kay Hunter.

Tinignan niya ito. Nang makita ay nagulat siya, Nakita na niya ang lalaking iyon. Sa pag-iisip ay naalala niya ang lalaking muntik nang dumukot kay Riyah.

"Nakita ko na siya, hindi ako pwedeng magkamali, siya iyong lalaking muntik ng dumukot kay Alisha noong isang araw sa may cafe shop" ani Hunter

"Ano, eh muntik na rin nadukot si Annika, ayon sa report ni Jax, kanina lang" pahayag ni Sky

Natahimik ang dalawa at nag-isip

"Sa lahat ng kasong hinawakan ko, ito lang medyo magulo at hindi ko maipaliwanag. Maraming tinutumbok na daan, pasikot sikot na walang patutunguhan." ani Sky

"Nakakapagtaka na ang mga nangyayari, at bakit siya  gustong dukutin. Anong atraso niya para may magtangka sa kanya?" nagtatakang tanong ni Hunter

"Hindi kaya leader siya ng isang sindikato kaya mailap ang ompormasyon sa pagkatao niya?" ani Sky

"Ano kaya kung ako na ang magpunta sa Santorini" suhesyon ni Hunter

"Baka sa pagkakataong ito ay makausap mo na ang mga magulang ni Alisha o Annika man yan." ani Sky

Biglang tumayo si Callisto at umalis ng hindi nila napapansin.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now