Chapter 11 ( pictures )

812 31 1
                                    



Pababa na siya ng building ng makita niya si Riyah sa unahan, mukhang nagmamadali ito.

Sinundan niya ito.

Sa likod ng building may sumundo sa kanya. Nakita ni Hunter ang mga ito. Nakatalikod ang lalaki sa kanya habang nakaharap naman si Riyah. Nag yakapan ang dalawa at tila ang saya saya na makita nila ang isa't isa. 

Agad itong umalis at sumakay sa kotse.

Naka hawak ang kamay nito sa labi habang ang isa ay nasa manibela.

Pagkarating niya sa lugar ay nadatnan niya si Jax na mag isang nakaupo.

"Bae" sambit niya

"hmm, bae" napalingon ito at nagKipag fist bump kay Hunter.

"Nasaan si Annika?" tanong niya sabay upo.

"Nagpapalit ng damit sa banyo, hindi na niya nagawang magpalit sa school nagmamadali kasi" Paliwanag ni Jax

Nagkaroon ito ng hinala pero hindi niya ipinahalata sa kaibigan.

"Bae, may kukunin lang ako sa kotse" pagpapaalam niya

Pababa ito ng hagdan ng makita ang babae na kahawig si Alisha.

Sinundan niya agad ito. Papasok na ito ng sasakyan ng makita niya. Lalapitan na sana niya ng may tumawag sa kanya.

"Hunter, sino hinahabol mo?" biglang sulpot ni Jax

Napalingon ito sa kaibigan. "Ah wala, nagkamali lang ako, akala ko yung kakilala ko. "ikaw, anong ginagawa mo rito?

"Ah, pupunta ako sa banyo, naiihi na kasi ako" sqgot ni Jax

Ganoon ba, sige mauna na ako sa loob" aniya.

Huminto ito sa paglalakad at lumingon muna siya sa kinaroroonan ng sasakyan kanina. Nagpalinga linga pa ito ng tingin.

Papanhik ma siya ng makita si Annika na naglalakad, galing sa direksyon kung saan niya nakita ang sasakyan.

"Sino ka ba talaga?" bungad niya ng makalapit si Annika sa kanya. Nasa gitna sila ng hagdan.

"huh?" nagtataka ang itshura nito.

"Ang galing galing mong magpanggap. Alam ikaw huli ka na eh denedeny mo pa!" tinaasan na niya ito ng boses. Nakapamulsa ang isang kamay nito

"Anong bang pinagsasabi mo? Hindi ako nangpapanggap tulad binibintang mo, agent ka diba? Mag imbestiga ka ng mawala yang pagdududa mo!" tumaas na rin ang boses nito.

"Talaga, ako pa hinamon mo ha, eh kung sabihin ko sayo na may ebidensiya ako, sa tingin mo makakapag deny ka pa?" ani Hunter na tinignan niya ito ng masama

"Anong ebidensya?" sabat ni Jax na nasa ibaba ng hagdan

Nagulat qng dalawa ng makita si Jax

Umakyak siya at lumapit sa dalawa.

"Inuulit ko, anong ebidensya?" ani Jax na naguguluhan wng itshura nito

"Jax, wala. Gumagawa lang siya ng kwento" sambitla ni Annika na nakatingin kay Jax.

"kwneto eh ano ito?" itinaas ni Hunter ang cellphone

Nakita ni Jax ang picture. Kinuha niya ito at tinignan ng mabuti.

Nagtataka si Annika sa itshura ni Jax kung ano ang nasa picture.

"Ano ito Annika? Sino itong lalaki?" tanong ni Jax na may galit na ito sa kanyang mga mata.

Kinuha niya ang cellphone at tinignan. Kamukha niya yung babae may kayakap na lalaki. Kahit siya ay nagulat hindi niya alam kung paano, saan at bakit may ganun siyang picture. Wala siyang natatandaan na may kasama ito o nakipagyakapan.

"ngayon ipaliwanag mo, sino yang lalaking iyan?" tanong ni Jax.

"Hindi ko alam" ang tanging nasambit ni Annika

Sasampalin niya sana ito nang iharang ni Hunter ang kamay.

Nagulat si Annika sa ginawa ni Jax. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon, nagmadali siyang tumakbo habang umiiyak.

"Kailan mo pa nalan ang tungkol dito?" ani Jax na hindi man lang tumitingin kay Hunter.

"Dalawang linggo na. Hindi ko agad nasabi dahil hindi pa ako sigurado at hindi ko alam kung tama ang hinala ko hanggang nakita ko siya kanina sa labas ng opisina bago ako nagpunta rito. " paliwanag ni Hunter

Mahigpit ang hawak niya sa railing ng hagdan. Nagtagis ang bagang nito sa galit sa panloloko ng nobya. Hindi niya akalain na magagawa iyon ni Annika sa kanya.

Tinap niya ang balikat ni Jax. Naaawa ito sa kaibigan. Ayaw man niyang manira, mabuti na iyong nalaman niya kaysa ipagpatuloy nito ang pangloloko sa kanya. 

Umuwi siya ng bahay na umiiyak.

"oh anak, bakit ka umiiyak?"

"Nay, wala na, wala na kami ni Jax" sagot niya sa ina.

"bakit, anong nangyari?" gulat na tanong ng kqnyang ina.

"Hindi ko rin alam, hindi ko maipaliwanag, ang alam ko lang hindi ko siya niloko at kailanman hindi ko magagawa iyon sa kanya" sambit niya.

Hinagod ang likod nito habang nakayakap ito sa kanya.

Napatingin siya sa asawa na tahimik lang na pinagmamasdan sila.

"Nakatulog na ang anak natin" ani Sania.

Napabuntong hininga si Agosto. "Habang tumatagal lalong bumibigat ang oakirandam ko. Hindi ko na kayang magtago ng sekreto kay Annika, Sania.

"Pero matagal na panahon na iyon, kung babalik pa si Madam Devorah sana noon pa. Napamahal na sa akin si Annika, hindi ko kayang mawala siya sa atin, Agosto" ani Sania na naiiyak na ito.

Hindi na nagsalita si Agosto. Nakatingin ito sa kawalan habang humihigop ng kape.

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now