Chapter 14 "Riding-in-Tandem"

44 5 0
                                    

Kean Patrick's POV

Nakakapanghina!

Naupo ako sa kama ko. Ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at maangas na pumusturang nag-iisip.

Tama ba itong ginagawa kong pag-iwas kay Elle? Sumusobra naman 'ata ako? Nagi-guilty ako sa kasalanan ko sa kaniya! Wala siyang kaalam-alam sa nagawa ko! One kiss and my whole system suffered. Cool!

Bumuntong hininga ako at sumilip ng bahagya sa bintana, alam kong nandon si Elle sa kwarto niya dahil gabi na, tulog na siguro.

Ilang linggo ko ng tinitiis na 'di ka makita!

Nakakainis na ito lang ang kaya kong gawin dahil 'di ko kayang sabihin saiyo ang nagawa ko dahil baka ikagalit mo iyon at tuluyan ka ng mawala.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang may kumatok. Lumapit ako sa pinto at hinanap ko kung sino ang kumatok. Wala naman tao, tatalikod na sana ako nang marinig ang maliit na boses ng kapatid ko.

"Kuya" napangiti ako sa mumunting tinig na iyon. Kaya naman pala 'di ko nakita kasi ang kapatid ko pala iyon na tatlong taong gulang lang, 'di naman ako yumuko. Natawa ako sa naisip.

Nilapitan ko siya at malawak na ngumiti.

"Are you sad, kuya?" Maliit na boses niyang tanong.

"No! Why would I?" umiling pa ako.

"Can you tell me the story to make me sleep?" Cute niyang sabi habang may hawak na manipis na libro.

"Of course, baby Kessia. Let's go to your room?"

"Yehey!" Nagtatalon siya at humawak sa kamay ko.

Pumasok kami ng kwarto niya, inihiga ko na siya sa kama at kinumutan.

Nakangiti ko siyang binasahan ng libro. Maya-maya pa ay nakatulog na siya.

"Good night, baby Kessia"

Halikan ko siya sa noo at naglakad papunta sa kwarto ko.

"How's your study?" Nakita ko si mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

"Always good, mom" ngumiti ako sa kaniya.

"Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo dahil sa sobrang strikto niya saiyo"

"It's okay mom"

"Good night, no more bintana gaming, Kean Patrick" nakangiti ni mommy'ng sabi sa akin at saka kumindat.

"Paano mo nalamang.. hihi" napabungisngis nalang ako. Ang cool talaga ni mom.

Pumasok ako sa kwarto ko. Humiga sa kama pero 'di pa rin ako makatulog. Sinilip ko ulit ang bintana ni Elle.

Tulog na kaya siya?

Kinuha ko ang lubid sa ilalim ng kama ko. Kakasabi lang ni mommy na 'no more bintana gaming' pero heto nanaman ako at tatakas.

Nang makababa ako tiningala ko ang bintana ni Elle.

Gusto kitang makita pero baka magising lang kita!

Naglakad nalang ako kung saan abutin ng paa ko.

Elleina Zeal's POV

Ang hirap matulog! Kean ano ba? umalis ka nga sa isip ko!

Namalayan ko nalang ang sarili kong tumatakas sa bahay kagaya ng dati patay pa rin ang mga ilaw.

Sinilip ko ang bintana ni Kean. Ayaw na kitang gisingin.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now