Chapter 45 "Forgetting"

42 2 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Nagising ako ng magaan na ang pakiramdam. Ilang linggo na ang nakalipas medyo nakakalimutan ko na rin ang mga sakit na pinagdaanan ko dahil 'yon sa mga kaibigan ko. Lagi lang kaming nasa beach at sa kasamaang palad ay 'di tumigil si Flair na asarin ako araw araw, minsan nga sa kainisan ko sa kaniya ay gusto ko ng bumalik sa Makati pero dahil gusto kong mag-move on tinitiis ko nalang.

Dal'wang buwan kasi ang bakasyon namin at pagbalik ay second year na kami.

Nakaupo ako sa sofa at magka-cross ang dal'wang braso katabi ko si Lance, parehas lang kaming nakatingin kay Carme at Lance na ngayon ay nag-aagawan sa toblerone at dairy milk na ibinigay ni Flair. Si Clench ay hawak sa kamay ang mga chocolates at nakataas para 'di maabot ni Carme na ngayon ay pikon na pikon na.

"Akin na! Kahit kailan ka talaga mang-aagaw ng pagkain" sabi ni Carme habang tumatalon-talon pa, inaabot ang chocolates.

"Ang damot mo kasi, akin nalang 'to" dahan-dahang binubuksan ni Clench ang chocolates habang nakataas pa din ang kamay at nang magkaroon ng pagkakataon ay kinagat niya ito.

"HAHAHA" natawa ako.

Si Lance at Flair ay tumatawa na rin.

Lumapit si Carme sa amin.

"Sweetheart, kunin mo kay Clench 'yong chocolates!" utos niya kay Lance at tinulak pa ito patayo.

Tumayo si Lance at lumapit kay Clench.

"Ayaw ko" sabi ni Clench sa tonong umaalon pa ang boses sa pangaasar.

"Hays" - Lance

Kawawang Lance naipit nanaman sa dal'wa.

"Bilisan mo!" sabi ni Carme at umupo sa tabi ko.

Mamaya pa ay 'yong dal'wa na ni Lance ang nag-rarambulan sa sahig nag-aagawan sa chocolates. Si Clench ay tawa nang tawa habang inilalayo pa din ang chocolates, inis na inis naman si Lance kaya ang ginawa niya ay kiniliti si Clench lalong lumakas ang tawa nito. Ang saya nilang tingnan.

Hanggang sa pumasok si Manang Pinsing.

"Andito ang mga kaibigan niyo" sabi niya.

Agad akong napatayo at sinilip kung sino medyo umasa ako na sumunod sila Kean pero sila Taxen, Kil at Diamond ang nakita ko. Nanlumo ang mga tuhod ko at naupo nalang ulit.

"Hi!" Malakas na bati ni Kil.

Natigilan ang dal'wang nagkikilitian sa sahig at napatingin sa nagsalita.

"Hello sainyo" bati ko sa magpipinsan.

Lumapit silang lahat upang batiin sila Kil.

"Sabi mo pupunta ka kay lolo?" sabi ni Kil.

"Ay oo nga pala, sorry, nakalimutan ko"

"Pero 'di ngayon kasi birthday ni Buknoy" singit ni Flair.

"Edi sasama kami!" sabi ni Kil.

"Sigurado kayo? It's not the usual birthday baka magulat kayo sa way nila mag-celebrate?" - Flair

"no big deal" - Taxon

"Oo nga kasama naman kita" malanding sabi ni Diamond at lumapit kay Flair, pinulupot ang kamay sa braso nito at kinurot ang pisngi.

"Ugh! The hell" inis na sabi ni Flair.

"Ang pogi nila" rinig kong bulong ni Carme kay Lance, masamang tingin ang isinulyap niya dito kaya agad natigilan si Carme.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon