Chapter 76 "Chocolate"

42 4 1
                                    

Elleina Zeal's POV

Tatlong linggo ang mabilis na lumipas. Sobrang dami kong schoolworks na hinahabol dahil sa halos isang buwan kong pananatili sa hospital. Nasa library ako at sinasagutan ang mga physics activities nang may umupo sa harapan ko.

"Okay ka na ba? I've heard the news about you"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Nel Jan.

"Hmm" maiksi kong sagot at saka muling ibinalik ang mata sa sinasagutan ko.

"Mahal mo ba siya?"

Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Nel.

"Can you please stop distracting me? Can't you see I have a lot of things to do" sabi ko at nagsulat ng formula.

Initial velocity, final velocity. Isip ako nang isip tungkol sa magiging solution ko sa problem solving at nagdro-drawing ng illustration. Bigla ay kinuha ni Nel ang papel ko. Kumunot ng sobra ang noo ko.

Tiningnan niya iyon at may isinulat pagkatapos ay ibinalik niya sa akin.

"Nasaan pa ang iba?" tanong niya pero 'di niya ako pinagsalita.

Kinuha niya ang iba at mabilis na sinagutan iyon.

"Ano bang ginagawa mo?! I hate cheating!" sabi ko at inagaw sa kaniya ang papel. "Kung ikaw ang magsasagot nito ay dapat ikaw ang may grade! Sabi ni vygotsky you will learn from your own!" asik ko sa kaniya.

"Sino si Vygotsky?" tanong niya.

"Isa sa mga sikat na nag-propose ng zone of proximal development theory"

"Ah" tumango siya at ngumiti.

"So, mahal mo nga siya?"

Napapikit ako sa pangungulit niya. Ano bang tinatanong nito? Bakit niya tinatanong?

"Anong mahal?"

"Your boyfriend?" tinitigan niya ako sa mata.

Napatingin din ako sa mata niya. Maganda pala ang mata niya. Well, I don't care. Babaero!

"Of course, I love him kaya nga boyfriend ko diba?"

"Eh, pano kung 'di ka niya mahal?" ngumisi siya.

Ano bang sinasabi ng kupal na ito? Sasapakin ko 'to, eh.

"Malamang mahal niya rin ako!"

"Just in case na maghiwalay kayo. I'm one call away" inilabas niya nanaman ang ngisi niya.

Napailing nalang ako. Ibang klase ang isang ito. At saka tumawa ako ng malakas.

"I don't know what are you talking about. Alis ka na nga. Chupi!" pinagtulakan ko siya paalis kaya wala na siyang nagawa.

Tahimik na akong itinuon ang atensyon sa pagsagot pero maya-maya ay may naglapag ng tubig at sandwich.

"Bawal kumain dito sa library" sabi ko nang hindi nakatingin sa mukha niya.

"Gutom ka na ba, baby cherish?" Napatingin ako sa nagsalita.

Gosh! Boyfriend ko pala kala ko bumalik nanaman 'yong kupal na babaero.

"Yes, baby" sabi ko at ngumiti sa kaniya. 

"Dinalhan kita ng snack pero patago mo lang kainin dahil bawal kumain dito hahaha" poging-pogi si Flair sa pagkakangiti niya.

Nagbabasa lang si Flair sa libro habang ako ay nagsasagot. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa kamay niya na nakapatong sa table.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now