Chapter 24 "Baider's Family"

49 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

"May kasalanan ka ba, Ms. Suarez? Pinapatawag ka daw ni Mr. Baider" sabi ni Prof. Katharina. "Lumabas ka na bilisan mo"

Mabilis akong lumabas. Bakit naman kaya?

"Ahm, excuse me?"

May kumalabit sa akin habang naglalakad sa hallway. Nilingon ko siya.

"Ah sorry. Akala ko kakilala ko" tinitigan niya 'ko nang mabuti.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng isang lalaki. Mukhang may kaya, sa tingin ko ay nasa 40+ na ang edad niya.

"Ah okay po, una na po ako" at saka ko siya tinalikuran.

Nang makarating ako sa office ni Mr. Baider ay ngiti agad ang ibinungad niya sa akin.

"Apo" masigla niyang bati.

"Lolo, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Iimbitahin kita sa aking kaarawan bukas" inabot niya ang isang imbitasyon.

Simple lang iyon at halatang piniling maging gano'n.

"Darating po ako"

"Nako! Salamat apo ko!"

Iyon lang at pinabalik niya na ako sa klase ko.

"Bakit ka pinatawag?" usisa ni Carme.

"Wala lang. May tinanong lang"

"Ano?" Mukhang 'di ako titigilan nito ng pangungulit.

"Wala 'yon"

Nakasimangot siyang umupo sa tabi ko.

KINABUKASAN.

Nagmadali akong maghanda ng susuotin ko mamaya. Naghahanap ako sa closet ko, 'di ko alam kung bakit nae-excite ako.

"Andiyan si Kean!" Masayang sabi ni Kuya Zen.

Tiningnan ko siya para bang may pangaasar sa mukha niya habang nakangisi. At for the first time ay inaasar niya ko.

"I like him for you" nakangiti kong sinulyapan si Kuya Zen. Sa tono niya ay may awtoridad pa din pero mababatid ang pagkagusto kay Kean.

"Kuya naman!" Pilit kong tinatago ang kilig.

Nagmadali akong lumabas at bago ako humarap kay Kean ay nag-inhale, exhale muna ako.

Todo pagpipigil ko sa kilig na nararamdaman. Nang magpakita ako sa kaniya ay awtomatikong lumaki ang ngiti sa labi niya.

"Hi, beautiful" nakangiti niyang bati.

"Hello" sa isip ko ay gusto kong dugtungan iyon ng 'handsome'

Ayiiiieeeee! My gosh! Tumatalon ang puso ko! KEAAAAANNN!!

"I bring you dessert" nakangiti niyang sabi pilit ding itinatago ang ngiti.

"Ang tamis naman!" Narinig kong biro ni kuya Zen.

Nagugulat ko siyang tiningnan.

'Di naman halata 'no? Na botong-boto siya kay Kean. Yiiee!

Himala ang inaasal ni kuya Zen dahil hindi ito ang normal niyang ugali.

"Leche flan ito. Ako nagluto nito" malaki pa rin ang ngiti ni Kean habang may inaabot na lalagyan.

"Talaga?" Lumapit ako at binuksan iyon. Sa sobrang tuwa ko ay sinawsaw ko ang hintuturo ko at tinikman iyon.

"Hey! Matu-turn off si Kean!" Saway ni Kuya Zen.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now