Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"

51 4 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Dahil sa takot ko ay tinahak ko ang daan papunta sa bahay nila Flair.

Natakot talaga ako sa kaniya dahil sa unang pag-kakataon may taong kinaya ako ng 'di man lang siya pinag-pawisan. Ramdam ko pa rin ang haplos ng lalaking 'yon sa katawan ko. Fuck! pero wala akong nagawa dahil hindi ko siya matamaan.

Dreadful gang? Anong klaseng gang 'yon?! Ang corny nila kala ko pang-highschool lang 'yon pero unang beses kong maka-encounter ng gano'n. Ramdam kong delikado sila.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Fuck! Iyakin ko talaga. Bakit kasi 'di ko nagawang labanan ang hayop na 'yon. Merong kakaiba sa ngisi niya na hindi ko mabatid kung ano.

Sumasakit ang ulo ko. Nang marating ko ang bahay nila Flair ay diretso akong pumasok. Binigyan niya kasi ako ng susi para daw nasu-surprise siya sa pag-dalaw ko hahaha. Baliw siya.

Walang tao sa sala kaya umakyat ako sa kwarto niya pero wala din siya do'n.

"Hahaha" narinig ko ang tawanan sa study room kaya pumunta ako.

Sinilip ko muna 'yon at nag-init ang ulo ko nang makita si Flair kasama ang isang magandang babae!

Kailan pa siya naging close sa babae?

Pinanood ko lang sila nagtatawanan lang sila habang si Flair ay may sinusulat sa papel.

"Ahem" kunyaring umubo ako.

Sabay silang napalingon sa akin. Ang babae ay gulat pero si Flair ay gumuhit agad ang ngiti. Buti naman dahil kung hindi pupulutin siya sa sahig.

Tinaas ko ang kilay ko pero 'di ako nag-salita.

"Baby" lumapit si Flair at yumakap sa akin.

Nakita ko ang babaeng nag-ligpit na ng gamit niya.

"Jave, salamat. Aalis na rin ako" sabi nito at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Sige, hatid na kita sa baba" sabi ni Flair. Tumingin si Flair sa akin. "Baby, wait lang huh?"

Umirap lang ako.

Bumaba ako at hinintay siya sa sofa. Suntok 'to sa akin.

Nang makapasok siya ay agad kong sinuntok ang braso niya.

"Why?" nag-tataka niyang tanong.

"Busy ka sa case study? Huh?" mataray kong sabi.

"Oo nga" sabi niya at hinila ako paupo ulit sa sofa.

"Busy! Nakikipagtawanan ka nga do'n!" inis na inis na ako.

"Nagseselos ka ba?" nakangisi niyang tanong.

"No!" mariin kong sabi.

"Really?" nang-aasar nanaman siya.

Sinuntok ko ulit siya sa braso.

Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng inis! Naiinis ako. Mas okay na 'yong dating Flair na ayaw sa babae kaysa ngayon napapansin ko dumarami ang kaibigan niyang babae! Nagseselos ba ako? Ugh! Whatever.

"Siya ang kasama ko sa case study, baby" malambing na sabi ni Flair at yumakap pa sa baiwang ko.

"Okay. Uwi na ako"

Tumayo ako pero hinila niya ako ulit paupo kaya napaupo ako sa hita niya.

Gusto kong sabibin sa kaniya ang nangyari sa Laurente pero 'di ko masabi sa inis ko sa kaniya.

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Where stories live. Discover now