Chapter 5 "Riot"

69 8 0
                                    

Kean Patrick Valencia's POV

Can't sleep!

It's already 11pm. Haish!

Gusto kong magpapawis. Kinuha ko ang lubid. Dating gawi bintana gaming.

Sobrang strikto ng daddy ko kaya tuwing gusto kong lumabas sa gabi dumadaan ako sa bintana gamit ang lubid na hawak ko ngayon. Dahan-dahan akong bumaba at 'ayon naabot ko rin ang baba. Easy! Napangisi ako sa naisip.

Naglakad-lakad na ako puro tulog na ang mga tao sa mga bahay na nadadaanan ko. Madilim na ang kalsada nang makalabas ako ng village namin pumasok ako sa eskinitang maliit. Di nga ako nagkamali may riot dito.

Nice!

Agad akong nakisali sa gulo. Ganito ako magpapawis, exercise kumbaga.
Sinipa ko ang isa at ayon tumba agad,

Ang hina naman!

Sinuntok ko ang isa, umikot ako at nakita kong pasugot na ang isa pa sa akin kaya naman bago pa siya makalapit ay sinipa ko na siya.

"Sino ka ba?" Tanong ng lalaking may peklat sa kilay. "Are you a friend or an enemy?"

"Both" ngumisi ako at sinipa siya.

Lumapit sa akin ng sabay sabay ang tatlong lalaking may hawak na kahoy.

Nice, this is what I want siguradong pagpapawisan ako!

Sumugod ang isa nasapak ko na sya bago makalapit, sinipa ang isa pa at dinibdiban ang kasama pa nila.

Pinagpapawisan na ako. Siguro titigil na ako maya-maya ng kaunti. Akmang may lalapit nanaman sa akin pero nakita ko ang kahoy sa malapit sa akin kaya naman hinampas ko iyon sa kaniya at 'ayun tumba.

"Cool!" Nakangisi kong sabi sa sarili.

"Magaling ka bata, ah!"

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Nakita ko ang lalaking may peklat sa kilay.

"Gusto mo bang maging bata ko?" Tanong niya sa akin sa ekspresyong manghang-mangha.

"No, thanks"

Susuntukin ko na sana siya nang may mahagip ang mata ko isang babaeng naglalakad papunta sa gawi dito.

No way!

'Di siya pwede dito siguradong mapapasali sya sa gulo o baka mabastos pa siya ng mga 'to.

"See you around" sabi ko sa lalaking may peklat sa kilay.

Agad na akong tumalikod at iniwan ang riot. Ang riot na iyon ay isang gulo na kung saan parang practice mo, iyon nga sabi ko kanina pangpapawis. Kahit sino pwede mong kalabanin, sapakin, sipain at suntukin. Gano'n mag-practice ang mga tao do'n.

Nakita ko na iyong babae. Hinila ko sya at dali-daling itinago sa likod ng pader. Sisigaw na sana siya pero inilagay ko ang hintuturo sa bibig niya.

"Shhh!" Bulong ko sa kaniya.

'Di ko namalayan na sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang bango niya. 'Di ko rin napansin na malapit rin pala ang mukha namin sa isa't isa kaya naman nagkatitigan kaming dal'wa. Napatingin ako sa mga mata niya.

Napakaganda at nanghahalina!

Ilang segundo ang titigan namin na iyon para ba akong naestatwa at 'di alam kung paano magre-react.

Dug.dug.dug.dug.dug.

My heart..

Elleina Zeal's POV

Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (Baider's Invention #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon