Chapter 24 (Spill the beans)

744 30 0
                                    

Huminto siya saglit ng mag vibrate ang phone nito. Nang tignan niya ang screen ay numero lwng ang naka rehistro.

Agad niya itong sinagot.

"Hello"

"Si Sania ito, kung gusto mo malaman ang katotohanan kitain mo ako sa address na itetext ko sayo"

Hindi na siya nakapagsalita ng ibinaba na ang tawag.

May dumating na mensahe.

Nang mabasa niya ay agad niyang binuhay ang makina ng motor at pinaandar ito.

Ilang minuto lang ang itinagal ng kanyang byahe papinta sa lugar na sinabi ni Sania.

Pumasok siya sa loob ng coffee shop, sa pinaka dulo ang napili niyang pwesto.

Kalahating oras na ay wala pa rin ang katagpo. Nagpapagala gala ang mga mata nito sa paligid ng masulyapan niya ang paparating nang si aling Sania.

Lumapit si Sania sa kinaroroonan ni Hunter. Lumingon muna siya sa magkabilang sides para makasiguradong walang nakamasid o nakasunod.

Nag order muna si Hunter ng kape lara sa kanila.

"wala ako sa posisyon para ipaalam sayo ito, kung isa kang alagad ng batas kahit pamilya mo sila siguro naman ikaw ang magtatama ng mga nagawang mali ng mga matatandang Mariano. " bungad niyang salita kay Hunter

Tahimik lang si Hunter na nakikinig sa ginang.

"Ang mga magulang ni Annika ay inambush ng gabing patakas sila. Kasagsagan ng ulan ng mangyari ang pagpatay kay senior Boris, wng ama ni Annika at Riyah." pagsisimula ng kanyang kwento

"Ano ho, Riyah?" pag uulit niya

Tumango si Sania. "Oo, Riyah ang pangalan nag kakambal ni Annika." sagot niya

"Nasaan ngayon si Riyah?" tanong ni Hunter.

"pinatakas namin si seniora Devorah bitbit niya si Riyah habang nakikipagpalitan kami ng putok sa mga tauhan ni Don Felipe." pahayag niya

"Ano pong nwging ugat ng awayan nila?" Tanong niya na matamang nakatingin sa ginang.

"Si Miguel Luna, dahil sa kasakiman ay pinalabas niyang si Senior Boris ang nagnakaw ng pera ng organisasyon. Plinano niyang i-frame up si senior Boris para siya ang mapagbintangad at makakuha ng ebidensya na siya ang may hawak ng pera." huminto ito sa pagkukwento at naluha sa pag aalala ng malagim na sinapit ng kanilang amo. "Napakabait ni senior Boris, hindi matatawaran ang mga naitulong niya sa kanyang nasasakopan. Lahat ng kanyang mga tauhan mula sa mga kasambahay, lahat kami ay nanigyan niya ng maginhawang buhay. Hindi ko matanggap na sa ganoong paraan siya pinatay. Ang walang kalaban laban na si sir, dalawampong baril ang inubos ang bala sa kanyang katawan ng gabing yon. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa kanya" aniya na humahagolgol na ito sa iyak

Hindi makapaniwala sa mga naririnig si Hunter. May mga tubig na namumuo sa kanyang mga mata.

Umiwas ito ng tingin sa matanda at hirap itong huminga sa bigat ng mga rebelasyon na kanyang natuklasan.

"Dahil rin sa inggit kaya naging demonyo ang hayop na Miguel Luna na iyon. Magaling sa negosyo si senior Boris, laging mabango ang kanyang pangalan kay Don Felipe na halos ituring na itong anak. Hindi naglaon na laging naikukumpara silang dalawa na mas magaling si senior trumabaho kaysa kay Miguel. Doon siya nagsimulang magkaroon ng sama ng loob sa kanyang matalik na kaibigan. Nakalimutan niya ang pinagsamahan nilang dalawa. Ilang taon silang magkaibigan bago sila naging magkasosyo sa negosyo na pinamumunuan ni Don Felipe. Dahil sa galit at inggit nakagawa ito ng matinding kasalanan, namatay si senior Boris dahil sa maling parang na siya ang gumawa."ani Sania na hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng mga luha nito

The Bachelors||the story: Self Trap(Mistakenly you) book4 CompletedWhere stories live. Discover now