Chapter 40 "Pain"

49 6 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Nakayakap lang ako kay Flair. Oo, si Flair ang dumating at hindi si Clench. Hindi ko alam kung bakit parang napanatag ako kahit papano.

Nasa gitna pa rin kami ng daan at nagpapaulan. Hindi ko alam kung bakit sinasamahan niya akong mabasa ng ulan.

Humahagulgol pa rin ako sa balikat niya. Ang sakit ng nararamdaman ko ay tila hindi na mawawala. Ang lalim ng sugat na binigay sa akin ni Kean ay hindi na maghihilom.

Parang kahapon lang ay ang saya pa naming magkasama, nagkwe-kwentuhan, nagla-lambingan at masasabi kong perpekto ang relasyon namin dahil 'di man lang kami nagaway kahit isang beses. Napaka-lambing niya. Hindi ko naisip na sa isang iglap ay iiwan niya 'ko at sasabihing hindi ako minahal! Napakaimposible no'n pero wala akong makitang dahilan para magsinungalang siya.

"Huhuhu Flair iniwan na niya ko" sabi ko kay Flair habang yakap pa rin siya at umiiyak. "Sabi niya 'di niya ko minahal"

Nanatili kami sa gano'ng sitwasyon hanggang sa...

*beeeeeeeeeeeppppp!

Sa kaparehas na pangyayari no'ng araw na nag-paulan kami ni Kean ay lalo akong naiyak.

Sumayaw kami sa ulan na hindi iniisip na nasa gitna kami ng daan. Halos ganito ang nangyari, umiiyak nga lang ako at nagpaka-wasak sa gitna rin ng daan at umuulan.

Itinayo ako ni Flair at itinabi. Gano'n nalang ang panghihina ng tuhod ko.

Binuhat ako ni Flair ng pangkasal. Hinayaan ko nalang siya dahil wala ako sa mood makipagtalo. Masyadong masakit ang nararamdaman ko.

Isinakay ako ni Flair sa kotse niya. Nilamig ako nang maramdaman ang aircon ng kotse kaya pinatay niya iyon.

Damn, I'm wasted!

Parang kanina lang ay ang ganda-ganda at ang sexy-sexy ko. Parang kanina lang ay masaya akong pupunta sa date namin ni Kean. Parang kanina lang ay ka-text ko siya at ka-iloveyou-han pero ngayon ay parang panaginip nalang ang lahat ng iyon.

Naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Si Flair ay tumabi sa akin sa upuan ng kotse sa likod at nakatingin lang. Kung anong iniisip niya ay 'di ko alam.

At saka ko naramdaman ang pagyakap niya ulit sa akin at muling hinaplos ang buhok ko.

Wala siyang sinasabi na kahit na ano. Ganito ba mag-comfort ang Mr. Psychologist na si Flair?

"Flair..huhuhu bumalik ka do'n tawagin mo si Kean sabihin mo balikan ako" sabi ko sa kaniya sa tonong sobrang kawawa ko na.

"Zeal, please don't do this to yourself. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya 'to ginagawa"

Sinuntok-suntok ko ang dibdib niya.

"Anong dahilan huh?" Sabi ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

"Aray! Bakit ba ako ang sinusuntok mo? Ako ba si Kean huh?" nakakunot ang noong sabi niya.

"Sabihin mo na kasi huhuhu" mahihimigan sa akin ang panlulumo at hinanakit.

"I don't know. Just stop crying because you're ugly" pangaasar niya.

Sinuntok-suntok ko ulit siya sa dibdib.

"Stop that! Ang sakit!"

Tumulo lang nang tumulo ang luha ko

Narinig ko ang buntong hininga ni Flair at saka lumabas at pumunta sa driver's seat.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant