Chapter 78 "Heartache"

32 5 4
                                    

Elleina Zeal's POV

"Who wants to answer this?" tanong ni Ma'am Rafon habang nagsusulat sa board.

Ang subject namin ngayon ay Organic Chemistry. Isa sa mga paborito kong subject dahil gustong-gusto ko ang magsulat ng structural formula. Organic chemistry is the study of carbons and it's compounds. Gustong-gusto ko ang naming and reactions. 

Tiningnan ko ang sinulat niya sa board 5 carbons, 12 hydrogens. Pentane 'yon! Nakita kong nilagyan niya ng double bond sa pagitan ng pang-una at pangal'wang carbon at tinanggal ang isang hydrogen. Pentene na iyon.

"Who wants to answer? What is the name of this compound?"

Walang nagtataas ng kamay. Malamang takot sila kay Ma'am Rafon dahil isa siya sa Big Three.

"Ikaw" turo niya sa kaklase kong nasa unahan. "Anong sagot?"

Nakita kong nanginig agad ang kaklase ko at parang hihimatayin pa. Tagal naming hinintay ang sagot niya pero nanginginig lang siya at 'di nagsasalita.

"Boron, oxygen!" nasapo ni Ma'am Rafon ang noo.

Paborito niyang linya 'yon. Ang boron, oxygen na kapag times two ay hulaan mo nalang kung ano ang ibig sabihin.

"Isang linggo na nating inaaral ang naming of hydrocarbon compounds 'di niyo pa rin alam!" naiinis niya kaming tiningnan lahat. "Kumuha nga kayo ng papel! Name the following!"

Dali-dali kaming kumuha ng papel. Hays. Ang dami pa naman niya magpa-exam. Malupit! Kaya nga Big Three sila ni Ma'am Katharina at Danita. Pero sa pag-graduate ko sila ang mga Professor na mamimiss ko dahil sa angking galing, talino, disiplina, pasensiya at kagustuhan nilang maging isa kaming matalino at mahusay na guro balang araw.

At 'ayon na nga nagsimula ng mag-drawing si Ma'am Rafon ng structural formula sa board.

Nakangiti kong tinapos ang papel ko. Ito talaga ang gusto kong subject kaya naman nag-eenjoy ako.

Matapos ang klase ay vacant. Pumunta ako sa dulo ulit ayaw kong sumama kala Carme dahil sa maingay sila. Gusto ko ng tahimik na mundo kaya lagi kong pinipiling pumunta doon.

Nakangiti akong umupo at isinandal ang likod sa puno. Nakakaantok. Nag-ring ang cellphone ko.

From: Poging Flair
Baby, sorry na. Nasaan ka? Walang prof.

Napangiti ako. Okay na ako ngayon 'di na ako nagtatampo sa chocolate na iyon dahil pinadalhan niya ako ng chocolates sa bahay. Sumakit na nga ang ngipin ko sa dami no'n.

To: Poging Flair
Nasa dulo sa mga puno.

Nilapag ko ang cellphone pero agad din kinuha nang mag-reply siya agad.

From: Poging Flair
Otw but I'm going to canteen muna. What food do you want?

Nag-isip ako saglit at nakangiting nagpipindot. Napa-yawn ako dahil sa puyat kagabi dami kong tinapos na assignments.

To: Poging Flair
Juice at sandwich lang

From: Poging Flair
Okay, baby. I love you.

To: Poging Flair
I love you more.

Nakangiti kong itinago ang cellphone ko. Iidlip muna ako sa paghihintay sa kaniya. Inaantok talaga ako.

Javen Flair's POV

From: baby cherish
I love you more.

Lumapad ang pagkakangiti ko nang mabasa iyon. Kahit kailan talaga mahal ako ng babaeng ito.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora