Chapter 53 "Mother's Heart"

48 2 0
                                    

Elleina Zeal's POV

Huminto kami ni Flair sa isang mataas na lugar matalahib pero ang ganda ng paligid ay tila isang paraisong babalik-balikan ng sinumang makarating.

Makikita ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay, ang dampi ng hangin ay nakakapag-pakalma, ang katahimikan sa paligid ay nakaka-enganyo at ang gabi ay nagsasabing 'okay lang 'yan, ang buhay ay ganiyan talaga. Laban lang'

Pag-baba namin ng kotse agad na yumakap si Flair. Hindi na ako umiyak pa kalmado na ako.

"Tell me, what's the problem?"

Nagulat siya no'ng humawak ako sa braso niya at yakapin iyon. Bakit kinakalma ako ng katawan niya? Hindi ko alam.

"Ako ang nawawalang apo ni Mr. Baider"

Nakita ko ang gulat na gulat niyang mukha.

"Paano nangyari 'yon?"

At kwenento ko sa kaniya ang lahat. Kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa pakikinig at sobrang interesado.

"Shut! So, ang girlfriend ko pala ay isang Baider" namamangha niyang sabi.

Hinampas ko siya.

"Anong girlfriend?"

"Girlfriend, as in 'yong babaeng mahal--aray!" napahawak siya sa braso niya dahil hinampas ko nanaman.

"Nakakainis ka talaga!"

"Sagutin mo na kasi ako" nakanguso niyang sabi.

"Ayaw ko nga!" pag-tataray ko.

"Ayaw mo ba sa akin?"

Ang cute ng mukha niya parang ibang Flair  'yong kaharap ko ngayon. Malambing na Flair.

"Ahm--gusto"

Lumaki ang ngiti niya.

"Yiee, gusto mo pala ako huh? Ikaw huh?" nakangisi siyang nang-aasar.

"I mean-- ugh! Tigilan mo nga ako!"

Nag-iinit ang pisngi ko. Buset talaga 'to.

"Kinikilig ka? Hahaha" pang-aasar niya. "Pogi ko talaga. Swerte mo nga sa akin e ikaw lang talaga ang nagustuhan ko kahit Over Melanin ka tapos nakikigamit ng tooth--aray!"

Hinampas ko nanaman siya sa braso.

"Kakainis ka na! Bakit 'di ka maka-move on sa paggamit ko ng toothbrush mo 'di ko naman sinasadya!"

"Kunwari pa ang baby ko"

Baby ko? Ugh! Nag-iinit ang pisngi ko. Nakakainis siya. Parang biglang nag-pantig ang tainga ko at tumalon ang puso ko sa sinabi niya.

"Tara na nga! Uwi na tayo!"

"Mamaya na! Inaasar pa kita, eh"

"Halika na!" Mabilis akong naglakad at pumasok ng kotse.

"Anything for you, my Cherish" poging-pogi siya sa pag-kakangiti niya ngayon.

Parang natutulala ako sa kagwapuhan niya. Ngayon ko lang siya na-appreciate ng sobra.

Flair, I hate you! Ugh!

Na-iinlove na ata ako! Aish!

"Umuwi na tayo ng Makati" sabi ko.

Natigilan siya.

"Gusto kong kausapin sila mommy. Itetext ko nalang sila Carme na mag-enjoy pa muna sila dito"

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon