Chapter 29 "Perfection"

45 5 0
                                    

(Mitz note: For KeanElle Loveteam only kung Javelle ka or ClenchElle ay 'wag mo ng basahin. Chupi! CHAR! Hikhik ^_^)

Elleina Zeal's POV

'Di ako makatulog kaya nagpaikot-ikot lang ako sa kama ko. Maya maya pa ay may pakiramdam ako na may nakatingin sa akin. Inilibot ko ang mga mata ko. Hanggang sa may makita akong pigura ng isang lalaki na nakatayo sa veranda. Hinahangin ang kurtina at tahimik ang gabi kaya naman nakakatakot isipin kung sino iyon.

Bumangon ako at alistong tumayo. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa veranda habang nakahaya ang mga kamay.

"Hi, beautiful"

"Kean?" Napamaang ako. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Paano ka nakaakyat dito?"

"Lubid gaming" Inginuso niya ang lubid na nandoon.

"Paano kung nalaglag ka baliw ka talaga!" Napalakas ang sigaw ko kaya naman tinakpan niya ang bibig ko.

"Shh. Huwag ka maingay"

"Afcsgjjv" iyon nalang ang nasabi ko at napabungisngis si Kean.

"Tara?"

"Anong tara?" Nagtataka kong tanong.

"Gagala" nakangiti niyang sabi.

"Seriously? Sa ganitong oras?"

"Ayaw mo 'ko makasama?" Napangiti ako sa pagsimangot niya.

Ewan ko ba wala naman kaming label pero masaya kami sa isa't isa. 'Pag kasama ko siya nakakalimutan ko ang mundo ko parang may sarili kaming mundo na kaming dal'wa lang ang tao.

"Saan tayo dadaan?"

Halos magbulungan lang kami ni Kean.

"Dito" turo niya sa lubid. "Lubid gaming hehe"

Maya maya pa ay inalalayan niya na akong bumaba ng lubid. Sanay ako sa ganito kaya mas mabilis akong nakababa kaysa sa kaniya.

"Sanay na sanay ka, ah" namamanghang sabi sa akin ni Kean.

"Of course!" Pagmamayabang ko sa kaniya.

Umakbay siya sa akin at naglakad na kami. Kung saan kami dadalhin ng aming mga paa ay ewan ko basta kaming dal'wa ay masaya.

Natagpuan nalang namin ang aming mga sarili sa park. Kung saan palagi naming pinupuntahan.

"Tingin ka nga sa akin" nakangiting sabi ni Kean at hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kaniya.

Ginamit niya ang hintuturo niya para laruin ang pilik mata ko, bumaba sa ilong at napalunok siya nang marating ng hintuturo niya ang labi ko. Matagal kaming nagkatitigan hanggang sa lumapad ang ngiti sa mga labi niya.

"Ido-drawing ulit kita" mararamdaman ang sobrang excitement sa tono niya.

"Ang ganda mo talaga" nakangiti siya habang nakatitig pa din sa akin.

"Mambobola" hinampas ko siya sa braso niya.

"Hindi ako nangbobola 'no? Wala 'yon sa vocabulary ko" nakangiti niyang sabi.

Wala naman kaming ginagawa pero bakit pakiramdam ko perpekto na ang lahat?

Na okay na at wala ng dapat pang hilingin dahil kontento na sa ganito.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now