Chapter 90 "Limitless"

52 3 2
                                    

Warning: For matured readers only!

Elleina Zeal's POV

"Maliligo muna ako" sabi ko kay Flair.

Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng TV. Nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Baider sa Camarines Norte dito kami magce-celebrate ng 4rth Anniversary for the first time makakapag-celebrate kami dahil maraming nangyari sa buhay namin mas pinili namin iyon bago ang kaligayahan namin dahil alam naman namin na habang buhay kaming dal'wa ang magkasama.

Iniwan ko si Flair sa sofa at umakyat na ng kwarto. Pumasok ako sa banyo at nag-shower actually tomorrow pa ang anniversary namin pero pumunta na kami dito.

Pagkatapos ko sa banyo ay pumunta na ako sa closet at naghanap ng pantulog. Napangiti ako nang makita ang silky na red, maiksing short at sleeveless na pantulog.

Nighties! So sexy and daring! Ugh!

Masarap ito sa pakiramdam kaya lang medyo makikita ang ibabaw ng dibdib ko pero okay na ito wala naman tao kaming dal'wa lang. Isinuot ko iyon at pinakatitigan ang katawan ko sa salamin. Parang ang matured na ng katawan ko, ang dibdib ko ay katamtaman ang laki dahilan upang sumilip ang itaas nito sa nighties ko. Ang curves ng katawan ko ay hulma na rin. Ang hita ko ay mahaba at makinis. Sabagay ilang taon na nga ba ako? Matanda na rin ako, I'm 23 kung tutuusin dapat nga nagpapakasal na ako dahil unti-unti ng na-stable ang buhay namin.

Napasulyap ako sa veranda. Lumabas ako doon at pinagmasdan ang paligid. Ang sarap ng preskong hangin na tumatama sa balat ko at ang payapang pagmasdan ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay. Nililipad ang buhok ko dahilan upang mapapikit ako upang damhin ang masayang pakiramdam.

Dug.dug.dug.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang yakap ni Flair sa likuran ko at ipinatong pa niya ang mukha sa balikat ko.

"Baby cherish.." ang sarap sa pandinig ng malambing na tawag niyang iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya at mas lalong idiniin iyon sa tiyan ko.

Ang yakap niya talaga ay kakaiba, masarap sa pakiramdam at ang puso ko ay pinapatalon no'n ng sobra.

Naramdaman ko ang halik ni Flair sa leeg ko na nagdulot ng iba't ibang pakiramdam sa katawan ko.

"I love you" bulong niya sa tainga ko.

Bumaling ako sa kanan dumampi ang labi ko sa pisngi niya. "I love you forever"

"Do you know how much I love you?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon. Alam ko tinanong niya na iyon sa akin dati.

"Infinity?" tanong ko sa kaniya ang mga mukha namin ay sobrang lapit na ga-hibla nalang ng buhok.

Ngumiti siya at tumango. "Akala ko nakalimutan mo na"

Umiling ako at ngumiti rin sa kaniya. "How could I forget your lines? It's like a permanent tattoo in my mind"

"Now, I want to know how much you love me?" ang mga mata niya ay kumikinang habang nakatitig sa akin.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now