Chapter 18 "Parking lot"

37 5 0
                                    

Elleina Zeal's POV

*BossRill calling..

"BossRill?"

"Magmadali ka dahil may mission kayo ni LJ. Iligtas ang batang nakidnap! Itetext ko saiyo ang picture niya at address" nagmamadaling sabi ni BossRill

"Okay"

"Siguraduhin ligtas na makakauwi ang bata sa kaniyang pamilya"

"Yes, BossRill"

Nasa may tapat ako ngayon ng room at uwian na, hinihintay ko nalang si Lance. Maya maya pa ay dumating na siya. Nagmadali kaming maglakad palabas ng Laurente pero nang makarating sa parking lot ay nakita ko si Kean, Rev, at Flair na napapalibutan ng sobrang daming lalaking may dalang kahoy, baseball bat at kung anu-ano pang panghampas.

Dug.dug.dug

What I'm gonna do? 'Di ko sila pwedeng pabayaan.

Tumingin ako kay Lance na ngayon ay nakatingin na din sa kanila.

"Lance makinig ka, nagtitiwala ako saiyo partner. Iligtas mo ang bata. 'Di ko pwedeng pabayaan sila Kean. Masyado silang marami"

Tango lang ang isinagot ni Lance sa akin.

"Sweetheart!" Sabay kaming napalingon sa papalapit na si Carme.

Oh! Shock!

"Carme, go home!" Sigaw ko sa kaniya at itinulak pa palayo.

"Bebs?" Nagtatakang tingin niya at gulat siyang napalingon nang makita sila Flair ay nanlaki ang mga mata niya. "O..M..G!"

Nang lingunin ko sila ay nagrarambulan na.

"Lance! Alis na!" Baling ko kay Lance.

"Elle, 'wag mong pababayaan si Carme" nangingilid ang luha niyang sabi saka niyakap si Carme. "I love you" at hinalikan niya si Carme sa noo. Nagtatakang tumitig si Carme kay Lance 'di alam kung bakit iiwan siya ng basta-basta gayong nasa panganib siya.

Iyon lang at patakbo ng lumayo si Lance. Itinago ko muna si Carme sa likuran ng isang kotse. At saka ako nagsimulang sumugod.

"Elle! Umalis ka dito! Takbo!" Hinawakan ako ni Kean sa braso at pilit na pinapaalis.

'Di ko siya pinansin nang makitang may akmang hahampas ng baseball bat sa ulo niya ay nasipa ko na iyon. Nagtataka akong tinitigan ni Kean pero agad din napalis.

"Ikaw!" Turo sa akin ni Tyron. "Ikaw ang babaeng iyon?" Nakangisi niyang baling sa akin.

'Di ako nagkakamali na isiping ang grupo ni Rocky ang sumusugod.

Tiningnan ko si Flair at Rev, pagod na ang hitsura nila pero pilit pa rin lumalaban sa sobrang dami ng kalaban.

Sinipa ni Flair ang isa at patalon na sinuntok ang isa pa. Ganyan nga Flair. Mabilis siyang sumugod muli sa tatlo pa at pinanood ko pang isa-isa iyong lumagpak sa kalsada.

Lalapit na si Tyron upang sugudin ako. Natigilan siya ng sumigaw si Kean.

"Don't you dare touch this girl! 'Di mo gugustuhin ang ganti ko!" Sigaw ni Kean saka ako inilagay sa likod niya.

Nang akmang patakbo na si Tyron ay inunahan ko na si Kean, sinalubong ko siya. Sinuntok at sinipa ko si Tyron. Sa isang iglap ay hawak ko na ang baseball bat niya.

"Paanong..?" Nagtatakang tanong ni Kean na narinig ko kahit 'di ako nakatingin sa kaniya.

"Stop or Die and stay!?" Sigaw ko sa kanila upang matigilan silang lahat.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now