Chapter 1 "Dream"

227 8 0
                                    

Elleina Zeal Suarez POV

"Good night my Princess," sinabi niya iyon ng nakangiti pagkatapos ay hinalikan ako sa aking noo.

Unti-unti ay pumipikit na ang aking mga mata. Nakatulog ako nang mahimbing hanggang sa isang malakas na kalabog ang narinig ko. Nagmulat ako ng mga mata at laking gulat nang may malakas na dumamba sa pintuan ng kwarto ko. Kinakabahan akong tumayo. Palapit nang palapit sa pinto.

"Mama! Papa! Ate!" Gustuhin ko man na ilakas ngunit hindi ko magawa dala ng takot na namumuhay sa aking katauhan, kinakabahan at umiiyak.

Pumasok ako sa ilalim ng kama. Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto. Nakita ko ang isang malaking tao, nakaitim, may hawak na matalim na bagay at tila may baril. Natakpan ko ang aking bibig at patuloy pa rin sa paghikbi. Unti-unti siyang lumalapit sa aking kama at luminga-linga.

Mama, Papa, Ate! Sinisigaw ng isip ko 'di malaman kung ano ang gagawin. Nararamdaman ko ang mga yabag ng lalaking ito.

Tumakbo ako palabas ng kwarto.

"Mama!!!! Huhuhu"

Narinig ko ang malakas na tapak ng mga paa sa sahig tumatakbo hinahabol ako. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa.

"Baby girl where are you? Lumabas ka na wala ka naman tatakbuhan hahaha" Nangibabaw ang nakakakilabot na tawa niya, nagpapaulit-ulit sa aking tainga.

Sumilip ako ng bahagya sa mesang tinataguan ko laging gulat at hilakbo ko nang biglang sumilip siya sa lamesa at nakita ko ang ngisi sa kaniyang mukha subalit malabo ang kaniyang mukha.

"Huli ka!" tumatawang sambit niya.

Napa-atras ako sa kabilang dulo ng lamesa at akmang tatakbo ngunit nahawakan niya ako sa aking damit. Patuloy ako sa pagpupumiglas at sumigaw nang sumigaw.

Laking gulat ko nalang nang may matapakan akong katawan na nakahandusay sa sahig. Tiningnan kong mabuti iyon malabo sa aking paningin ang kaniyang pigura pero awtomatikong pumatak ang mga luha ko sa 'di ko maintindihang dahilan. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko sa nakita ko hindi ko maintindihan.

Sino ba ang taong iyon? Napakalabo!

"Ma---ma" sambit ko sa humihikbing tono. 'Di ko alam kung bakit ko nasambat iyon.

"Patay ka sa aking bata ka!" Itinutok niya sa akin ang baril. Umiiyak akong tumingin sa kaniya at napapikit nalang ako nang akmang papuputukin na niya iyon.

"'WAG!" Napabalikwas ako ng bangon sa aking hinihigaang kama, patuloy sa pag-agos ang aking mga luha, umiiling-iling at takot na takot.

"Shhh it was just a dream," sinabi sa akin ng aking panganay na kapatid na si Zen at saka yumakap siya sa akin.

No'n ko lang napansin na nakapalibot na pala sa akin ang aking tatlong kapatid na lalaki na sina Kuya Zen, Zeke at Zaimon pati na rin ang daddy at mommy. Yumakap sila sa akin na para bang isang malaking group hug at pilit akong pinapakalma.

"Nood ka pa ng horror bago ka matulog," sinabi ni kuya Zeke iyon ng tumatawa. Nagawa pa niyang magbiro kaya naman nabatukan siya ni kuya Zen.

Sa kanilang tatlo, si kuya Zen iyong taga-pagtanggol ko sa tuwing inaaway ako at inaalaska ng dalawa ko pang kuya lalo na si kuya Zeke. Madalas niya akong pikunin at syempre papatalo ba naman ako gaganti ako, pero kahit ganito kami mahal namin ang isa't isa. Masasabi kong silang tatlo ang perpektong larawan ng isang lalaki.

Si Mel Zen ang panganay kong kapatid ay matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, napakaseryoso sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Isa na siyang ganap na doctor buti at 'di pa nakakaisip na mag-asawa.

Si Mel Zeke ang pangalawa kong kapatid ay ubod rin ng guwapo pero madalas nakakabwisit dahil sa malakas niyang pang-aasar sa akin, sa kanilang tatlo siya ang palagi kong kaaway.

Si Mel Zaimon naman ay iyong tipong moreno pero bagay sa kaniya ang ganoong itsura mala-KPop ang buhok pero ang kutis naman ay Pilipino kahit na ganoon ay mapapasulyap ka sa angking hitsura niya.

"Baby are you okay?" Nag-aalalang tanong ni mommy. Tumango naman ako sa kaniya.

"Are you sure you okay?" Paninigurado ni daddy.

"Yes, dad." Ngumiti ako sa kanila ng pilit.

Natatakot ako sa paulit-ulit na panaginip na iyon.

'Di ko alam kung nangyari na ba iyon o sadiyang panaginip lang?

Ilang beses pa ba akong matatakot sa isang bagay na 'di ko alam kung totoo ba o gawa lang ng utak ko?

I'm tired of finding the key in an unknown thing. But it's impossible I have no sister! I am the only girl in my family with three brothers and we are living a happy life.

Pumasok sa isip ko baka nga isang panaginip lang 'yon.

Pero papa'no kung hindi?

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें