Chapter 37 "At Flair's House"

45 5 0
                                    

Javen Flair's POV

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mga mata. Naramdaman ko ang mabigat na nakapatong sa tyan ko.
Nang lingunin ko ang kanan ko nakita ko si Rev, naghihilik pa at may laway na tumutulo.

"Yuck!" napabangon ako at umupo.

Tulog pa rin si Lance pero wala na si Kean. Nilingon ko ang kama at wala na din si Zeal. Hays, magkasama na sila sa ganito kaaga.

Pumasok ako sa CR ng mabibigat ang mga paa at nakanguso pa. Binuksan ko ang gripo ng bathtub.

"WAHHH!!!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh shut! Clench--ugh sorry! Nakalimuatan ko" inalalayan ko si Clench na makatayo.

Dito nga pala siya natulog sa bathtub hahaha.

"What the fuck I'm doing here at the bathtub?!" inis na sigaw ni Clench at masama ang tingin sa akin.

"Hahaha--eh kasi hahaha sumuka ka kagabi kaya dyan ka namin nilagay" turo ko pa sa bathtub.

"ugh! Ang sama niyo!" sabi niya habang tinitingnan ang katawan niyang nabasa.

"Kuha ka nalang ng damit sa closet ko kahit ano do'n" sabi ko.

"Aish!" dadabog-dabog siyang lumabas ng CR.

Sinundan ko siya ng tingin at iiling-iling na nag-toothbrush habang nakangiti.

Pagkalabas ko ng CR nakita ko si Clench na humihilik na. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Nasa tabi siya ni Rev.

Tama yan diyan ka magyakapan kayong dal'wa dyan hahaha. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko sila. Madalas akong kumuha ng picture dahil masayang balikan ang mga 'yon.

Bumaba ako ng hagdan at sumilip sa kusina nakita ko si Kean na nakayakap sa likod ni Zeal habang siya naman ay nagluluto. Nakapatong pa ang mukha nito sa balikat niya. How sweet! Ugh!

Kakainis kayong makita dito pa kayo naglalandian! Hays.

Aakyat sana ako ulit sa taas pero nakita ako ni Zeal.

"Flair!" tawag niya sa akin.

Kaya lumingon ulit ako at no choice kung hindi lumapit sa kanila. Tinanggal naman ni Kean ang pagkakayakap kay Zeal at umupo sa tapat ng lamesa.

"Goodmorning, pre!" bati ni Kean.

"Morning" walang gana kong sabi.

"Flair, 'di pa ba sila gising? Para sana makapag-breakfast na" sabi ni Zeal habang naglalagay ng ham sa lamesa.

"You cooked huh? I thought you're a princess in your house?" sabi ko sa tonong nangaasar.

"Akala mo lang 'yon" pagmamataas niya.

"Prinsesa ng mga palaka" pangaasar ko. Pinandilatan niya ako ng mata.

"Don't ruin my day, Flair!" pagbabanta niya.

Maya maya pa isa isa ng nagbababaan ang mga kaibigan namin.

"Goodmorning!!!!" napatakip ako ng tainga sa lakas nang sigaw ni Carme.

"What?" sabi niya nang makitang nakatakip kami ng tainga.

"Bebs! Ang lakas nang sigaw mo!" sabi ni Zeal sa tonong nagsesermon.

"Whatever" umirap lang sa kaniya si Carme at umupo sa tapat ko. Sumunod naman si Lance sa tabi niya.

Mamaya ay bumaba na rin si Ali at Rev kasunod nila si Arah.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now